Chereads / Bloody Class (Completed) / Chapter 18 - Chapter Seventeen

Chapter 18 - Chapter Seventeen

TATLONG araw bago ang kanilang graduation ay puspusan na ang pag-eensayo nila. Ramdam na ng karamihan ang excitement at saya. Sa kabila ng nangyari naroon pa rin ang lungkot dahil kaunti na lang sila. Nalagas ang klase nila habang ang lima ay nanatiling nagpapagaling pa rin matapos malason.

Nakaligtas si James sa panlalason na iyon. Kaunti lang ang nainum niya kaya hindi siya gaanong naapektuhan. Nakapasok na rin siya dahil ayos na ang kalagayan niya.

May ilang vitamins na ibinigay ang doktor para bumalik ang sigla niya.

Pagkatapos ng ensayo ay nagtungo si James sa comfort room. Ihing-ihi na siya sa dami ng tubig na nainom. Ayon kasi sa doktor, kailangan eight to ten glasses of water ang dapat inumin para maibalik sa normal ang lagay niya. 

Hindi nito alam na nakasunod si Erika sa kanya. Binilisan ni Erika ang paglalakad para maabutan si James. Papasok na ang lalaki sa comfort room kaya inihanda na ni Erika ang sarili. Isinuot niya ang sumbrero at mask upang walang makakilala sa kanya. Nang nasa likuran na siya ni James ay kaagad niyang tinakpan ang bibig ng lalaki. Gamit ang isang panyo na may inilagay na mabahong amoy ay napangiwi ang lalaki at nahilo.

Kahit mabigat ay inilalayan ni Erika ang lalaki papunta sa comfort room. Pinihit niya ang door knob at sumalubong sa kanila ang kadiliman. Nakaramdam ng kaba si Erika sa oras na iyon. Nagtaka siya kung bakit nakapatay ang ilaw sa loob. Rinig na rinig niya ang kantang Señorita na ipinapatugtog sa gymnasium.

Manaka-naka siyang naglakad dahil may kabigatan si James. Binitawan niya ito at bumagsak sa sahig. Tanging ang liwanag mula sa labas ng pinto ang nagbibigay ilaw sa loob. Akmang isasara na sana niya iyon upang walang makakita nang biglang malakas itong isinara ng isang tao. Lalong lumakas ang kaba ni Erika dahil sa pangyayari iyon. May tao sa loob at alam nito ang ginawa niya.

"Sino ka? Ano ang kailangan mo sa'kin?" Buong lakas na sigaw ni Erika na umaalingawngaw sa silid. Wala siyang natanggap na sagot. Tanging yabag ng mga paa lang ang naririnig niya.

Umaatras si Erika at naghanap ng anumang bagay na magagamit upang idepensa sa sarili. Nagpatuloy siya sa pag-atras at may kung anong bagay siyang natapakan. Nasisiguro niyang si James iyon pero ang ipinagtataka niya ay bakit mamasa-masa ang sahig. Alam niyang hindi tubig iyon dahil malapot ang natatapakan niya.

Lumuhod siya at kinapa ang natapakan. Masangsang ang amoy. Dugo. Hindi siya pwedeng magkamali. Dugo ang natapakan niya.

"J-james!" Rumihestro sa utak niya na posibleng galing ito kay James. Pinatay si James ng taong narito sa loob at pinaglalaruan siya. Niyugyog niya ang katawan nito at doon niya nahawakan ang isang matulis na bagay. Kutsilyo. Iyon ang nahihinuha niya.

Dahil sa ingay na nilikha niya ay nagtungo ang tao sa kinalalagyan niya. Malakas at mabilis ang mga yabag ng paa nito. Bawat hakbang ay tila katapusan na ng buhay ni Erika.

Tumayo si Erika at tumakbo ng mabilis. Rinig niya ang yabag at nagkasunod ito sa kanya. Nagtago siya sa ilalim ng lababo. Kahit may kaunting mabahong amoy ay tiniis niya para lang makaligtas. Pigil hininga siya nagtago roon at sinubukang hindi mag-ingay. Bawat papalapit na lakad patungo sa kinaroroonan niya ay napapaiyak si Erika. Tinakpan niya ang bibig. Nang marinig na wala na ang yabag ay nagpasya siyang umalis sa kinalalagyan. Kinapa niya ang bawat dingding at nagbabakasakaling may switch ng ilaw. May nahawakan siya. Kamay. Isang malambot na kamay at mabilis na hinawakan ng mahigpit ang kamay niya.

"Please! Maawa ka! Huwag mo akong patayin!" Napahagulgol si Erika habang nagmamakaawa. Alam niyang wala siyang karapatang magmakaawa dahil isa rin siyang mamamatay-tao. Winakasan na sana niya ngayon si James kung hindi lang nakigulo ang taong hawak-hawak ang kamay niya.

Napaatras sa gulat si Erika nang magkaroon ng ilaw sa loob ng comfort room. Binuhay ito ng taong kaharap niya na may suot na puting maskara. Maskarang kagaya sa multong nasa pelikulang 'It'. Tinitigan niya ang kabuuang mukha nang nakasuot. Nilalaban niya ang matatapang na tingin nito. Kilala niya kung sino ang nasa likod ng maskarang iyon. Hindi siya pwedeng magkamali.

Nakuha ang atensyon niya sa kutsilyong hawak nito. May bahid iyon ng dugo. Binitawan ang kamay niya na ipinagtaka niya nang husto.

Tumalikod siya at doon nakita ang yapak na may dugong marka. Sinundan niya ang iyon at hinatid siya sa patay na katawan ni James. May malaking hiwa ang dibdib nito. Nilingon niya ang taong may gawa niyon.

"Zeth?" Buong pagtatakang tanong ni Erika na ngayon ay kaharap ang nobyo habang hawak-hawak ang kutsilyong ginamit sa paghiwa sa dibdib ni James.

"I-ikaw ang m-may g-gawa nito?" Naitakip ang mga kamay ni Erika sa kanyang bibig. Hindi siya makapaniwalang ito ang may gawa. Kaibigan ni Zethro si James kaya imposibleng magagawa niya ito.

"Hindi? Niloloko mo lang ako. Kaibigan mo siya 'di ba?" saad niya sa lalake.

"Oo kaibigan ko siya pero mahal kita. Kung hindi ko papatayin si James ay ikaw ang papatayin ni Rochelle," ani Zethro. Nakayuko ito at tila naiiyak.

"Well, gusto ko lang muna kitang i-congratulate dahil sa good job na ginawa mo. At especially, to my dearest ex-best friend for being the valedictorian this year. Masaya ako sa inyong dalawa," turan ni Rochelle na may kasamang palakpak.

Akala mo ay kasali sa isang beauty  pageant kung maglakad patungo sa harap ni Erika. Napaatras si Erika nang makita ang hawak ng babae. May hawak itong baril at natatakot siyang baka maiputok iyon.

"Afraid much? Tama si Zethro. Kung hindi niya papatayin si James ay ikaw ang papatayin ko." Itinutok ni Rochelle ang baril kay Erika matapos sabihin iyon.

"Nagawa ko na sinabi mo Rochelle! Ano pa ba ang kailangan mo? " Galit na galit na turan ni Zethro.

"Wow! Sana all may mapagmahal na boyfriend. Sinusubukan ko lang naman kung ano ang tamang puwesto kapag bumaril. You know it's my first time. Well anyway, one last thing you must do, kailangan na hindi ka magsusumbong or else...." Muli niyang tinutukan si Erika. "Ba-bye!" dagdag niya.

"Okay! Hindi ako magsusumbong kahit kanino. Just let us go!" Akmang pupuntahan na sana ni Zethro si Erika pero muling humirit si Rochelle.

"But first, just clean up our mess!" Naghanap ng maaring paglagyan sina Erika at Zethro sa katawan ni James habang si Rochelle ay nanonood lang sa ginagawa nila.

"Putang ina! May lakas mang-utos pero hindi marunong magligpit sa sarili niyang inutos. Bwiset!" Mahinang reklamo ni Erika habang naghahanap.

"May sinasabi?" Mataray na tanong ni Rochelle.

"Sa tingin mo meron?" Hindi na nakapagtimpi si Erika at nilabanan niya ang pagtataray ni Rochelle.

"Nanlalaban ka na ngayon, a! Tingnan natin kung hanggang saan ka dadalhin ng tapang mo." Isang makahulugang ngiti ang ipinakita ni Rochelle kay Erika.

"May nakita na ako." Napalingon silang dalawa nang marinig si Zethro. May dala na itong malaking lalagyanan ng tubig. Ipinagkasya nila doon si James ng pilit.

Si Erika na rin ang naglinis sa dugong kumalat sa sahig. Nilagay na lang nila sa kilirang bahagi ng comfort room ang water drum. Tinakpan nila iyon ng maayos. Babalikan na lang nila iyon kapag nagkaroon ng tiyempo.

Nag-ayos na silang lahat. May ilang damit silang dala kaya agad silang nagbihis. Alam nilang matatapunan ng dugo ang suot nila sa ginawang pagpatay kaya nagdala sila. Pinaaalahan ni Rochelle ang dalawa sa plano niya na parehong hindi ni Erika at Zethro ang kahahantungan ng lahat.

Inipit nito si Zethro na patayin ang lalaki dahil sa pananakot niya. At si Erika na naging sunod-sunuran ni Rochelle. Walang kaalam-alam ang dalawa sa plano niya. Naging matagumpay iyon pero hindi siya nakakampante kay Zethro. Kailangan niya pa ring mag-ingat dito.

Nangako si Zethro sa sarili na ipaghihiganti niya ang kaibigang si James. Alam niyang naging mahina siya kaya niya nagawa iyon sa kaibigan. Mahal na mahal niya si Erika kaya kaya niyang gawin lahat hindi lang ito mapahamak. Naging mahina siya at hindi lumaban kaya sa oras na ito ay kikilos na siya upang wala ng buhay ang mawawala at matigil na rin ang kabaliwan ni Rochelle. Gusto niyang pagbayaran ni Rochelle ang lahat. Igaganti niya ang mga kaklaseng pinatay nito.