MAHIRAP magkunwari sa harap ng taong mahal mo, lalong- lalo na kapag palagi mo siyang nakikita at nakakasama. Zethro try to hide his feelings towards Erika. Imbes na magtago ay parang hinihila siya na magtapat sa babae. At ito nga siya ngayon nakaabang sa gate at hinihintay ang pagpasok ni Erika sa paaralan.
Mahigit sampung minuto siyang naghintay sa dalaga. Luminga-linga siya at nang mataamaang papasok na sa gate ang babae ay inamoy niya ang hininga. Naglagay na rin siya pabango at inayos ang uniporme. Gusto niyang maging presentable sa paningin ng dalaga.
"Good morning!" Inilahad niya ang kamay upang kunin ang dala nitong libro at notebooks.
"Good morning din sa'yo, Zeth!" tugon ni Erika sa lalake.
"Can I talk you for a while? May ilang minuto pa rin naman tayo bago ang performance," saad ni Zethro sabay kamot sa ulo nito. Ito na naman siya, kinakabahan at pinagpapawisan.
"Are you okay?" Hinawakan ni Erika ang noo ng lalake.
Mas tumindi ang kaba ni Zethro nang tumama ang kamay nito sa kanyang noo. Mas dumoble ang pawis na namumuo sa kanyang katawan. He can't help to feel awkwardness.
"Wala ka namang lagnat. Tungkol sa'n ba 'yan? Mukhang importante ang sasabihin mo, kaya sige!" Erika walk along the gateway. May iilang estudyante na rin kasing pumapasok.
Napatulala si Zethro sa sinabi ni Erika. Napaisip siya na wala ng atrasan ito. Lalaban niya ang kabang nararamdaman. What ever may happen, tatanggpin niya kahit masaktan pa siya. This is the last chance para maisabi niyang mahal niya si Erika.
Naunang maglakad sa garden. It is the place na lagi nilang pinupuntahan way back to her friends. Minsan na rin niyang dinala si Zethro dito at naging 'study place' nila ang lugar.
"Oh! Ano na? Ano ang pag-uusapan natin?" Nilingon niya ang lalake na kanina pa niya nakikitang wala sa sarili at kinakabahan.
"Wait lang!" Natatarantang tumalikod si Zethro at palihim na nagdadasal habang nakapikit.
"God, please guide me along this confession. Please give me determination to deliver it clearly. Sana maging successful ito. I love you, Lord!" Nag-sign of the cross siya at tumihaya sa langit. Kumuha siya ng lakas ng loob doon.
" This is it! Wala ng atrasan ito anumang mangyari," bumuntong-hininga siya at hinarap ang dalaga na kanina pa naghihintay sa sasabihin niya.
Mukhang naiinip na ito base sa ekspresyon ng kanyang mukha.
"Spill it!" Erika smirk.
"I'll kept this secret a long time ago. Since we've been classmates for almost four years. Since from the start, pinagilan ko ang sarili na hindi lalapit sa'yo. Trust me, ginawa ko talaga pero hindi ko napanindigan," dire-diretso sabi ni Zethro habang nanginginig ang kalamnan ng kanyang tuhod.
"Don't tell me, ikaw 'yung killer? Ako na ba isusunod mo, Zeth?" gulat na tanong ni Erika.
"No, I am not a killer! Please, just listen to me." Lumapit siya sa babae na nagulat sa kanyang sinabi. Hinawakan niya ang kamay nito at bahagyang pinisil iyon.
"Nais ko lang malaman mo na matagal na kitang minamahal. You never felt that because I'm trying to hide this feelings. Sinubukan kong pigilan at itago pero bawat ilag ko sa'yo ay mas lalo akong natutuksong lapitan ka. Dahil sa pangungulit ko sa'yo ay mas lalong nahuhulog din ang loob ko. I love you at handa akong protektahan ka. Lalo na't nasa gitna tayo ng pangamba. Sisiguraduhin kong ligtas ka kapag kapiling mo ako? Can you give me a chance to fulfill that promise?" Lumuhod si Zethro sa harapan ng dalaga at hinintay ang sagot nito.
Nanatiling nakatitig si Erika sa lalake. Tiningnan niya ang mga mata nito upang siguraduhing totoo ang pinagsasabi nito. Hindi niya maiwasang makaramdam ng kilig lalo na sa pangako nito.
"Ano ba? Tumayo ka nga diyan. Baka may makakita pa sa'tin dito!" Inangat ni Erika ang kamay ng lalake pero nagmamatigas ito.
"Hindi ako tatayo hangga't hindi ko maririnig ang sagot mo," nakayukong sabi ni Zethro.
"I am not forcing you. I just want to know for that long answer I've been waiting for," dagdag nito.
"Thanks for the love. Hindi ko naman inaasahang may magmamahal sa'kin katulad ng pagmamahal mo. Hindi ko lang maisip na magkakagusto ka sa'kin. Alam mo naman siguro ang priorities ko sa buhay," wika ni Erika na nagpakaba lalo sa lalake.
"Hindi naman ako maramot pagdating sa mga taong mahal ko. Ang gusto ko lang ay maintindihan nila ang kalagayan ko. And with the case of you Zeth, being close to you almost everyday is quite diffucult to me. Nahihirapan akong mag-isip kong ano ang dapat kong gawin." Erika try to figure out her answer. Pinag-isipan niya ng mabuti ang sasabihin at baka sa huli ay pagsisisihan niya.
"You taught me a lot. You taught me how to be smart in choosing things in life. And choosing you is the smartest thing you taught me."
Yumuko si Erika upang tingnan ang mukha ni Zethro. Napaiyak ang lalake sa sinabi nito. Mabilis na tumayo si Zethro at niyakap ng mahigpit ang dalaga. Niyakap niya ito ng sobrang higpit upang iparamdam na ligtas ang babae kapag kasama siya. Ipinaramdam niya kung gaano niya kamahal si Erika at kung gaano ka secure sa pamamagitan ng bisig niya.
"Pinapangako kong hindi mo pagsisisihan ang pagpili mo sa'kin. " Hinawakan ni Zethro ang mukha ng dalaga. Tiningan niya ito at pinahiran ang ilang luhang pumatak.
"Choosing me is like choosing the best for you," dagdag ni Zethro at hinalikan ang noo ng dalaga. Niyakap niya ulit si Erika at napasigaw siya sa sayang nararamdaman.
Naglakad silang dalawa na kapwa may ngiti sa kanilang mga labi. Binilisan nila dahil maghahanda na sila para sa kanilang cheer dance performance. Pagpasok nila ng room ay abala na ang lahat sa pag-aayos ng mga props at costumes. May ilan din na nagsimula ng mag-make-up.
Magulo ang loob ng kanilang silid. Ang tanging iniisip lang nila ay kinakailangang mapabilib nila ang guro na si Mr. Jay Nepumuceno at ang mga inimbita nitong mga hurado.
Ang dalawang grupo ay nag-usap na dapat walang kompetensyang magaganap. Hangarin nila na parehong grupo ang aangat.
Paglabas nila sa room ay pinagtitinginan silang lahat. Mula sa kanilang props na makukulay at costumes na magaganda, sinugurado nilang mapapanganga ang sinumang tumingin dito.
Unang nagtanghal ang grupo ni Vangelyn. Kinabahan ang ilang miyembro pero iniisip nitong para sa marka nila ang gagawing sayaw. Hindi lang ito basta sayaw kundi nakasalalay rin ang kanilang makukuhang marka na may malaking epekto sa final grade nila.
In five minutes, natapos nila ang sayaw. Walang nahulog sa flying at wala ring bumagsak sa tumblings. May ilang nagkamali ng steps pero hindi nahalata ng mga hurado.
Sumunod na nagpresenta ang grupo ni Erika. Nagdasal sila saglit bago pumunta sa gitna ng gymnasium. Pagtugtog ng music ay sumabay sila doon. Napaindak ang ilang hurado dahil sa ganda ng musikang kanilang pinili. Mga dance hits kasi noon ang pinili nila.
Bawat isa ay sumasayaw ng nakangiti. Sa paghagis at pag-tumbling ay sumakto sa timing ng kanta. Mas sumaya pa si Erika at umindak na parang wala ng bukas sa pakiramdam niyang kay saya-saya. Ganito pala talaga kapag umiibig, inspired ito sa lahat ng gagawin at tanging sa minamahal inialay ito.
Matapos ang kanilang performance na cheer dance, napabilib nila ang kanilang guro na si Mr. Jay Nepumuceno. Ang dalawang grupo ay parehong nakatanggap ng papuri at parehong iskor. Bawat grupo ay nakatanggap ng 99 na iskor.
Napatalon sa tuwa at saya ang mga estudyante. Worth it ang kanilang pag-eensayo ng masinsinan. Sa kabila ng nagyari sa kanila ay nakuha pa rin nilang pagbutihan ang mga performances.
Pagkalabas ng gymnasium ay nagkasabay sina Zethro, Erika, Maybelle at James. Nagkatanguan ang dalawang lalake at napagpasiyahang dalhin nila ang dalawang babae.
Nagtungo silang apat sa rooftop. Unang dumating doon sina James at Maybelle. Napasunod naman agad si Maybelle sa lalake dahil paborito niyang lugar ang pupuntahan. Akala niya ay may surprise na naghihitay sa kanya roon pero laking dismaya niya nang makitang wala naman pala.
Napaka-cross arm siya at tinalikuran si James. Napatingin sa kabuuan ng school na nagpapagaan sa kanyang loob. Mahangin pa ang lugar dahil hindi pa masyadong tirik ang araw. Makulimlim ang langit kaya siguro ganoon ang panahon. Nililipad ang kanyang buhok sa hangin na lalong nagparamdam sa kanya ng kaginhawaan.
Napaigtad siya nang itama sa bahaging puwitan niya ang ari ng lalake. Nambubuwisit na naman ito sa kanya at naghahanap ng lambing.
"Ang bastos mo talaga! Isa pa at makakatikim ka talaga sa'kin," gigil na turan nito sa lalake.
"Oh! Mukhang gusto ko ngang ipatikim mo sa'kin 'yan," pang-aasar ni James na lalong nagpainit ng ulo sa babae.
"Napaka-pervert mo talaga! Ewan ko ba kung bakit nagkagusto ako sa'yo," saad ni Maybelle sabay irap ng mata nito.
Nakaramdam ng kilig si Erika habang nakatingin sa dalawang magkasintahan. Napagsabihan na siya ni Zethro papunta sa rooftop na nais nila ni James na magkabati na sila ni Maybelle.
Matagal na rin ang panahon na wala na silang komunikasyon ng dating kaibigan. Wala na silang pansinan at naging normal na lang ang lahat para sa kanilang dalawa.
"Maaari bang maka-disturbo sa lambingan ninyong dalawa?"
Si Erika na ang unang nagsalita. Hindi sila napansin ng magkasintahan dahil naging abala ito sa usapan nila.
"At sino ka naman para isturbuhin kami? Pati ba naman kasiyahan ko, sisirain mo?" Lumapit si Maybelle kay Erika at tinapunan ito ng matalas na tingin.
"Nagpunta ako rito para makipagbati at hindi makipag-away. Gusto ko lang ayusin ang problemang namamagitan sa'tin noon. At ito rin ang gusto nina James at Zethro para maging masaya naman tayong lahat. Ayaw mo ba n'on?" Hinawakan ni Erika ang kamay ni Maybelle. Nakaramdam ng kaunting saya si Maybelle sa ginawa ng babae.
Tumingin si Maybelle kay James. Nakita naman niya ang matamis nitong ngiti at kitang-kita sa mata nito na sang-ayon sa sinabi ni Erika.
"Hindi nawala ang pagmamahal ko sa inyo. Siguro, oras na rin para magkaayos tayo at sana sa kanila rin. Hindi man agad maibabalik sa dati, uunti-untiin nating gagawin ito. " Niyakap ni Maybelle si Erika. Nagkaiyakan sila habang ang dalawang lalake naman ay panay ang tawa. Nakaramdam din sila ng saya dahil sa wakas ay tagumpay ang plano nilang pagbatiin ang mga kani-kanilang nobya.
Mula sa entrada ng rooftop, nakatingin doon ang isang babae. Naniningkit ang mata at naiinis sa pangyayaring nakita.
Nakaramdam ng inis si Rochelle sa dalawang babaeng nagyayakapan. Nagkabati na pala ang dalawang nag-aagawan sa unang puwesto. Ang mga dati niyang kaibigan na minsan ng sumira sa buhay niya ay nagkakaayos na ngayon.
Mas lalong umigting ang galit niya nang makita ang pagmumukha ni James. Ang lalaking inakala niyang totoong pagmamahal ang ipinaramdam sa kanya. Ang lalaking pinaglaruan ang kanyang damdamin.
Hindi siya makakapayag na siya lang ang magdusa. Hindi siya makakapayag na hindi makaganti sa mga taong dahilan ng pagkawasak niya. Sisiguraduhin niyang ang pagmamahal na natatamasa nila ang maghahatid sa kanilang kamatayan.
"Too much love will kill you in the end..." bulong ni Rochelle sa sarili at iniwan ang lugar na 'yun.