Chereads / Dear Soulmate / Chapter 10 - Dear Soulmate 008

Chapter 10 - Dear Soulmate 008

Dear Soulmate,

Wala na akong masabi at makwento sa'yo. Joke, nag-iisip talaga ako ngayon.

Alam ko na, ano 'yung mga paborito at ayaw ko sa sarili ko. Unahin muna natin sa ugali ko.

Ang pinaka-nagustuhan ko sa ugali ko ay... mabait ako pero ang ayaw ko naman ay sobrang taray ko at damay lahat kapag nabadtrip ako.

Sa ulam naman, hindi ako mapili kaya huwag kang mag-alala. Makakatipid ka sa future wife mo. Kapal ko talaga!

Sa damit, gusto ko yung komportable ako tapos ang ayoko namang susuutin ay yun para kang jejemon at naligaw sa kabilang mundo, alam mo 'yon?

Sa kulay naman, gusto ko yung maganda sa paningin ang pinaka-ayoko ko naman ay yung masiyadong matingkad yung kulay at sobrang nakakasakit sa mata.

Sa kaibigan, ang gusto ko yung sasabayan ako sa trip ko at ayoko naman ay plastic.

Kaya kung may plastic ka na kaibigan, ekis agad 'yan sa akin.

Sa future asawa naman, tinatanong pa ba 'yan? Siyempre ikaw. Yieee! Ikaw talaga, soulmate!

Ikaw talaga ang para sa akin.

Ikaw kaya soulmate? Ano ang ayaw at gusto mo?

Love,

Zyra