Chereads / Bloody Class (Completed) / Chapter 5 - Chapter Four

Chapter 5 - Chapter Four

Pilit iniintindi ni Rochelle ang mga pinagsasabi ng kanilang guro sa Physics na si Miss Ana, ngunit wala talagang ni isa ang pumasok sa isip niya. Ang nasa isip pa rin niya ay ang panloloko sa kanya ni James. Napaisip siya sa rason na ito na kung susumahin ay mababaw lang naman. It just a simply date na hindi siya pumayag. Hindi niya maiwasang magtaka na baka pinaglalaruan lang ni James ang puso niya. Kilala pa naman ito na babaero sa klase.

Pagtunog ng buzzer mula sa quadrangle ay nagpaalam na ang kanilang guro. Hudyat na ng katapusan ng kanilang klase. Nagsiligpitan na ng mga gamit ang mga mag-aaral sa seksyon Sampaguita.

Rochelle wants to talk with James. Binilisan niya ang pagliligpit at akmang lalapitan na sana niya ang lalake pero mabilis na inilingkis ni Maybelle ang kamay nito sa braso ni James. Nginitian pa siya ng kaklase ng mapang-asar. Hindi niya maiwasang mainis lalo pa't hindi man lang makatingin sa kanya ang lalake ng diretso.

She concluded. Nagkabalikan nga ang dalawa and at the same time pinaglaruan lang pala siya.

Napabuntong-hininga lang si Rochelle at inayos ang sarili. Sinimulan na niya ang paglalakad para makauwi na. Napaisip rin siya na baka na ang magsusundo sa kanya. As always ang yaya niya sakay sa driver nito. Pero hindi pa siya nakalabas ng silid ay napahinto nang may mabilis na humawak sa kamay niya.

Hinarap niya ito at napag-alamang si Melecio ang may gawa. Mabilis siya hinila ng lalake papunta sa ikalawang palapag ng gusali malapit sa silid-aklatan. Walang tao sa bahanging iyon dahil uwian na at bihira lang talagang may tumambay o dumaan malapit sa silid-aklatan dahil takot mapagalitan sa librarian kapag nag-iingay.

Nagpupumiglas si Rochelle at hinampas ang dibdib ni Melecio. "Ano ba? Bakit bigla-bigla ka nalang nanghihila? galit na wika nito na medyo hinihingal.

"Hindi mo ba napapansin? Mahal pa rin kita, Rochelle!" buo at diretsong pahayag ni Melecio kay Rochelle sa kanyang nararamdaman. May halong kaba na sambit niya dahil baka may makarinig bukod sa kanilang dalawa.

"Are you out of your mind?" Napatawa ng bahagya si Rochelle matapos marinig ang sinabi ni Melecio. "Gagawin mo pa talaga akong third party sa lagay na 'to? Wow! Just wow!" sarkastikong saad ng dalaga.

"I'm just being true. I know, mahirap paniwalaan dahil kami pa ni Vangelyn. But I am willing to break her heart just to prove that I still love you!" Pangungumbinsi ni Melecio kay Rochelle at sinubukan hawakan ang mga kamay nito. Maagap na binitawan ng dalaga ang kamay na humawak at sinampal ng malakas ang lalake.

"I've been longing for true love at hindi sa mga kagaguhan panloloko ninyo. I'm used to it and I'm tired of being broken. Huwag mong tangkain na saktan ang dating kaibigan ko para lang sa'kin, " napaiyak ng wala sa oras si Rochelle. "Alam ko ang pakiramdam ng sinaktan. Kaya huwag na huwag mong tangkiin na iwan siya, " dagdag nito at tinalikuran ang lalake.

Akmang aalis at maglalakad na sana siya ng biglang mariin siyang hinawakan at iniharap siya ni Melecio. Marahas nitong inaangkin ang kanyang labi. Sinubukan na pumiglas at manlaban si Rochelle pero malakas ang pagkakahawak ng kamay ni Melecio. Naging matagumpay ito na angkinin ang kanyang labi.

HULING lumabas sa silid si Vangelyn kasama ang ilang kaklase niya dahil sila ang naatasang maglinis. Siya ang lider ng grupo at panget namang malaman na mismo ang lider ay hindi tumutulong. At kapag ganoon din ang ipinakita niya ay baka malaman ng mga kaklase niya ang totoong kulay niya. Dalawang tao lang ang nakakaalam sa maitim niyang sikreto. Isa na rito ang nobyo niyang si Melecio at ang isa ay dating kaibigan niya.

Dumidilim na ang paligid kaya binilisan ni Vangelyn ang kanyang paglalakad. Pumanaog niya siya sa ikalawang palapag ng gusali nang mapatingin siya sa bahaging malapit sa silid-aklatan. May naaninag siyang dalawang bulto ng tao at sa tantiya niya babae at lalake ito. Hindi niya maintindihan kung bakit kinakabahan siya at sobrang bilis ang pintig ng puso niya.

Hindi niya namalayan na dinala siya ng kanyang mga paa papunta sa nakita nito. Hindi niya makita ang mga mukha dahil madilim na ang paligid. May ilaw naman itong nakalagay ngunit baka naligtaan na ipailaw ito ng utility ng paaralan.

Kinapa ni Vangelyn ang bulsa ng kanyang palda upang alamin kung naroon ba ang kanyang cellphone. Napag-alaman niyang naroon ito at kaagad niya itong kinuha. Hinanap niya ang flashlight sa phone at akmang iilawan na niya ang dalawang tao nang biglang lumiwanag ang paligid dahil sa ilaw. Binuhay ito ng isang utility malapit sa exit.

Nagulat siya ng makitang kakahiwalay lang ng dalawang tao sa paghahalikan. Mas nagulat siya ng matamaang si Melecio ang lalake. Ang kanyang nobyo. Agad niyang tiningnan ang babaeng kahalikan nito at mas nagulat siya ng makitang si Rochelle ang babae.

Nabitawan ni Vangelyn ang kanyang cellphone at kasabay niyon ay ang paglandas ng kanyang luha. Hindi niya maisip na kayang gawin ni Melecio ito sa kanya. Agad niyang pinunasan ang kanyang mga luha at matalim na tiningnan si Rochelle.

"Vangelyn, mali 'yang nasa isip mo!" saad ni Rochelle at umaasang maniniwala si Vangelyn sa kanyang sinabi. Sinimulang kumbinsihin ni Rochelle si Vangelyn sa nangyari ngunit hindi nagpatinag ito.

"Walang hiya ka! Mang-aagaw! Lahat na lang talaga ay kinukuha mo! Una si James na boyfriend ng kaibigan kong si Maybelle at ngayon si Melecio naman? No doubt kung bakit walang magmamahal sa 'yo dahil masama ka," galit at malakas na saad ni Vangelyn kaharap si Rochelle. "Kaya nga nawasak ang samahan natin noon dahil gahaman ka talaga. Lahat na lang ng bagay inaangkin mo!" dagdag nito.

"What? Ako pa talaga ang pinalabas mong masama? Bakit ako bang nang-agaw? Unang naging akin si Melecio at ngayon sa nakita mo, sa maniwala ka man o hindi, hindi ko 'yon intensyon," paliwanag ni Rochelle kay Vangelyn.

"Just shut up! Kahit anong paliwanag mo, hindi pa rin mababago ang lahat na mang-aagaw ka! Ganiyan ka naman talaga, e! Kaya nga siguro hindi ka mahal ng mga magulang mo. Bakit pa sila mag-aaksaya ng panahon sa isang tulad mo na kahit kailan ay walang ginawang kabutihan, " pang-iinsulto ni Vangelyn na nagpataas ng galit ni Rochelle.

Umigting ang tenga ni Rochelle matapos marinig ang sinabi ni Vangelyn sa kanya. Nasaktan siya roon na nagpataas ng galit niya at kaagad na sinugod si Vangelyn.

"Walang-hiya ka! Dinamay mo pa talaga pamilya ko sa kahibangan mo!" Sinampal niya ito at sinabunutan ang buhok. Malakas ang pagkakasampal na iyon na talaga namang nagpapula sa pisngi ni Vangelyn.

Nagsabunutan ang dalawang babae at hindi nagpapigil. Sinubukang awatin ni Melecio ang dalawa ngunit nasampal pa ito ni Vangelyn. Napagbuntungan din ito ng galit. Nagpatuloy sa pag-aaway si Rochelle at Vangelyn.

Nagkaroon ng ilang galos si Rochelle maging si Vangelyn din. Gulong-gulo ang kanilang buhok at hindi maipinta sa ang kanilang itsura dahil sa kanilang pag-aaway. Natigil lamang sila ng humingi ng tulong si Melecio sa security guard.

"Hindi pa tayo tapos, Rochelle! Magtutuos pa tayo!" Gigil na turan ni Vangelyn at kaagad pinulot ang bag at cellphone na kapwa nasa sahig. Inayos niya ang sarili at kaagad nilisan ang naturang lugar. Naglakad siya at tinahak ang daan pauwi.