Chereads / Bloody Class (Completed) / Chapter 10 - Chapter Nine

Chapter 10 - Chapter Nine

MATAGAL ng nagustuhan ni Zethro si Erika ng palihim. Maraming beses na niyang sinubukang magtapat sa dalaga sa kanyang nararamdaman pero kapag kaharap na niya ang babae ay umuurong ang dila niya. Nahihiya at natatakot siya sa kadahilanang baka kapag nalaman ni Erika ay biglang lalayo ito.

Ayaw niyang lalayo ito sa kanya. Mas gugustuhin niya lang na manatili silang magkaibigan kaysa na magkaroon ng ilangan dahil sa kanyang nararamdaman. Ngunit, sa oras na ito na nasa gitna sila ng panganib kailangan nito ng proteksyon. Gusto niyang bantayan si Erika dahil baka sa anumang oras ay aatake na naman ang pumapatay sa klase nila.

Kutob ni Zethro na kaklase lang nila ang may gawa n'on. Siguro may malalim na rason kung bakit may nangyaring patayan. Ito ang gusto niyang malaman kung sino at kung ano ang dahilan kung bakit ginagawa nito ang bagay na walang kaawa-awa.

Nang makita niya si Erika papasok ng paaralan ay kaagad niya itong hinabol at nag-presenta siyang siya ang magdadala sa notebook na dala-dala ng dalaga. Ibinigay naman ito ni Erika at nagpasalamat siya sa ginawa ng lalake nang makarating sila sa loob ng kanilang silid.

Naisip ni Zethro na kailangan niyang ituon ang kanyang atensyon kay Erika para masiguro niyang ligtas ito. Nais niyang maging personal guard ng dalaga sa loob ng paaralan.

Nalungkot sila sa natanggap na balita sa karumal-dumal na sinapit ng kaklase nilang si Rica at Johncel. Hinala ng pulis na nag-imbestiga, may sakit sa utak raw ang may gawa no'n sa kaklase nila. Kahit pa sa nangyari nagpatuloy sila sa kanilang pag-aaral kahit masakit sa loob nila ang nangyari.

Sa ibang banda, si James at Maybelle ay naghaharutan. Naghahalikan pa ito na parang walang nakakakita sa kanila. Nagkaroon pa ito ng oras sa paglalampungan sa kabila ng nangyari.

Matapos ng kanilang halikan, nang makita ni James si Zethro ay pinuntahan niya ang puwesto nito. Malapit ang dalawa dahil magkapit-bahay sila. Parehong lumaki ng sabay kaya naging magkaibigan.

"You know what dude, I think nandito lang ang killer sa room natin," saad ni James habang minamasahe pa ang nguso niya.

"Iyon nga ang nasa isip ko, dude, e. Sigurado akong kaklase lang natin ang may gawa n'on. Kailangan nating malaman kung sino man ang may gawa ng kagaguhang ito," buo at may pagkagalit ang boses ni Zethro.

Nag-usap ang dalawa at kapwa nagbigay ng mga pangalang kahina-hinala sa room nila. Nagkatinginan sila nang malamang iisa ang hinala nila. Si Vangelyn iyon. Nag-plano silang sundan nila ang babae mamayang uwian upang malaman kung totoo ang kanilang hinala.

Limang araw na lang bago ang kanilang huling exam kaya todo gawa sila sa mga proyektong kailangan ipasa at itanghal. Sa umaga, tinapos nila ang isang short film na proyekto as a class. Nagkaroon din ng debate sa Filipino at isang play sa English tungkol sa Asia Literature na itinanghal sa gymnasium.

Halos hindi na sila makapagpahinga dahil sa rami ng gawain. Tanging lunch break na lang ang oras ng pagpapahinga nila dahil kapag recess time ay ginagamit nila ito para maghanda.

Pagpatak ng hapon, itinodo na nila ang pag-eensayo sa kanilang cheer dancing dahil bukas na ito sa umaga itatanghal sa gymnasium. Doon sila nag-ensayo at nagkaroon ng blocking upang hindi malito kung saan ang puwesto ng bawat isa.

Pagkatapos ng ensayo, ang dalawang grupo ay gumawa na sa kanilang mga props at costume na gagamitin at isusuot. Nagover-time ang lahat para matapos ang lahat. Pinayagan naman sila ng guard pero hanggang alas-otso lang ng gabi.

Binilisan nila dahil pasado alas-siete na ng gabi at nangangalahati pa sila sa kanilang ginagawa. Tumayo muna si Rochelle at umalis sa gymnasium. Bumalik siya sa kanilang room upang kunin ang naiwang sticks para sa kanilang props. Pag-akyat niya sa hagdan ay may narinig siyang ingay.

Ang kaklase niyang si Diana na kasalukuyang nanonood ng korean drama. Kilig na kilig pa ito habang hinahawakan ang cellphone. Sinugod siya ni Rochelle at hinablot ang head phone na nakakabit sa tenga nito.

"Ano bang problema mo?" singhal ni Diana matapos hablutin ni Rochelle ang head phone.

"Ako pa talaga ang may problema ngayon. Hindi mo ba alam na bukas na ang performance natin tapos ikaw chill ka lang diyan? Ang kapal rin ng mukha mo 'no? Tatanggap ng marka na hindi mo naman deserve. Palamunin ka lang sa grupo." Naglakad si Rochelle at ibinato sa sahig ang head phone ni Diana.

Nangiggil siya sa ginawa ng babae. Nagawa pa itong mag-chill habang sila ay hirap na hirap sa paggawa ng kanilang costume at props. Nagpunta si Rochelle sa room upang kunin ang sticks. Umalis naman siya kaagad doon nang makuha ang kailangan.

Hindi niya inaasahang naroon pa rin ang babae matapos sinabihan niya ito ng diretso at masakit na salita. Talagang matigas ang ulo nito dahil hindi ito nakinig sa kanya.

Humahalinghing pa si Diana nang mapanood na malapit ng magkahalikan ang dalawang bidang artista sa pinanood. Nagpainit ng dugo naman ang ginawa niya kay Rochelle.

"Talagang matigas ang ulo mo, Diana! Kailangang turuan ng leksyon ang isang kagaya mo," bulong sa isip ni Rochelle.

Hinigpitan niya ang hawak na sticks. Naglakad siya sa kinaroonan ng babae. Tinapik niya ang balikat nito at akmang lilingon na sana ito ngunit inuhan na itong tinusok ang mata. Ibinaon ng mariin ni Rochelle ang sticks at sinubukan pa niyang ikutin ito. Lumabas doon ang dugo at nang sinubukang sumigaw si Diana ay pinasukan niya ng sticks ang lalamunan nito. Tumunog pa ito nang gawin ni Rochelle.

Matapos makita ni Rochelle na hindi na humihinga si Diana, nagpasiya siyang pumunta sa comfort room para maghugas ng kamay. Hinugasan niya ang kamay na may bahid ng dugo.

Matapos ay naghilamos siya at ipinahid niya ang panyo sa kanyang mukha. Alam niyang siya ang pagbibintangan kay Diana kaya nag-iwan siya doon ng isang sulat. Isinulat niya roon na si Vangelyn ang pumatay.

Natapos na ang kanilang oras na ibinigay kaya iniligpit na nila ang mga gagamitin bukas at itinapon nila ang ilang kalat. Unang lumabas si Vangelyn sa gymnasium. Nagkatinginan sina Zethro at James at tumango bilang hudyat sa kanilang susunod na gagawin. Sinundan nila ang kaklase pabalik sa room.

Mahina silang naglakad upang hindi makagawa ng ingay. Yumuko pa sila sa bawat lakad nila. Nanlaki ang kanilang mata nang marinig nilang sumigaw si Vangelyn.

Kaagad silang tumakbo sa kinaroroonan ni Vangelyn. Napatakip silang tatlo ng bibig nang makitang wala ng mata ang kaklase nilang si Diana. Kapwa nasa sahig na ito. Nagulat si Vangelyn nang mabasa niya sa papel na siya ang pumatay.

"No way! Hindi ako mamamatay-tao!" Pinunit niya ang papel at agad na ikinuyom iyon.

"Nakita ka namin at nasisigurado naming hindi nga ikaw ang may gawa," sagot ni Zethro.

Nagsidatingan ang lahat ng mga kaklase nila at ganoon din ang naging reaksyon matapos makita ang itsura ni Diana. Ang iba ay hindi nakayanan ang nakita kaya tumakbo papunta sa room nila.

"Sino ba kasi ang may gawa sa atin nito? Akala ko ba okay na tayong lahat? May lihim pa bang nagagalit dito? Sumagot kayo dahil hindi na ito nakakatuwa. Kung may galit kayo sa isa sa atin, magsabi naman kayo at hindi sa ganitong paraan. Please lang!" Peter break the silence. Sinubukan niyang paaminin ang lahat ngunit walang umamin. Kinuha niya ang kanyang cellphone sa bulsa at tinawagan ang pulis.

"I think si Vangelyn ang may gawa nito sa mga kaklase natin. Siya lang naman kasi ang may malalim na dahilan na gumanti," wika ni Rochelle sabay tingin ng nakakamatay kay Vangelyn.

"You're right! Ako nga ang may malalim na rason na gumanti ngunit hindi ako ganoong klase ng tao. Pumatay bilang ganti? Hell no?" sinubukang labanan ni Vangelyn ang tingin ni Rochelle.

"Well, totoong hindi si Vangelyn ang may gawa kay Diana. Nakasunod kami sa kanya pabalik sa room," eksenang saad ni James.

"At paano mo naman nasisiguro? Kilala ka pa namang manloloko?" Rochelle said with bitterness to her ex-boyfriend.

"Bitter ka pa rin ba sa nangyari? Oh! Come on! Hindi ka pa rin makapagmove-on sa pang-iiwan ni James sa'yo?" pang-aasar ni Maybelle kay Rochelle na nagpapainit ng ulo niya.

"Bitter? Me? Hell no! Sayong sayo na 'yan si James. Kung gusto mo isaksak mo pa 'yan sa baga mo!" Tumawa ng bahagya si Rochelle matapos makitang nainis si Maybelle sa sinabi niya.

"I have Melecio now! Ang lalaking akin lang kahit inahas pa ng iba diyan!" pagpaparinig niya kay Vangelyn upang mainis ito. "Hindi na ako magtataka kung ako na ang isusunod ni Vangelyn dahil nagkabalikan kami ni Melecio. If I die tomorrow, I'm sure maniniwala na kayo sa'kin na siya ang mamamatay-tao sa room natin," dagdag niya sabay ngisi at agad na inilingkis ang kamay niya sa bisig ni Melecio.

Nilampasan nina Rochelle at Melecio ang mga kaklase. Nagpunta ang dalawa sa room nila upang kunin ang kanilang bag at nang makauwi na. Naiwan namang nainis sina Maybelle at Vangelyn. Sumunod naman sila sa dalawa patungo sa room.

NAKANGITI habang nakaupo si Lucho sa isang malaking upuan.

"Malapit na akong maging tao. Kaunting buhay na lang, malaya na akong makakagawa sa kahit anong gusto ko," saad nito at tumayo nang marinig ang busina ng sasakyan.

Natanaw niya ang pagbaba ni Vangelyn. Ang babaeng magsasakatuparan ng mga pangarap niya. Nagtataka man sa kanya kung bakit may koneksyon sila. Ang mahalaga ay makuha nilang dalawa ang gusto nila. Ang maghiganti kay Vangelyn at ang sa kanya naman ay maisakatuparan ang kahilingan niyang maging tao para sa isang misyon.