Chereads / Dear Soulmate / Chapter 6 - Dear Soulmate 004

Chapter 6 - Dear Soulmate 004

Dear Soulmate,

Kailan kaya tayo magkikita?

Wala lang, nae-excite ako na ewan. Sa pitong bilyon na tao sa mundo, sino ka kaya doon?

Baka ikaw pala yung ex ko?

Baka ikaw pala yung naging crush ko noong highschool o kaya college?

Baka ikaw pala yung idol ko, charot!

Soulmate, alam mo ba, inaalagaan ko ang sarili ko. Para kapag nagkita na tayo in the near future, maalagaan kita ng ayos.

Tinuturuan ko na rin ang sarili kong maging mag-isa, kaya kapag nagsama na tayong dalawa. Kaya na  nating magsama at hindi na natin kailangan ang iba.

Oo, alam kong mag-isa ako pero hindi ibig sabihin no'n ay habang buhay na... dahil alam kong dadating ang araw na makakasama na kita at hindi na ako magiging mag-isa pa.

Soulmate, sa pitong bilyon na tao dito sa mundo, gusto ko lang sabihin sa'yo na, hinihintay kita at hihintayin kita.

Love,

Zyra