Chereads / Dear Soulmate / Chapter 9 - Dear Soulmate 007

Chapter 9 - Dear Soulmate 007

Dear Soulmate,

Gusto ko kapag nag-date na tayong dalawa, ayoko ng sobrang gara. Gusto ko sa  Mcdo o kaya sa Jollibee, pwede rin naman sa isawan, mas maganda pa 'yon!

Hindi kasi ako yung tipo ng babae na gusto sa sosyalin basta ang importante, masaya ako at magkasama tayong dalawa.

Wala rin akong pakialam kung may kotse ka ba... kasi kahit meron ka no'n, sa jeep tayo sasakay na dalawa.

Huwag ka nang mag-inarte at baka masuntok lang kita, joke! HAHAHA! Hindi mo kailangang ipunta ako sa mga sosyalin na lugar. Kahit nga sa taas ng bubong niyo pwede na 'yon at least nakapag-star gazing tayong dalawa.

Kapag sa bayaran naman, hindi mo kailangang ilibre ako, bakit?

Pwet mo may rocket... charot ulit.

Kasi, sabay tayong magbabayad sa pinagkainan natin, hahatiin natin yung pera natin. Hindi mo kailangan bayaran lahat dahil may pera naman ako. Kailangan mag-ipon at maging practical tayong dalawa.

Kapag wala tayong ipon, paano na ang kasal nating dalawa? Diba?

HAHAHAHA! Hindi pa nga kita nakikita, kasal agad ang naiisip ko.

Basta soulmate, i-ready mo ang sarili mo, dahil libreng-libre na pagmamahal ang ibibigay ko sa'yo!

Love,

Zyra