Chereads / Bloody Class (Completed) / Chapter 15 - Chapter Fourteen

Chapter 15 - Chapter Fourteen

PUSPUSAN ang pag-aaral ng lahat. Si Miss Ana ang unang magpapasulit sa seksyon Sampaguita. Kaunti na lang ang natitira sa nasasakupan niya. Nakita niyang wala pa si Maybelle sa upuan nito. Hinintay niya ito ng labin-limang minuto pero hindi ito dumating. Nakaramdam siya ng kaba dahil malaki ang epekto ng huling pasulit. Alam niyang competitive si Maybelle kaya pinagbutihan nito ang pag-aaral. Nagtaka siya kung bakit wala ito. Kinabahan siya dahil baka may masamang nangyari sa estudyante.

Nagsimula na siya sa kanyang pasulit. Mauubos ang oras niya kapag hindi pa siya magsimula kaya ibinigay na niya ang mga test papers. Matapos ang isang oras ng pagsasagot ay ipinasa na ng lahat ang kanilang papel. Binalik nila ang test papers sa kanilang guro.

Sumunod na pasulit nila ay ang asignaturang Science ni Miss Romelyn. Nahirapan sila ng husto lalo na sa DNA na pasulit nito. Limampung minuto nila itong sinagutan at nagwasto sila pagkatapos.

Kinabahan si Vangelyn sa kalalabasan ng kanilang exam. Hindi siya nakapag-aral ng maayos dahil sa date nila ni Melecio. Napagod din siya kagabi dahil sa nangyari sa pagitan nilang dalawa kaya nawala sa kanya ang pag-aaral.

Matapos ang sampung minutong break ay pumasok na sa room nila si Mr. Glenn, ang kanilang Mathematics teacher. Istrikto ang guro sa pasulit ngunit mabait ito kapag nasa regular class.

Nakaramdam ng kaba si Vangelyn matapos matanggap ang test paper. Dumoble ang kaba niya nang makitang puro solving problems ang test paper. Iilan lang ang natatandaan niya sa discussion kaya nasisiguro niyang mababang score ang makukuha niya sa asignaturang ito.

Mahigit isang oras at tatlumpong minuto ang ibinigay ng guro nila sa pasulit. Mahirap kasi ito at talaga nangangailangan ng mahabang oras. Kinakailangan din sa pasulit ng Mathematics ang solutions. Tahimik ang buong klase.

Sinubukang lumingon si Vangelyn sa nobyong si Melecio. Magaling kasi ito sa solving pero bigo siya nang makitang abala ito sa pagsasagot. Nakabantay rin si Mr. Glenn kaya wala siyang kawala na makakopya.

"Ito na siguro ang katapusan ng pag-abot ko sa top one? Lumandi ka pa, Vangelyn!" paninisi sa isip ni Vangelyn.

"Finished or unfinish, pass your papers!" Tumayo si Mr. Glenn para kunin ang ipinasang mga papel. Inihiwalay niya ang test paper at mga papel na sagot ng mga estudyante. Nagdasal sila at nagpaalam na ang kanilang guro.

Hindi pa natatapos ang exam nila. Mayroon pang isa na natitira sa umaga at iyon ang Araling Panlipunan ni Miss Aileen. Sa hapon ay may dalawa pa, asignaturang Character Education o Values ni Mr. Antonio at Entrepreneurship ni Miss Rina.

Nag-ayos ang lahat ng dumating na si Miss Aileen. Nagdasal ang lahat na sana ay makapasa sa exam. Umupo sila matapos ang pagdadasal at hinintay ang test paper.

Sobrang saya si Erika dahil lahat ng pinag-aralan niya sa Araling Panlipunan ay lumabas. Confident siyang perfect ang makukuha niya. Madali lang siyang natapos dahil simpleng multiple choice at identification lang ang type ng test. Una siyang nagpasa na ikinagulat ng lahat.

Matalim na tiningnan siya ng mga kaklase. Alam ni Erika ang iniisip ng mga ito.

"Pasikat na naman si Erika."

"As usual, pabida na naman!"

"Attention seeker!"

Kilala niya ang mga ito. Wala na siyang dapat pagkatiwalaan sa mga kaklase niya maliban nalang sa nobyo niyang si Zethro. She already knew deep inside ang mga ugali ng kaklase niya.  Nagbago na ang lahat at aminado siyang pati siya ay nagbago.

Lahat naman yata ng tao nagbabago. Kahit anong pilit mong hindi magbago, babaguhin ka pa rin ng panahon at pagkakataon. Babaguhin ka ng mga pangyayari na nararanasan mo at mararanasan mo pa sa darating na araw.

Pagkapasa niya sa test paper sa guro nilang si Miss Aileen, bumalik siya sa upuan upang kunin ang bag at unang lumabas sa room. Hinintay niya si Zethro sa labas para sabay na silang kumain ng tanghalian sa canteen. Ilang minuto siyang naghintay at nakita niyang lumabas na ito.

Kapwa satisfied sila sa mga sagot nila dahil sabay silang nag-review sa lahat ng natapos na subjects na nasagutan nila. Nag-apir silang dalawa matapos mapagtagumpayan ang ilang exam.

Nag-order na sila at umupo sa isang bakanteng mesa. Kumain sila ng mabilis para mag-review ng ilang minuto para sa susunod na exams.

Pagtunog ng buzzer sa quadrangle ay nagsibalikan ang lahat sa classroom para ipagpatuloy ang exam.

At exactly one ay nandoon na si Mr. Antonio para sa kanyang pasulit sa Character Education. Naghintay siya ng ilang minuto dahil kaunti pa lang ang naroon. Limang minuto ang ibinigay niya. Pumasok man ang mga estudyante o hindi magsisimula siya kapag lumagpas sa oras na palugit niya.

Nagpasalamat naman si Mr. Antonio dahil present ang karamihan maliban na lang sa mga namatay sa seksyon Sampaguita. Nagtaka rin siya dahil wala si Maybelle na pumapangalawa sa klase. Hindi niya pinansin ang bagay na iyon at itinuon na lamang ang pagbibigay ng test papers. Alam niyang may makaka-perfect sa exam niya dahil madali lang ito. Kapag nag-aral ay talagang makakasagot sa mga katanungang hinanda niya.

Thirty minutes ang ibinigay na oras niya sa exam. Sixty items lang ang pasulit niya at multiple choices ito. Sinimplehan niya ang exam dahil nag-excel ang lahat sa ginawa nilang symposium noong third quarter.

Mabilis na natapos ang mga estudyante. Unang nagpasa ng papel si Chenerose. Alam ni Chenerose ang bawat sagot sa exam. The test focus mainly on your self. Madali niya itong nasagutan dahil naging totoo siya. If you know yourself better than the others, walang dapat iisipin. Hindi muna kailangang mag-isip dahil alam mo sa sarili kung sino at ano ka. Just be yourself. Be truth to yourself.

Last subject left. Isang asignatura na lang para matapos na ang exam nila at makapagpahinga na sila. Huling asignatura pero mahirap lalo na sa mga walang interes pagdating sa pagnenegosyo. Mahirap talagang alamin o gawin ang isang bagay kapag hindi ka interesado dito. Mahirap pero wala silang magagawa dahil kailangan talaga itong pag-aralan.

Kung si Mr. Antonio ay maagang pumasok ay kabaliktaran naman nito si Miss Rina. Fifteen minutes itong late. Akala nila na sa susunod na session na ito magpapa-exam. Nagligpit na sila pero dumating pala ito kaya nakaramdam sila ng pagkainis sa ginawa ng guro.

Humingi ng despensa ang guro sa pagkahuli. Nagkaroon kasi ng meeting ang canteen at isa sa mga officials si Miss Ana doon kaya siya nahuli. May kahirapan ang exam niya ngunit makakaya naman itong sagutan kapag alam ang mga lessons na ibinigay niya.

Naunang natapos si Rochelle sa pagsagot sa exam. Lumaki siya sa mundo ng negosyo. Minsan na rin nakadalo sa business meeting ng kanyang magulang kaya hindi naging mahirap sa kanya ang lessons ni Miss Rina. Kung tutuusin sisiw lang ito para sa kanya. Basics palang ito sa nalalaman niya.

Lumabas siya sa room at itinext niya si Melecio na magkita sila. Na-miss niya ang nobyo dahil busy ito sa misyon nitong bihagin muli ang puso ni Vangelyn. Kakamustahin niya ang lalake kung ano na ang status ng operation nito.

Nagkita sila sa mini-park ng school. Walang masyadong estudyante ang gumagala kasi kasagsagan pa ng exam. Naunang natapos ang section Sampaguita dahil maraming exemption sila dahil sa pag-stand-out sa bawat activities na ibinibigay. Kahit nalagasan ng mga kaklase ay nagkakaisa pa rin pagdating sa pag-aaral at proyekto.

Masaya si Rochelle sa natanggap na balita galing kay Melecio. Naging matagumpay ang plano nito kaya napag-isipan nilang mag-celebrate. Nabahala naman si Melecio sa gusto ni Rochelle dahil baka mahalata ito kaagad. Plano ni Melecio na sasabihin ang totoo pagkatapos ng announcement sa final standing. Doon nito ibubunyag ang lahat upang maguho ang mundo ni Vangelyn. Doble ang sakit ang mararamdaman nito kapag nagkataon. Sa pagkabagsak sa standing at pag-aakalang minahal siya ni Melecio pero hindi ang totoo ay niloloko lang siya.