Chereads / Dear Soulmate / Chapter 12 - Dear Soulmate 010

Chapter 12 - Dear Soulmate 010

Dear Soulmate,

Tapos na akong sulatan ka, hanggang dito na lang. I mean, wala na akong masabi. Tapos na ang mga gusto kong sabihin sa'yo.

Sa ngayon,hinhintay at hihintayin na lang kita, ikaw na lang ang kulang.

Sa ngayon, habulin muna natin ang mga pangarap natin sa buhay, para kapag nagkita na tayo ay handa na tayong dalawa.

Mag-travel muna tayong dalawa, para kapag nagkita tayo ay marami na tayong mga pupuntahang lugar na gusto nating puntahan at balikan.

Mahalin muna natin ang sarili natin, para kapag nagkita na tayo ay hindi tayo matatakot na mahalin ang isa't-isa.

Alagaan ang sarili natin, kapag nagkita na tayo, malusog tayo at masiglang dalawa.

Matuto tayong pasayahin ang sarili natin, para kapag nagkita na tayo, alam na natin kung paano natin mapapa-saya ang isa't-isa.

Soulmate, nandito lang ako sa paligid mo na naghihintay at hinihintay ka.

Saan kaya tayo magkikitang dalawa? Sa pitong bilyon na tao... paano tayo magkikita?

Soulmate... we will meet at the right place, at the right time, when im the right person. I know, one day we will meet and crossed our path.

Just wait for me, for now... chase our dreams first, travel alone and learn to love ourselves first.

When we are ready and happy, I know that God will make a way to crossed our paths.

This is my last letter to you, I'm excited to meet you my soulmate... again, I just want to introduce myself again.

I'm Zyra Marie Del Fierro and I'm waiting for you.