Chereads / Who Am I To You / Chapter 4 - Chapter 3: Ang baliw'ng binibini Shinea

Chapter 4 - Chapter 3: Ang baliw'ng binibini Shinea

Ni check ng manggamot ang kanyang pulso na lalong ikinakunot ng kanyang noo. Kasi hinawakan lang ang pulso tapos na agad?

"Naalala mo ba ako Binibini?" Tanong pa ng manggamot sa kanya.

"Hindi po kita kilala kaya hindi kita maalala. Saka hindi po ako ang Shinea na tinutukoy niyo. Mira po ang pangalan ko." Dahil sa sagot niya lalong napailing ang manggagamot.

Lalapitan sana siya ng ina ni Shinea pero pinigilan siya ni Ministro Jiro.

"Ikaw si Binibining Shinea at hindi Mira binibini. Baka gutom ka lang. Bigyan niyo siya ng makakain." Sabi ng mangagamot at agad namang umalis si Hana para kumuha ng pagkain.

Hindi naman umangal si Mira dahil totoong gutom siya. Pero kahit nagugutom siya hindi non mababago na magiging Shinea siya gayong siya naman talaga si Mira.

Pagdating ng sinasabi nilang pagkain kinausap ng doktor ang mga magulang ni Shinea habang si Mira naman inaamoy ang mga pagkaing hindi niya kilala at ngayon lang nakita.

Kahit ang kutsara ay gawa sa puting kahoy. Ngayon lang siya nakakakita ng kahoy na kulay puti.

Inamoy pa niya yung pagkaing ngayon lang niya nakita. Nang tikman niya lugaw lang pala.

"Lugaw lang pala pero bakit kulay green?" Nagtatakang tanong niya.

"Hinaluan po kasi iyan ng gamot para maibalik ang lakas niyo Binibini. Wag kayong mag-alala, sa susunod hindi na lugaw ang ipapakain sayo." Sagot ni Hana.

"Mira." Sabi ni Mira na ipinagtaka ni Hana.

"Mira ang pangalan ko at hindi Binibini at hindi Shinea."

"Mira? Pero binibini, Ikaw po si Binibining Shinea. Ubusin niyo po muna ang lugaw niyo pagkatapos ay magpahinga na muna kayo. Maalala niyo rin ang lahat kapag gumaling na kayo."

Napabuntong-hininga naman si Mira. Ano bang dapat niyang gawin para maniwala ang mga ito sa kanya? Bakit nila pinipilit na siya si Shinea? Nai-stress na siya. Lalo pa't lugaw lang ang ipapakain sa kanya? Sinong may gustong kumain sa ganitong uri ng lugaw? Solohin na niya. Wag lang ipakain kay Mira.

"Hana. Maari mo ba akong dalhan ng iba pang pagkain? Nagugutom na kasi ako pero bakit lugaw lang ang ipapakain niyo sa akin?"

"Binibini, hindi pa raw kayo maaaring kumain ng ibang pagkain maliban sa lugaw para hindi daw mabigla ang tiyan niyo. Dalawang linggo kaya kayong walang malay."

"Dalawang Linggo?" Gulat na sambit ni Mira.

"Sigurado ka bang ako yung nakahiga sa kama? Baka yung Shinea na yon at ipinalit lang ako?" Baka kasi tumakas yung Shinea tapos siya ang ipinalit nito sa lugar niya dahil sa ayaw makasal.

"Binibini, hindi po mangyayari yon. Palage po kitang binabantayan simula nong dinala ka ng mga kawal pabalik rito sa mansion. Higit sa lahat, maraming mga nakabantay na mga kawal sa labas para tiyaking di ka na makakatakas pang muli kung sakaling tatakas ka na naman." Nag-alala na talaga si Hana na baka tuluyan ng nabaliw ang amo niya dahil sa labis na kalungkutan.

"Patawarin mo ako kung hindi kita naprotektahan. Kung nabantayan lang sana kitang mabuti, hindi ka sana mahuhulog sa bangil."

Bangil? Kailan pa nagtungo si Mira sa isang bangil. Ataol ang pinasukan niya at sa bangil agad siya nalaglag? Ano yon, portal? Sa dinami-rami pa ng portal, bakit ataol pa?

Bang makitang umiiyak na naman si Hana, hindi alam ni Mira kung ano ang gagawin para tumahan ang isang to.

"Uy! Uy, wag ka ng umiyak. Wag kang mag-alala. Tutulungan kitang hanapin si Shinea." Lalo namang napaiyak si Hana dahil sa sinabing iyon ni Mira.

"Binibini, ikaw nga si Binibining Shinea at hindi ka si Mira." Napahagulhol na ito.

Napabuntong-hininga naman si Mira. Hindi niya alam kung nanaginip ba siya o may nagprank lang sa kanya o baka naman pinasok siya sa reality show na kunwari umaarte sila sa loob at inaartehan lamang nila ang tulad niya.

Kaya lang bakit parang totoo ang lahat ng ito? Bakit mukhang hindi na yata ito panaginip, prank ba kaya o shooting?

Pagkatapos kumain tinanong siya ni Hana kung gusto na ba niyang maligo. Kaya hinanap naman agad niya ang shower room pero isang silid lang ang nakita niya. Walang shower, walang gripo at walang bath tub.

"Saan ako maliligo?"

"Ayon po Binibini." sabay turo ni Hana sa isang maliit na pool na may mga petals ng mga bulalak.

"Woah! Parang katulad sa mga napapanood ko sa drama sa TV. Yung mga paliguan nila kundi bathtub na may mga petals ng mga bulaklak ay isang hot spring o ba kaya ganito na parang swimming pool." Masiglang sambit niya at yumuko ng bahagya at inilubog ang isang kamay sa tubig.

"Katamtaman lang ang init." Sambit pa niya.

Si Hana naman kanina pa iniisip kung ano ang tinutukoy na drama sa TV ng amo niyang ito. Kapag drama alam niyang kapag umaarte lang ang isang tao maituturing itong nagdadrama lang. Pero TV? Ano yon?

Excited na tatalon na sana sa tubig si Mira pero pinigilan siya ni Hana.

"Binibini, hindi niyo pa po nahuhubad ang kasuotan niyo. Tutulungan ko na po kayo."

"Eh? Tutulungan mo akong maghubad? As in huhubaran mo ako?" Gulat na tanong ni Mira at tinuro pa ang sarili.

"Isa po yon sa trabaho ko Binibini." Akmang hawakan ang suot ni Mira. Agad namang napayakap sa sarili ang dalaga.

"Ano ba Hana. Wala ng camera kaya wag ka na ngang umaarte diyan. Samahan mo nalang kaya akong maligo? Wala namang ibang tao e. Hindi naman siguro tayo papagalitan kapag nagpahinga na muna tayo sa rehearsal na to." Para kasi kay Mira na nagpapraktis lamang sila ni Hana para sa pag-acting sa isang major drama at isa sila sa mga naatasang maging extra.

Iniisip niyang masyadong devoted si Hana sa propesyon kaya gustong-gusto nitong umarte kahit wala ng camera o ba kaya'y masyadong nadala sa papel niya kaya kahit break time na gusto paring umarte.

Sa gawi naman ni Hana, naiiyak na naman ito. Tuluyan na bang nabaliw ang kanyang amo? Bakit kung ano ano na lamang ang mga pinagsasabi nito?