May isang binibining nasa tuktok ng isang bangil. Nanginginig ang mga paa habang patuloy sa pag-atras. Sa di kalayuan ay mga kawal na nakasuot ng kulay pulang metal.
"Mga kawal ko kayo pero bakit niyo ginagawa sa akin to?" Di makapaniwalang tanong niya.
Sila ang mga kasama niya sa paglaki. Ang kasama niya kahit saan siya magpunta ngunit isang araw bigla na lamang ang mga itong naghahabol sa buhay niya.
"Patawad lady Shinea, pero kailangan ka naming patayin para sa kaligtasan ng aming pamilya." Sabi ni Riku na halata ang guilt sa mukha.
Si Riku ang naging guro ni Shinea, siya din ang pinakapinagkakatiwalaan niya sa mundong ito. At hindi niya inaakalang isa rin ito sa mga taong gustong pumatay sa kanya.
Mahalaga ang buhay ng mga pamilya nila, kung ganon hindi rin ba mahalaga ang buhay niya?
"Tumalon ka nalang Lady Shinea at sabihin na lamang namin na nagpakamatay ka. Wala namang nagmamahal sayo. Para saan pa ang halaga ng buhay mo." Sabi naman ni Jason. Isa sa mga kawal na kasama niya sa training.
Palapit na palapit na sila sa kinaroroonan niya kaya naman itinuon niya ang kanyang elemental energy sa kanyang mga kamay. May apoy ang lumitaw sa kanyang palad na handang itapon sa sinumang magpupumilit na lumapit sa kanya.
Alam niyang wala siyang laban sa mga ito dahil marami sila at nag-iisa lamang siya. Higit sa lahat, kakagising lang din ng kanyang kapangyarihan.
"Bakit mo pa papahirapan ang mga kawal mo?" Nahawi agad ang mga kawal at gumawa ng daan para sa bagong dating.
Makikita mo ang isang magandang babae na may mga accessories pang nakalagay sa nakahairstyle na buhok. Mahaba ang magarang damit na sumasabay sa ihip ng hangin kung maglakad. Para siyang dyosa na bumaba sa lupa at kapansin-pansin sana ang angking ganda kundi lang sa mas maganda sa kanya ang babaeng nasa gilid ng bangil.
"Jiara. Tulungan mo ako. Papatayin nila ako." Nabuhayan pa ng loob si Shinea makita ang nakakatandang kapatid pero naglaho din ang tuwang yon makitang nginitian siya ng kapatid na ito.
"Wag mong sabihing..." hindi makapaniwalang sambit niya.
"Hahaha! Ako nga ang nag-utos sa kanila." Sagot ni Jiara at muling tumawa.
"Hindi totoo yan. Magkapatid tayo. Paano mo nagawa sa akin to?" Iiling-iling na tanong ni Shinea.
Si Jiara ang palaging umiintindi sa kanya sa tuwing may nagagawa siyang hindi nagugustuhan ng pamilya. Si Jiara din ang palaging nandiyan para sa kanya at aumbungan niya ng problema.
Ito rin ang nagsulsol sa kanya na dapat si Prince Lianjei ang mamahalin niya. Na mabait ito at ang siyang karapat-dapat sa pag-ibig niya at hindi ang tulad ni prince Lianfei na masungit at masamang prensipe.
"Sisihin mo nalang ang sarili mo kung bakit nagiging fiance ka ng ikatlong prensipe."
"Hangga't buhay ka pa, ikaw parin ang ipapakasal sa kanya kaya mas mabuti pang patayin na lamang kita at palabasing nagpakamatay ka dahil hindi mo matanggap na ipakasal ka sa ikatlong prensipe na di mo mahal." Pagkatapos sabihin yon ay sinaksak ang sariling kapatid bago ito itulak pababa ng bangil.
Nang makitang tuluyan ng nahulog si Shinea saka nagbago ang kanyang ekspresyon at umiyak.
"Shinea! Bakit mo ginawa to? Bakit ka nagpakamatay para lamang sa iisang lalake?" Kung di lang nakita ng mga kawal na ito na siya mismo ang nagtulak sa sariling kapatid baka napaniwala na silang nagmamalasakit nga ito sa kapatid.
"Shinea!" Tawag ng bagong dating na nakasakay sa isang kabayo. Agad itong tumalon pababa at tumakbo sa kinaroroonan ni Jiara.
"Nasaan na si Shinea?" Tanong nito kay Jiara na halata sa mukha ang matinding pagkabahala at pag-alala.
"Patawad kamahalan. Hindi na namin siya naabutan. Tumalon na siya pababa." Ang lumuluhang sambit ni Jiara.
Napaatras naman si Prince Lianjei.
"Hindi. Hindi totoo yan. Shinea! Shinea!" Tawag pa niya.
"Ano pang ginagawa niyo? Hanapin niyo si Shinea!" Utos ng prensipe sa kanyang mga kawal.
Agad namang bumaba ng bundok ang mga kawal ng unang prensipe upang hanapin ang katawan ni Lady Shinea.