Chereads / Bloody Class (Completed) / Chapter 14 - Chapter Thirteen

Chapter 14 - Chapter Thirteen

Warning: This chapter contain scenes which not suitable for young readers.

GALIT na sumalubong si Erika kay Maybelle. Kinausap niya ito sa likod ng building. Hinila niya ang buhok at sinabunutan ito. Matapos sabihin niya ang kanyang nalaman ay inilabas ni Erika ang kutsilyong kanina pa niya dala-dala na nakalagay sa kanyang bulsa.

Mabilis niyang isinaksak ito sa tiyan na bahagi ng dalaga. Napasigaw si Maybelle sa sakit. Tinakpan ni Erika ang bibig nito. Itinaas niya ang kutsilyo at ginilitan ang leeg ni Maybelle. Lumabas doon ang maraming dugo. Nakikita ni Erika ang lalamunan ni Maybelle. Nasuka siya sa ginawa.

Kinabahan si Erika sa kanyang ginawa. Nilingon niya ang paligid at nakita niyang nakatayo si Rochelle malapit sa isang puno. Nagulat ito sa nakita at nakatutok sa kanya ang tingin nito. Natauhan si Erika at mabilis na naghanap kung saan puwedeng iligpit ang patay na katawan ni Maybelle.

Nakita niya ang isang maruming sako na may katamtamang laki. Inipasok niya ang katawan ni Maybelle. Bumakas sa sako ang dugo. Luminga-linga si Erika habang nanginginig. Natataranta na siya at hindi alam kung ano ang gagawin. Nanlaki ang kanyang mata ng hawakan siya ni Rochelle.

"Please! Huwag mong sabihin ang nakita mo." Hinawakan ni Erika ang kamay ni Rochelle at nagsimulang nagsibagsakan ang luha nito.

Nagkaroon ng ilang dugo ang kamay ni Rochelle sa ginawang paghawak ni Erika. Humingi si Erika ng pabor kay Rochelle na hindi ipagkalat ang kanyang nakita. Pinakiusapan niya itong hindi magsasalita tungkol sa pagkamatay ni Maybelle. Pumayag si Rochelle na ikinatuwa ni Erika ng husto. Nawala ang kanyang takot at pangamba. Pumayag si Rochelle ngunit sa isang kondisyon.

"Tulungan mo akong patumbahin si Vangelyn. I will assure you na tayong dalawa ang makikinabang sa deal natin. Mapapatay ko si Vangelyn habang ikaw mananatiling lihim ang pagpatay mo kay Maybelle. Ano? Deal?" saad ni Rochelle.

Tumango si Erika bilang sagot. Tinulungan ni Rochelle si Erika na buhatin ang sakong pinaglagyan ni Maybelle at ipinasok nila ito sa isang malaking basurahan na hindi kalayuan sa kanila. Matapos itinapon ay tinambakan nila ng ilang basura upang matabunan iyon. Hindi nila ininda ang amoy ng basura doon ang inisip nila ay maitago si Maybelle.

Naghugas sila ng kamay sa isang faucet. Pinaalalahan si Erika ni Rochelle tungkol sa kanilang napagkasunduan. Kahit labag sa kalooban ni Erika ay napilitan siyang tumango. Wala siyang magagawa dahil may kasalanan din siyang ginawa.

IPINAGPATULOY ni Melecio ang kanyang misyon na paibigin si Vangelyn. Itinodo na niya ang pang-aakit sa dalaga. Nilalaro niya ito para hindi makapag-aral sa final exam nila bukas. Nagtungo sila sa isang mamahaling restaurant para i-treat si Vangelyn. Siyempre, si Rochelle ang gumastos sa date nila. Handang maglabas ng ilang salapi si Rochelle basta lang maging matagumpay si Melecio sa misyon nito.

Nakaramdam ng pagkahiya si Vangelyn sa ginawa ni Melecio. Masyadong mahal ang restaurant na pinuntahan nila. Kahit galing siya sa pamilyang mayaman ay may pakialam naman siya sa lalaki. Hindi gaanong mayaman si Melecio kaya alam niyang ipon niya ang ginastos dito. Sinubukan niyang hindi tanggapin ang alok ng lalaki pero hindi niya natiis ang pamimilit nito. Lalo na nang marinig niya ang sinabi nito.

"Aanhin ko ang pera kung hindi ko naman mapapasaya ang taong mahal ko."

Kinilig nang husto si Vangelyn sa sinabi ng lalaki. Wala siyang nagawa kundi enjoy-in na lamang ang gabing iyon. Akala ni Vangelyn na tapos na ang pa-surpresa ni Melecio sa kanya. Pagkatapos nilang kumain ay sumakay sila ng kotse papunta sa isang lugar na inihanda ni Melecio para sa kanyang surpresa.

Nanlaki ang mata ni Vangelyn nang makita sa labas ng taxi ang magarang hotel.

"Anong ginagawa natin dito?" Hinarap niya ang lalaki na kunot ang noo.

"I have something surprise for you. I'm sure na itong gabi ang hinding-hindi mo makakalimutan sa buong buhay mo," saad ni Melecio sabay ngisi na tila may masamang binabalak.

Pagkababa nila ay tumambad sa kanila ang malaking pangalan ng hotel. Alam ni Vangelyn na mahal ang hotel na ito. Minsan na siyang nakapag-check-in dito nang minsan nagkaroon ng party ang kaibigan ng ama niya.

Pumasok sila at kaagad nag-check-in sa isang magarang room. Namomoblema na si Vangelyn sa ginastos ng lalaki. Pagkapasok nila ay tumambad sa kanila ang madilim na kuwarto. Nang buhayin ni Melecio ang ilaw ay nagulat si Vangelyn sa kanyang nakita.

"Will you be my girlfriend again?"

Napatakip si Vangelyn sa kanyang bibig. Naluha siya sa ginawa ng lalake. Nag-effort talaga itong bihaging muli ang puso niya. Nilingon niya ang lalake at nakitang nakaluhod ito at may hawak na singsing.

"Ang effort, a. Makakatanggi pa ba ako? Yes!" Mangiyak-ngiyak na sabi ni Vangelyn at tumayo si Melecio. Isinuot nito ang singsing sa daliri niya. Tiningnan ni Vangelyn ang singsing at masasabi niyang mahal ito.

Niyakap niya ang lalake nang sobrang higpit. Tumugon naman si Melecio sa yakap ni Vangelyn habang nakangisi. Masayang-masaya ito dahil napasagot niya ang babae simbolo ng pagtitiwala nito sa kanya. Napangisi siya dahil naging matagumpay ang misyon niya.

Habang nagyayakapan silang dalawa ay nakita ni Vangelyn si Lucho na nakalutang malapit sa bintana ng room nila. Ang mukha nito ay may ipinapahiwatig. Nais alamin ni Vangelyn kung bakit ganoon ang reaksyon ng demonyo ngunit ayaw niya sirain ang kaligayahang natatamasa niya sa lalaking matagal na niyang pinapangarap.

Pagkatapos ng mahigpit nilang yakapan ay mabilis na hinalikan ni Melecio ang labi ni Vangelyn. Napapikit si Vangelyn sa halik na ibinigay ng binata. Pumikit din si Melecio at iniisip na si Rochelle ang kahalikan. Napag-usapan na nila ang bagay na ito at pumayag naman si Rochelle na may mangyari kina Melecio at Vangelyn. Kahit sa loob nito ay tutol, pumayag si Rochelle upang mapaniwalang totoo ang ginagawa ni Melecio kay Vangelyn.

Naging mapusok ang kanilang halikan at napunta sila sa malambot na kama. Naputol ang kanilang halikan nang makitang bukas ang pinto.

"Melecio, isara muna natin ang pinto. Nakakahiya baka may makakita sa ginagawa natin," sabi ni Vangelyn.

Isanara ni Melecio ang pinto at ipinagpatuloy niya ang halik sa babae. Nakaramdam na siya ng init sa katawan kaya sinimulan niyang tanggalin ang butones sa suot na blouse ng dalaga. Tumambad sa kanya ang malaking hinaharap nito at mabilis niyang hinimas iyon. Hinalikan niya na nagpa-ungol ng husto sa dalaga. Malakas ang ungol nito na nagpataas sa init ng katawan niya.

Naging malikot ang kamay niya at naabot nito ang pagkababae ni Vangelyn na mamasa-masa na. Ipinasok niya ang dalawang kamay sa kaselanan nito. Napapikit ang dalaga sa sensasyong dulot na ginawa ni Melecio.

Binilisan ni Melecio ang paglalabas -masok ng daliri habang si Vangelyn ay nagpasigaw sa sarap. Hinugot ni Melecio ang kanyang daliri matapos kabigin siya ng halik ni Vangelyn. Pumuwesto ang babae sa ibabaw niya. Hinalikan siya nito ng mapusok. Nanlakbay ang kamay nito mula sa dibdib patungo sa abs niya.

Napaungol si Melecio nang biglang ipinasok ni Vangelyn ang kamay sa brief niya at nilamas ang kanyang alaga. Nasarapan siya sa ginawa ng babae. Hinawakan nito ng mahigpit ang kargada niya at itinaas-baba ang kamay. Nanlaban siya at pumaibabaw sa babae. Ipinasok niya ang naghuhumindik na kargada. Napasigaw si Vangelyn sa ginawa.

"Sorry! I'll be gentle," saad ng lalaki sa mapang-akit nitong boses.

Dinahan-dahan ni Melecio ang pagpasok. Napaimpit sa sigaw si Vangelyn nang ibinaon ni Melecio ang kanyang kargada. Binagalan ni Melecio ang pag-ulos. Ginabayan niya ang babae at pagkalipas ng ilang minuto ay hindi nakaramdam ng sakit si Vangelyn. Ang sakit ay napalitan ng sarap.

Ang bagal ay napalitan ng bilis. Binilisan ni Melecio ang pagbayo sa dalaga. Napuno ang kuwarto ng malalakas na ungol. Kapwa ninlulukob ang dalawa sa makamundong pagnanasa. Pinagsaluhan nila ang bawat sensayong nararamdaman at sabay pinakawalan ang init ng katawan nang maabot ang rurok ng langit.