Chereads / Bloody Class (Completed) / Chapter 21 - Chapter Twenty

Chapter 21 - Chapter Twenty

MATAPOS ang graduation nila ay kaagad na hinanap ni Rochelle at Erika si Vangelyn. Nakita nila ito at sinundan kung saan ito patungo. Sinundan nila ang babae at dinala sila ito sa rooftop ng school. Ipinasunod ni Lucho si Vangelyn sa rooftop upang mapasunod din sina Erika at Rochelle para sa plano nila.

Hindi nga nagkamali si Lucho dahil nakasunod sa kay Vangelyn sina Erika at Rochelle.

"Dahil nandirito naman tayong tatlo, may surpresa akong inihanda." Kinuha ni Rochelle ang baril mula sa dibdib nito. Nilagay niya ang baril sa loob ng bra.

Napaatras si Erika nang itutok ang baril nito sa kanya.

"Ang akala ko ba si Vangelyn ang papatayin natin. Bakit ako ang tinutukan mo?" Napalunok si Erika nang matamaang mahigpit ang pagkahawak ni Rochelle sa baril.

"Hindi naman ako tanga. Do you think I will not kill you? I thought you're the smartest, nagkamali pala sila ng napili. And since narito naman kayong dalawa, hindi naman ako maramot. Hindi ko ipagkakait sa inyo ang katotohanan," saad ni Rochelle at ngumiti ito.

Kapwa nagtataka sina Erika at Vangelyn sa sinabi ng kaklase. Walang sila kaide-ideya sa pinagsasabi nito. Anga akala nila ay nasisiraan na ito ng ulo.

"Shall we start? Nagsimula lang naman ang lahat sa sunog. Do you remember both?" Nilipat-lipat ni Rochelle ang pagkatutok ng baril sa dalawa.

Tumango si Vangelyn sa sinabi nito. Si Erika ay walang alam kung ano ang likod sa sinasabi nitong sunog.

"Sa isang sunog, nakaligtas ang isang babaeng nangngangalang Rebecca." Nagsimulang kabahan si Vangelyn nang marinig ang sinabi ni Rochelle.

Nagulat si Erika sa sinabi ni Rochelle. Pangalan ng ina ang sinambit nito pero hindi siya pamilyar sa sunog. Inakala niyang ibang Rebecca ang tinutukoy nito.

"The woman who survived with the help of my father. Ang babaeng inakala kung mabait pero ito pala ang sisira sa pamilya namin," patuloy na saad ni Rochelle.

"May asawa si Rebecca at kasama niya ito sa sunog na nangyari, iyon nga lang, hindi ito nakaligtas. Nabuhay si Rebecca at nakitira sa bahay namin dahil buntis pala ito. Nang manganak ito ay umalis na ito sa bahay namin. Ang buong akala namin ni Mommy ay lumayo na ito pero nagkakamali kami. Kaya nga siguro, palaging late umuuwi si Daddy kapag gabi ay dahil pumupunta ito sa bahay na binayaran niya para sa babaeng 'yon. Naging kabit ni Daddy si Rebecca. Ang masaya naming pamilya ay sinira ng babaeng 'yon," mangiyak-ngiyak na sabi ni Rochelle. Pinahid naman niya ang luha.

Nagkaroon na ng ideya si Vangelyn sa mga sinasabi ni Rochelle maging si Erika rin.

"Buhay ang nanay ko? Ang akala ko ay namatay at naging abo siya 'yon ang sinabi ng mga taong kumupkop sa 'kin," saad ni Vangelyn.

"Rebecca ang pangalan ng nanay ko pero hindi siya isang kabit," sumingit si Erika sa usapan.

"Iyon ang akala ninyong dalawa. It seems you got my words. Buhay si Rebecca at iyon ang ina mo Erika hindi ba? At alam kong siya rin ang nanay mo Vangelyn dahil sinadya ni Daddy na sina Mr. Jose and Mrs. Regina Macabenta ang kumupkop sa'yo dahil magkaibigan sila.  So, it's clear na magkapatid kayo. Kung bakit alam ko ay wala na kayong pakialam doon?"

Mabilis na binunot ni Rochelle ang baril at pinaputukan si Vangelyn. Natamaan ito sa dibdib. Napangisi si Rochelle nang makitang nakalupasay na sa sahig ang babae habang hawak ang dibdib nito. Lumapit si Erika kay Vangelyn at sinubukang tulungan ang kapatid. Napaiyak siya sa sandaling kapatid niya si Vangelyn. Hindi niya ito inakala.

"Gumising ka, Ate!" Hinawakan ni Erika ang mukha ni Vangelyn. Sinubukan niyang yugyugin pero hindi na ito gumagalaw.

"It's time to end another life." Itinaas muli ni Rochelle ang baril at tinutukan nito si Erika. Nanlaki ang mata ni Erika nang makitang paglingon niya ay nakatutok na sa kanya ang baril.

Bago pa man magawa 'yun ni Rochelle ay tumakbo ng mabilis si Erika upang pigilan ito. Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ni Rochelle. Nag-agawan sila sa baril.

"Hindi mo ako kaya, Erika!" saad ni Rochelle na may malalim na boses.

Tuluyan ng nakontrol ni Lucho ang katawan ni Rochelle. Siya na ang may hawak at nagdidikta kung ano ang gagawin. Itinulak niya ng malakas si Erika at napasadsad ito sa sahig.

"Mamatay ka na!" sigaw ni Lucho na nasa katawan ni Rochelle.

Pinakawalan niya ang bala ngunit nakailag si Erika. Naging agresibo si Erika sa bawat galaw niya.

"Hindi ako papayag na sa isang katulad mo ang papatay sa'kin," sagot ni Erika.

"Sa ayaw at gusto mo, magpapaalam ka na sa mundong ito!"

Pinaputok ni Rochelle ang baril ngunit wala ng bala'ng lumalabas. Naubusan na ito. Itinapon niya ang baril at inilabas niya sa bulsa ang dala-dalang kutsilyo.

Tumakbo siya sa patungo sa kinatatayuan ni Erika. Nakipaglaro si Erika kay Rochelle. Nakipaghabulan siya hangga't kaya niya.

"Tumakbo ka hanggang kaya mo! Sisiguraduhin kong hindi ka na sisikatin ng araw!" gigil na turan ni Rochelle.

"Kung may hindi sisikatan man ng araw, ikaw 'yun at hindi ako!" ani Erika.

Hinihingal si Erika at napatukod sa tuhod . Napalingon siya paligid at napagtantong wala siyang nakikitang anong bakas kay Rochelle. Kinabahan siya nang mapagtantong nawaglit ang tingin niya sa babae.

Nilukob na ng takot ang puso niya. Nagsimula siyang maging alerto. Akmang lilingon na sana siya nang mabilis na naiturok ni Rochelle ang kutsilyo sa balikat. Napasigaw siya sa sobrang sakit. Bumaon ito at narinig pa niya ang pagtunog niyon. Malalim ang pagbaon ng kutsilyo. Impit siya napasigaw ng malakas ng hugutin ito ni Rochelle. Bumulwak doon ang maraming dugo.

Nakita niyang itinaas ni Rochelle ang hawak nitong kutsilyo. "Mamatay ka na!" sigaw nito at akmang isaksak na ito sa kanya. Mabilis  siyang nakailag. Hinawakan niya ang sugat at sinubukang takpan upang matigil saglit ang pag-agos ng dugo. Nakaramdam si Erika ng panghihina ngunit nilaban niya iyon upang hindi magtagumpay si Rochelle.

Muling sumugod si Rochelle ngunit sa pagkakataong ito ay nahawakan niya ang kamay ni Rochelle. Mahigpit niya iyong hinawakan at inikot. Tumilapon ang kutsilyo. Tiningnan siya nang mariin ni Rochelle at ngumiti ito ng pagkalawak.

"Mas malakas pa rin ako sa'yo." Mabilis na hinawakan ni Rochelle ang sugat ni Erika at pinisil niya iyon ng malakas. Napasigaw si Erika at masayang-masaya siya sa nakikita niya. Masaya siyang nakikitang nahihirapan ang dating kaibigan. Itinulak niya ito at napasubsob ang babae sa sahig.

Nanlalabo ang paningin ni Erika habang napasubsob siya sa sahig. Masakit ang katawan niya sa nangyari. Maraming dugo na ang nawala sa kanya. Masakit man ay pinilit siyang bumangon pero napasigaw siya nang tadyakan ang likod niya. Napaubo siya.

Nakikita niya ang paa ni Rochelle. Hinawakan nito ang mukha niya at pinilit na iharap sa mukha niya. Kitang-kita niya ang saya sa mga mata nito sa ginagawa niya. Inilabas nito ang kutsilyo at unti-unting sinugatan ang pisngi niya. Sinugutan ito sa hugis na krus.

"Kung hindi ka sana naging hadlang ay hindi mo ito mararanasan." Binitawan nito ang mukha ni Erika. Tumayo ito. Nakaramdam ng kaunting pag-asa si Erika nang maaninag na wala na sa paningin niya si Rochelle. Gumapang siya at akmang tatayo.

Nanlaki ang mata niya at napanganga siya matapos saksakin siya sa likod nito. Napaubo siya. Bumagsak ang katawan niya. Tuluyang nanlabo ang paningin niya. May narinig siyang iyak bago siya nilamon na siya ng kadiliman.

Napaiyak si Rochelle matapos makita siya ng kanyang mga magulang.

"Mom, hindi ko sinasadya. Patawarin ninyo ako! Aksidente lang ang lahat! P-please!" Lumuhod siya sa harapan ng mga magulang. Alam niyang malaking disappointment ang ginawa niya. Niyakap siya ng mga magulang habang umiiyak.

"Patawarin mo kami sa pagkukulang namin. Sorry for being imperfect parents." Napahagulgol ang ina ni Rochelle at niyakap ang anak.

Nagpapasalamat si Rochelle sa mga magulang niya ngunit nanlaki ang mata niya nang habang yakap-yakap ay nakita niya ang mga pulis na lumabas sa may entrance ng rooftop.

"No! Hindi ito pwede. Hindi pwedeng makulong ako." Agad siyang kumalas sa pagkakayakap at tumakbo sa may isang sulok.

"Sumuko ka na Miss Rochelle Monterde. Wala ka ng kawala!" Itinapat ng isang pulis ang baril nito. Nilingon ni Rochelle ang mga ito. Marami na ring tao sa lugar na iyon. Kitang-kita niya ang kanyang mommy na kayakap ang daddy habang umiiyak at para siyang sinaksak ng paulit-ulit sa nakita.

Mas masakit pa pala ang makitang umiiyak ang mga mahal sa buhay. Mas doble ang sakit at hinding-hindi mo mapapatawad ang sarili mo dahil sa iyong ginawa.

"Anak, sumuko ka na!" pagsusumamo ng mommy niya.

Sorry mommy pero wala na akong mukhang maihaharap. Masyadong malaki na ang pinsalang ginawa ko sa mga taong nasa paligid ko.

Itinaas niya ang kanyang paa at tumuntong siya sa railings. Tinanaw niya ang paaralang naghatid sa kanya ng galit at poot. Sa pag-agos ng luha niya ay kasabay rin ang pagtalon niya sa kaitaasan ng paaralan. Pumikit siya at inihanda ang sarili sa kamatayan.

Wasak at nagkalasog-lasog ang katawan ni Rochelle. Nagkaroon ng malaking hiwa ang ulo niya dahil ito ang unang tumama sa matigas na semento. Naliligo ito sa sariling dugo at ang suot na maputing toga ay naging kulay pula. Dilat ang mga mata nito habang nakahandusay.