Chereads / Who Am I To You / Chapter 5 - Chapter 4: Majika

Chapter 5 - Chapter 4: Majika

"Ito na po susuotin niyo binibini." Muntik pang madulas sa basang sahig si Mira dahil sa gulat. Mabilis na hinila ang isang puting bathrobe at itinakip sa hubad na katawan.

"Bakit bigla kang pumasok?" Tanong niya na tinatakpan ang mga pribadong parte ng katawan.

Natawa naman si Hana sa reaksyon niya.

"Binibini. Nakalimutan niyo na po bang ako ang nagpapaligo sa inyo mula pa noong mga bata pa tayo? Ay oo nga pala, nakalimutan mi nga." Bahagya siyang nalungkot maalalang nakalimutan nga pala ng amo niya ang nakaraan nito.

"Wag na po kayong mahiya sa akin binibini. Nakita ko na po lahat, saka trabaho ko pong alagaan kayo." Pinasuot niya kay Mira ang bra na gawa sa malambot na tela.

"Talaga bang pati damit ko iba ang magsusuot? Ang sosyal ng panaginip na 'to. Kaya lang paano kung namatay na ako at napasok lang sa katawan na to? Yung katulad sa mga transmigration stories at reincarnation?" Npatakip siya ng bibig sa naisip. Ngunit sinapok din ang sarili dahil imposibleng mangyayari sa totoong buhay ang mga transmigration at reincarnation na nababasa niya sa mga webnovels.

"Wag niyo pong saktan ang sarili niyo binibini." Nag-alalang sambit ni Hana dahil sinapok ni Mira ang ulo.

Pinakalma naman ni Mira ang sarili at inisip na nananahinip lamang siya. O baka naman napasobra ang pang-iidolo niya sa mga napapanood niya at mga nababasang nobela.

Pinaupo siya ni Hana at pinunasan ang buhok niya para madaling matuyo. Habang pinatapatuyo ni Hana ang kanyang buhok hindi niya maiwasang mapahikab. Matapos patuyuin at suklayan, inayos na ni Hana at ginawang malabulaklak ang kanyang buhok. Nilagyan din ng may disenyong bulaklak na hairpin para mas magandang tingnan.

"Tapos na po binibini." Sabi ni Hana at pinaharap na siya sa salamin.

Napawow naman si Mira makita ang sariling repleksyon sa salamin. Nakikita niya ang isang napakagandang babae na may gulat na mga mata. Bagay na bagay sa cute niyang mukha ang hairstyle niyang ito. Mas gusto niya ang dati niyang mukha kaysa sa mukhang ito ngunit hindi maitatanggi na nagagandahan din siya sa mukha ng Shinea na ito.

Kumurba naman ang kanyang katawan sa suot na puting blusa. May pulang kapa naman siya sa likuran.

"May igaganda pa pala ang mukhang to?" Sambit niya na nakahawak sa magkabilang pisngi. Ngunit napataas ng kilay mapansin ang kapa sa likuran niya.

"Bakit may suot pa akong kapa? Para saan ba to?" Tanong niya habang tinitingnan ang hood ng kapa niya.

"Ayaw niyo pong walang kapa at mas madalas nga nagsusuot kayo ng cloak." Sagot ni Hana.

Tumayo naman si Mira at umikot-ikot pa para matingnan ang sarili sa salamin. Para siyang prinsesa na tulad sa mga nakikita niya sa mga pelikula.

Tinanong niya si Hana tungkol kay Shinea. Dito niya nalamang ang lalaking minahal ni Shinea ay ikakasal kay Jiara na isa sa mga half-sisters ni Shinea at si Shinea naman ipapakasal sa ikatlong prensipe na hindi niya gusto kaya siya nagtangkang magpakamatay.

Hindi madali ang nagiging buhay niya sa Shin Manor dahil anak lamang siya ng isang concubine. Madalas siyang pinaparusahan ng legal na asawa ni Ministro Shin at madalas ring inaapi sa dalawa niyang half-sisters.

Kinuha ni Hana ang diary ni Shinea at ipinakita kay Mira. Si Mira naman kahit anong baliktad sa mga letra wala talaga siyang maintindihan. Wala siyang nababasa kahit isang letra.

"Letra ba to o drawing?" Tanong niya.

"Ikaw po ang nagsulat niyan binibini." Malungkot na sagot ni Hana.

"Bakit di mo nalang ako tulungang basahin ito?"

"Paumanhin po ngunit hindi din po ako marunong magbasa." Sagot ni Hana at nahihiyang mag-angat ng tingin.

Dahil hindi marunong magbasa at magsulat, kumuha si Ministro Shin ng magtuturo ni Mira. Habang si Hana naman ang naatasang magpapaalala sa kanya sa kanyang nakaraan.

"Ilang ulit ko bang sabihing hindi ako si Shinea." Naiiyak ng sambit ni Mira.

Kapag sinasabi niyang hindi siya si Shinea iisipin agad nilang tuluyan na siyang nabaliw. Hindi rin siya nakakalabas sa silid na ito hangga't hindi daw niya pagsisisihan ang mga pagkakamaling ginawa niya. Marami ring nakabantay na mga kawal sa labas ng kwarto niya.

"Ang boring dito. Inip na inip na ako. Walang TV, walang radyo, walang kuryente, walang celphone." Nakadapa siya ngayon sa kama ni Shinea at sumipa-sipa na sa inis.

"Binibini. Para hindi kayo mainip, subukan niyong linangin ang kakayahan niyo sa pagamit ng inyong majika."

"Majika?" Tanong niya. Hindi kaya siya si Shinea at saka wala siyang majika.

"May alam po ako kung paano yan gagawin kaya matuturuan ko po kayo." Umupo si Hana sa sahig at naka lotus position.

"Kailangan niyo munang magmeditate." Sabi ni Hana.

"Magkaiba ang paraan ng paglilinang ng mga majika ng bawat isa at ito ang maituturing na pinakamadaling paraan para sa paglilinang at pagpapalakas ng iyong enerhiya at majika."

"Damhin mo ang mga enerhiya sa paligid at igiya mo ito papunta sa iyong katawan at gawing kabilang na sa enerhiyang pinagmamay-ari mo."

Umiling lamang si Mira. Ano bang alam niya sa mga enerhiya at majika na yan? Cultivation world ba itong napasukan niya? Dumapa na lamang siya sa kama niya at pumikit. Ngunit naiisip parin niya ang sinabi ni Hana na damhin ang enerhiya sa paligid.

"Paano ba yun mararamdaman?" Tanong niya sa sarili.

Sinubukan niyang pakiramdam ang sarili. Kulay itim lamang ang nakikita niya kasi nakapikit naman siya. Ngunit sa gitna ng itim na ito ay may maliit na liwanag siyang nakikita kaya naman naidilat niya ang mga mata baka kasi may liwanag na tumama sa mga mata niya kaya niya nakita ang puting liwanag na iyon ngunit ang kulay puting kubrekama ang sumalubong sa kanyang paningin.

"Ay ito siguro yung puting nakikita ko kanina. Ikaw kasi Mira naniwala ka diyan sa maid ni Shinea." Muli na siyang pumikit.

Puro itim lamang ang nakikita niya ngunit unti-unting nagbabago ang nakikita niya. Mula sa puro itim nakakakita siya ng liwanag na parang apoy. Nagulat siya dahil pansin niyang napapaligiran siya ng dalawang uri ng apoy. Ang isa ay katulad sa mga ordinaryong apoy na nakikita niya ngunit ang isa ay kasing pula ng dugo.

Sinuri niya ang buong paligid. Nakita niyang may mga daloy ng mga enerhiya na nagmumula sa paligid. Dito niya nakikita ang mahinang enerhiya na kulay puti ang nakapaligid sa isang pigura. Idinilat ni Mira ang mga mata at hinanap kung sino ang nagmamay-ari ng enerhiya na ito. Nakita niyang si Hana pala ang nagmamay-ari sa puting enerhiya. At naisip niya na ang malabong pigura kanina ay ang pigura ni Hana.

"Nakakakita di ako ng enerhiya sa paligid?" Sambit niya at napatakip sa bibig. Nanlalaki rin ang mga mata niya.

Mabilis siyang umupo at ginaya si Hana. Nagulat siya dahil may alaalang bigla na lamang pumasok sa isip niya.

Isang bata na nakaupo sa isang malaking bato. Napapaligiran siya ng mga tubig na umaagos mula sa mga taon. Sa tabi niya ay isang lalaking nakatayo at may hawak na pamalo. Sinasabi nito kung ano ang dapat gawin ng bata.

Napahawak siya sa ulo dahil sa tindi ng sakit na nararamdaman.

"Alaala ko ba to? O sa Shinea na ito?" Napasinghap siya maisip na baka nasa loob nga siya ng katawan ni Shinea.

"Oh my god! Baka nangyari nga sa akin ang tinatawag nilang transmigration." Nakanganga na siya ngayon habang nanlalaki ang mga mata. Hindi napansin na nilapitan na siya ni Hana at tinawag na ng paulit-ulit.

"Sandali may cheat ba ako?" Pinakiramdaman ulit ang sarili baka sakaling may makikita siyang cheat. Tiningnan niya ang daliri, nagbabakasakaling may space ring siya o secret dimension siya kaso wala.

"Wag mo namang sabihing extra lamang ako sa transmigration story na ito?" Ibinagsak niya ang katawan sa kanyang kama at pumalahaw na ikinatarantang lalo ni Hana.

Wala siyang magical artifact. Walang space dimension, at space ring, walang makapangyarihang espada ang meron lang siya, ay mga bully na stepsisters, malupit na stepmother, at ex-fiance na di niya kilala.

"Di ba ganito yung mga bida sa nobela? Napapasok sa katawan ng isang good for nothing, tapos may mga mapang-aping mga half-sisters pero bakit wala akong special na kakayahan?" Lalo siyang naiyak sa mga naisip. Hindi rin siya nagpapasalamat sa napasukang katawan dahil mas maganda pa naman siya sa mukhang ito at mas bata ang orihinal na siya ng tatlong taon.

"Sandali. Ilang taon na ang Shinea na ito?"

"Labing pitong taon na po Binibini."

Katorse palang si Mira at kadadalaga pa lang ngunit napasok siya sa brokenhearted na seventeen years old na binibini.

Ngunit bakit kasing flat naman yata niya ang katawang ito? Maliban sa mukha wala namang ibang nagbago sa kanya. 160 centemeters ang katawang Mira niya at gano'n din ang katawang ito.

Sa lugar na ito, maari ng mag-asawa ang isang katorse anyos na babae at kinse anyos naman sa mga lalake. At nakasanayan na rin dito na mga magulang ang nagpapasya kung sino ang makakatuluyan ng mga anak at kung kailan ito dapat mag-asawa.

Naisip ni Mira na kung gusto niyang makaligtas sa lugar na ito kailangan niyang maging malakas. Kaya naman muli siyang nagpaturo kay Hana tungkol sa tinatawag nilang magic cultivation sa lugar na ito. Panaginip man ito o hindi kailangan niyang maprotektahan ang sarili.