Dear Soulmate,
Ano kayang pangalan mo?
Ano kayang hitsura mo?
Katulad ka kaya ng mga CEO, Engineer, Lawyer na ang gagwapo?
Joke! Kaka-wattpad ko lang 'to pero siyempre, kahit ano pa ang maging hitsura mo. Mamahalin at tatanggapin pa rin kita.
Hindi basehan ang mukha sa pagmamahal, ang basehan dito ay ang panloob mong kaanyuan. Kung gusto mo pala ng gwapo pero pangit pala ang ugali... magsisisi ka sa buhay.
Kasi ako Soulmate, kahit ano ka pa. Mamahalin kita katulad ng pagmamahal ko sa sarili ko at hindi ako magsasawang mahalin ka.
Sana, kapag nagkita tayo, kasing ganda ng ngiti mo ang paborito kong rosas na bulaklak.
Alam kong magkikita tayo.
Love,
Zyra