Maagang nagsidatingan ang mga mag-aaral sa seksyon Sampaguita. Sabik na sabik na silang pumasok sa unang klase nila na Physical Education. They are longing for how many days to their handsome instructor, Mr. Jay Nepumuceno. Ilang araw kasi itong wala at hindi pumasok dahil dumalo sa isang Sports Festival. Isa kasi itong coach sa basketball team at isa ang paaralan nila sa participants sa naturang event.
Marami ang humahanga sa nasabing guro.
Bukod kasi sa pagiging sporty at gwapo ay mabait rin ito. Mas dumami ang nahuhumaling dito nang malamang wala pa itong nobya. Todo paganda at gumagawa ng paraan ang ibang kababaihan para lang mapansin. Kasama na rito ang ilang mga babaeng estudyante sa Sampaguita. Kaya todo ayos at paganda ang mga ito habang wala pa guro.
"Good morning, class! " Masiglang bati ng guro nila nang pumasok na ito sa kanilang silid.
Agad na nagsitayuan ang lahat at tumugon sa bati ng kanilang guro. Niligpit na rin ng ilang mga kababaihan ang mga kagamitang pampaganda at sinimulang ituon ang atensyon sa kanilang gwapong guro.
Nagbigay ito ng isang paalala para sa kanilang huling performance sa nasabing asignatura. Magtatanghal sila ng isang cheer dance na gagawin sa quadrangle. Kasunod na ibinigay ng guro ang ilang mechanics at criteria kung paano sila bibigyan ng puntos. Pagkatapos ay pinangkat nito ang klase sa dalawang grupo.
Kaagad na nag-discuss si Mr. Jay sa ilang basic steps sa cheer dancing. Ang ilang basic steps na kanyang itinuro ay kinakailangang ma-apply sa kanilang huling performance. Ipinaliwanag din niya kung ang ilang tips upang mas mapaganda ang sayaw.
Napangiti si Mr. Jay nang matapos na ang discussion niya sa klase. Nagsitilian at kilig na kilig naman ang ilang kababaihan dahil sa ginawa ng guro. Nagpapadagdag kasi ang ngiti nito sa kanyang kagwapuhan. Dinagdagan pa ito ng malalim na biloy na lalong napapatingkad sa taglay nito.
Nagtungo ang lahat sa quadrangle. Alas- otso pa lang ng umaga ngunit tirik na tirik na ang araw. Nagsipuntahan ang mga mag-aaral sa kanilang grupo. Sinimulan nila ng isang warm-up exercise at kaagad na isinunod ang basic steps ng cheer dance na kanina ay itinuro ng guro nila.
Labin-limang minuto ang oras na ginugol nila sa ensayong iyon. Hinihingal na ang ilan at pinagpapawisan na. Nang makita ng guro nila ang pag-usad ng ensayo, pinahinto niya ito at pinahintulutang magpahinga.
Pawisan si Vangelyn nang umupo sa isang bench sa gilid ng quadrangle. Kaagad na kinuha niya ang puting towel niya at ipinunas sa basa niyang mukha. Binuksan niya ang kanyang shoulder bag at kinuha ang isang tumbler na may lamang tubig.
Pagkasarado niya ng bag ay nagulat siya ng tumambad sa kanyang kiliran si Rochelle. Umupo ito at nagpupunas ng pawis. Magkasama sila sa isang grupo na pinangungunahan niya. Si Vangelyn lang naman kasi ang lider ng grupo nila dahil ito ang magaling sumayaw. Bahagi rin ito sa isang dance troupe sa school.
"Tubig, gusto mo?" Kasabay na inabot niya ang isang tumbler sa kaklase. She remain nice despite of their misunderstanding at away kahapon.
"Thanks but no thanks!" Nagulat siya sa isinagot nito. She tries to remain on her innocent looks. Ibinaba niya ang tumbler at bumuntong-hininga. "Fine," tipid niyang sagot.
Kapwa silang napalingon sa bagong dating na si Alsidro, kaklase rin nila. Hinihingal ito at pawis na pawis.
"Painom ng tubig?" Hinamblot niya ang tumbler at agad na ininum ang lamang tubig. Nahimasmasan ito pagkatapos uminom.
May kalakihan si Alsidro. Sa madaling sabi, mataba ito. Minu-minuto itong kumakain. Kaya nagtaka sina Rochelle at Vangelyn nang wala itong dalang tubig. Napagtanto rin ng dalawa na baka naubusan.
Hingal na hingal ito pagkatapos mag-ensayo sa basic steps ng cheer dance. Tumakbo ito palapit sa puwesto nila upang humingi ng tubig. Nakainom naman at kaagad na nagpasalamat. Bumalik ang lalake sa grupo nito.
Nakarinig sila ng isang pito galing ni Mr. Jay. Hudyat ito na ipagpatuloy ang kanilang ensayo. Ngunit sa pagkakataong ito, magdadagdag na sila ng ilang steps para sa kanilang sayaw.
Bumalik sila sa kanilang puwesto at nag-isip ng mga steps. Ang mga lider ang siyang namuno bawat grupo. Nag-ambagan naman ang ilan maliban na lang sa hindi marunong sumayaw. Nag-presenta lang ang mga ito na sila ang gumastos sa costumes at props.
Lider si Vangelyn sa isang grupo habang si Erika ang nasa kabila. Napansin ni Erika na nanghihina si Alsidro na miyembro niya.
"Okay ka lang ba, Alsidro?" Hinawakan niya ang noo at leeg ngunit nasa tamang pakiramdam naman ito.
Ipinagpatuloy ni Erika ang pag-aassign sa mga miyembro. Nagulat sila nang biglang natumba ang kasamahan nilang si Alsidro. Agad nilang itong tinulungan at pinagtutulungang buhatin papunta sa isang bench na hindi natatamaan ng sikat ng araw.
Lumapit rin si Mr. Jay at tinawagan ang isang nurse sa clinic ng school gamit ang kanyang cell phone. Ilang minuto ay dumating na ito. Agad na inilalayan ang walang-malay na si Alsidro at dinala sa clinic.
Hindi na ipinatapos ni Mr. Jay ang pag-eensayo. Pinapunta niya na ang lahat sa classroom para makapag-bihis at makapag-pahinga. Pinaalala rin niya sa mga estudyante na palaging mag-ingat at magsabi sa kanya kung masama ang pakiramdam upang maagapan sa madaling panahon.
Nakaramdam ng ilang kilig ang iba dahil sa pagiging concern ng guro. Mas lalo nabighani ang ilang estudyante dahil sa katangian nito.
Nag-ayos ang lahat sa loob ng silid. Nagkaingayan ang lahat. May nagtatawanan at naghaharutan. Nagbabatuhan ng mga papel. Nagkaroon pa rin ng enerhiya ang ilan matapos ang ensayo. Dalawang oras ang Physical Education nila ngunit dahil sa nangyari kay Alsidro hindi natapos ang klase.
May iba na lihim na natutuwa sa nangyari kay Alsidro. Nagpapasalamat dahil may malaking oras ng pagpapahinga. Nagpatuloy ang ingay sa klase nang biglang magsalita ang mayor ng klase na si Peter. Pinagsabihan niya na maging tahimik ang bawat isa dahil baka makadisturbo sila sa iba na mayroong klase.
Hindi nakikinig ang lahat at nagpatuloy sa pinagagawa nila. Nag-iingay at nagkakat pa sa room. Ang dating tuwid na ayos ng mga upuan ay tila dinaanan ng bagyo. Hindi na nakatiis si Peter at pumunta na ito sa harap.
"Guys, mga bingi ba kayo?" Nanginginig na wika ni Peter. Hindi natinag ang kanyang mga kaklase sa sinabi niya kaya nagpasya siyang lumabas sa silid nila.
Nalungkot si Peter sa inasta ng mga kaklase niya. Apat na taon siyang namuno sa klase pero ngayon lang siya hindi sinunod at pinakinggan ng mga ito. Nakaramdam siya pangungulila dahil nakikita niyang hindi na ganito ang dating samahan na naranasan niya.
Ang samahan ng bawat isa noon ay matatag. Malapit ang bawat isa't isa. May hindi pagkakaunawaan ngunit agad na naaayos. Samahan nilang akala niya ay hindi matitibag. Lahat kasi ng kaguluhan ay nag-iisa sila. Sa saya at lungkot nandiyan ang bawat isa nakikisama.
Ngayon ay nagbago ang lahat. Nag-iba ang ihip ng hangin. Biglang nagbago ang ugali. Lahat ay nagiging kompetisyon. Utakan ang labanan sa loob ng klase. Isinantabi ang pagkakaibigan para lang sa hinahangad na karangalan. Napaiyak na lang si Peter sa kanyang iniisip.
- - - - -
"Ano ba kayo? Nagwalk-out na si Peter, ayaw niyo pa ring makinig? Hindi ko na alam kung paano ko kayo pagsasabihan. Kung ayaw niyo, bahala kayo sa buhay niyo!"
Umeeksenang hirit ng bise-mayor ng klase na si Erlinda. Galit na galit ito at tila sasabog ng wala sa oras. Hindi na ito nakakapagtimpi sa inasta ng mga kaklase kaya napagsigawan niya ito. Naging epektibo naman ang ginawa niya. Tumigil at naging tahimik sa loob ng klase.
Ilang minuto ang lumipas at bumalik si Peter sa loob ng silid. Tiningnan niya ang mga kaklase at nasisiyahan siyang natahimik ito.
"Sorry, Peter!" Sabay-sabay na sambit ng mga kaklase niya. Natuwa naman siya sa ginawa nito kaya ngumiti siya.
"Sorry accepted but never do that again!" He tries not to cry. Sobrang mahal niya ang mga kaklase niya kaya siya ganitong umasta. Itinuring na niya itong mga kapatid.
"Since mahaba pa ang oras para sa susunod na subject, bibisitahin natin si Alsidro sa clinic. Okay lang ba sa inyo 'yon? " Nakacross-armed na anunsyo ni Peter.
Nagsitanguan ang lahat at napagpasiyahang tumungo na sa clinic. Paglakad nila sa hallway ay binigyan sila ng daan ng mga lower students. As expected, takot na naman ito sa kanila. Nagpatuloy sila sa paglalakad hanggang makarating sa clinic.
Bigo sila nang malamang wala doon si Alsidro. Ayon sa isang nurse, isinugod nila ito sa malapit na ospital. Napag-alaman din nilang nalason ito sa kung anong pagkain o inumin.
Pagkarinig ni Vangelyn sa sinabi ng nurse ay doon niya napagtanto na pinainum niya pala si Alsidro ng tubig kanina matapos humingi ito. Napakagat siya sa kanyang labi. Palpak naman siya sa unang galaw niya. Naiinis siya sa nang maisip iyon.
Ang tubig na may lason ay para kay Rochelle sana ito ngunit tumanggi naman ang babae sa alok niya. Tumalikod siya at sinubukang umalis ngunit nakita siya ni Peter.
"Saan ka pupunta, Vangelyn?" Nakataas na kilay na tanong ng mayor sa klase.
"A-a-no, mag-c-cr lang ako saglit," ani Vangelyn.
Buo ang isip ni Vangelyn na magtungo sa malapit na ospital. Iisa lang ang malapit na ospital sa bayan nila kaya alam niyang naroon naka-confined si Alsidro. Sumakay siya ng taxi at tinungo ang naturang ospital.
Pagkatapos magbayad sa driver ay bumaba siya. Nagtanong siya sa isang nurse sa assistance area kung nasaan ang room ni Alsidro. Binigay naman nito ang numero at sinabi niyang pinsan niya ang pasyente.
Plano niyang tuluyan ang buhay ni Alsidro. Napagisip-isip niya na baka mabuhay ito ay magiging problema lamang ito kapag nagkataon. Mabuko pa siya tungkol sa lason.
Mahimbing itong nakaratay sa hospital bed. Minasdan niya ang mukha ng kaklase. Nagpaalam siya rito at humingi ng tawad sa kanyang gagawin. Hinablot niya ang nakakabit na dextrose at tinakpan niya ang mukha gamit ang unan.
Kumisay-kisay pa ang lalake na parang manok na pinugutan ng ulo. Diniinan ni Vangelyn hanggang sa mawalan na ito ng hininga. Luminga-linga siya at baka may nakakita sa ginawa niya. Tiningnan niya rin ang bawat sulok ng kuwarto at baka may nakakabit na surveilance camera. Laking pasalamat niya nang malamang wala iyon.
Inayos niya ang pagkahiga ng kaklase upang magmukhang natutulog lang. Naglakad siya nang buong tapang na may kasamang tuwa. Naging palpak man ang plano niya kay Rochelle ay nakagawa nakagawa naman siya na siguradong ikakatuwa ng kaibigan niyang si Lucho—ang masamang nilalang na palaging bumubulong sa kanya.