Chereads / Dear Soulmate / Chapter 11 - Dear Soulmate 009

Chapter 11 - Dear Soulmate 009

Dear Soulmate,

Ang totoo n'yan, malapit ko na ring matapos itong mga sulat sa'yo. Bakit kamo?

Kasi nararamdaman kong malapit na tayong magkitang dalawa, malapit na malapit na.

Kasi tapos na rin naman yung mga gusto kong sabihin sa'yo, gusto ko, ikaw naman ang makilala ko.

Wala na  akong masabi, wala na akong maisip na plano nating dalawa in the near future. Pero gusto ko lang sabihin sa'yo na...

lagi kitang pinagdadasal kay Lord.

Na sana ay ingatan ka niya kasi magkikita pa tayong dalawa, huwag ka niyang pababayaan at higit sa lahat ay huwag ka na sanang malungkot dahil parating na ako sa'yo.

Ano kayang ginagawa mo ngayon?

Ano kayang kinakain mo ngayon?

Naboboring ka na ba sa buhay mo?

May problema ka kaya?

O

Iniisip mo na ako ngayon?

Soulmate, malapit na tayong magkita, malapit na malapit na. Huwag ka na sanang malungkot kung malungkot ka man ngayon.

Palagi mong tatandaan na merong naghihintay sa'yo na isang katulad ko.

Love,

Zyra