Dear Soulmate,
Alam mo ba? Siyempre hindi pa! HAHAHAHA!
Ang dami ko nang pinagdaanang heartbreak, siguro mga lima na. Minsan parang ayoko nang magmahal, kasi...
Nakakatakot
Nakakatanga
Nakaka-ewan
Nakakabahala
Hanggang sa nagising ako na, siguro kaya nangyayari sa akin 'to dahil dadating ka.
Siguro, kaya pinagdaanan ko ang mga ganoong bagay dahil kapag dumating ka na ay tama na ang maibibigay na pagmamahal ko sa'yo.
Yung tipong walang duda, inggit, selos. Kasi alam kong nasa tamang tao na ako, kasi nandito ka na sa tabi ko.
Soulmate, muntik lang akong sumuko sa pagmamahal pero hindi ibig sabihin noon ay ayaw na kitang makilala. Siguro, konting-konti na lang. Alam kong magkikita na tayong dalawa.
Huwag ka sanang mapapagod at magsasawang magmahal ng ibang tao. Siguro, sa ngayon, iniiyakan mo yung taong hindi para sa'yo. Pero hahayaan muna kitang maging tanga at umiyak sa kaniya.
Kasi, balang araw, magiging akin ka na.
Love,
Zyra