NAKARAMDAN ng inggit at selos si Chenerose matapos makitang sabay naglalakad papuntang canteen ang dati niyang kaibigan. Erika and Maybelle are now in good terms. Hindi niya maiwasang maalala ang mga panahong silang lima ang magkasamang pumupunta sa canteen at imbes na kumain doon ay nagchi-chikahan lang.
Nakaramdam siya ng inggit pero sa kabila nito ay alam niyang may nagbabalat-kayo sa dalawa. May ahas na nagtatago sa kaloob-looban. Alam niyang isa sa mga ito ay nagpapanggap lang. And she was surely na si Maybelle ito. Her ex-bestfriend which is very wise in everything. Magaling itong manloko at maglaro.
She pity for Erika. Nagmumukha itong tanga. Masama ang ugali niya pero mayroon pa rin itong kabutihan. Kabutihan na deserve mabigyan ang taong nangangailangan nito.
Nag-abang siya sa isang room na malapit sa canteen. Binantayan niya ang paglabas ni Erika. Kung magkasama pa rin ang dalawa ay kakapalan na lang niya ang mukha na hiramin muna saglit si Erika. Kung mag-isa lang ay suwerte siya kapag nagkataon.
Masuwerte nga si Chenerose dahil matapos ang ilang minuto ay mag-isang lumabas si Erika. Sinundan niya ito at napag-alaman niyang paakyat ito sa room nila. Binilisan niya ang paglalakad at sinubukan niyang lagpasan ito upang harangin ang daanan.
Hinarang niya ang dalawang kamay. Nagtaka si Erika sa ginawa ni Chenerose. Ngumiti ito at ginulo ang buhok niya.
"Na-miss kita! Na-miss ko ang kaibigang laging nang-aaway," turan ni Erika at ginulo muli ang buhok ni Chenerose. Bagay na nagpapainis sa dalaga.
Ang paggulo ng buhok ni Chenerose ang tanging kinaiinisan. Ito ang tampulan na gawin ni Erika sa kanya noon na nagpapainis sa kanya. Na-miss niya rin ang kaibigan hindi lang sa pang-iinis nito sa buhok niya kundi pati na rin ang presesnsya nito na nagpapagaan ng loob niya.
"I missed you too, Erika!" Hindi niya mapigilan na yakaping muli ang kaibigan. Na-miss niya rin ang yakap nito.
"P'wede mo ba akong samahan? Doon lang sa library," turo ni Chenerose sa library sa hindi kalayuan na naroon sila. "May sasabihin lang ako sa'yong importante," dagdag nito.
Dinala niya si Erika sa isang lugar na pamilyar sa kanila. Ang library ng school na tambayan nila noon. Ang buong akala ng mga kaklase nila na aapaw na ang talino sa kanila ay nagkakamali ito. Ang silid-aklatan na lugar kung saan dito nag-aaral ay ginawa nilang silid- tulugan.
Minsan na silang nakita ng librarian na natutulog doon kaya napaalis sila nang wala sa oras. Sobra ang kahihiyan na naramdaman nila noon dahil maraming mag-aaral ang nakakita sa ginawa ng librarian. Iyon ang isa sa mga karanasang hindi nila makakalimutan.
Pagpasok nila roon ay bumungad sa kanila ang galit na mukha ng librarian. Ganito palagi ang ekspresyon ng mukha kaya nasanay na sila rito. Isa rin ito sa dahilan kung bakit kaunti lang ang nais pumasok sa nasabing library ay dahil pagiging mainitin nito ng ulo.
Naghanap muna sila ng aklat na kunwaring babasahin. Hinablot lang ni Chenerose ang dalawang encyclopedia. Nagtungo sila sa pinakasulok na bahagi para hindi makita ng librarian ang gagawing pag-uusap nila.
"Ano ba kasi ang importanteng sasabihin mo at bakit dito pa? Alam mo namang mainit ang ulo ng librarian sa atin," saad ni Erika matapos mahawakan ang aklat. Umupo na rin ito sa harap ni Chenerose.
"Okay na pala kayo ni Maybelle. I have this feeling kasi na may hindi magandang gagawin ang babae 'yun sa'yo," mahinang sabi ni Chenerose.
"Alam mo feeling mo lang 'yan! Kitang-kita ko ang sincerity niya kahapon na bukal sa kalooban niyang magkabati ulit kami," masayang saad ni Erika habang ngumingiti.
"Basta alam kong may hindi magandang binabalak si Maybelle. Alam mo naman 'di ba? Wise 'yun kapag mag-isip? Hindi ka na natuto," Pinanlakihan niya ng mata si Maybelle. Concern lang siya rito dahil pakiramdam niya na may binabalak si Maybelle dito.
"Pinapunta mo lang ba ako rito para sirain na naman ang nabuo naming pagkakaibigan? Ganyan ka na ba talaga kasama, Chenerose? Hindi pa rin pala talaga nagbago ang ugali mo." Malakas na binagsak ni Erika ang hawak na encyclopedia at iniwan doon si Chenerose sa library.
Napahilamos si Chenerose sa ginawa niya. Ito na naman ang nagmukhang masama. Ang gusto lang naman niya ay pagsabihan ang kaibigan pero siya pa itong napagsabihan. Nag-alala lang siya sa anumang gawin ni Maybelle.
Napaisip si Chenerose kung hindi man nakinig si Erika sa sinabi niya ay wala na siyang magagawa. Nagawa na niyang pagsabihan ang kaibigan at 'yun ang bagay na maitutulong niya. Nasa kanya na ito kung paniniwalaan ang sinabi niya.
SA ISANG BANDA, nagbalik alaala si Vangelyn sa karanasan niya sa pagpasok sa Pilar High School. Nakaupo siya sa room at naghihintay sa susunod na klase habang inaalala ang pambu-bully ng mga klase noon. Binu-bully siya ng ilang mga kaklase dahil sa pagiging bully niya noong elementarya. Kumbaga, gumanti lang ang mga ito sa kanyang ginawa.Ang pagiging bully rin noon sa mga kakklase.
Naramdaman niya ang bawat masasakit na salita na binabato sa kanya. Ang mga pananakit ng pisikal na tinitiis niya lang. Nalaman niya ganoon pala ang pakiramdam sa mga taong sinasaktan niya noon. Na-realized niya ang mga masasakit na ginawa nang siya na mismo ang makaranas nito.
She wants to fight back. Gusto niyang sugurin ang nanakit sa kanya pero nakapag-promised na siya sa mga magulang. Nag-promised na siyang magbabago at hindi na mananakit. Tiniis niya ang mga araw na paulit-ulit na ginawa ng mga estudyanteng na-bully niya noon. Sina Jomar, Diana, Peter, Jielvi at Jane.
She had also a planned kaya she remain nice. Nagtiis siya at nanatiling tahimik hanggang napagod na rin ang kanyang mga kaklase. Nag-sorry rin ang mga ito nang ma-realized ang kanilang ginawa. Tinanggap niya ang paghingi ng tawad ng mga kaklase. Tinanggap ngunit sa kaibuturan ng isip at puso niya ay kinasusuklaman niya ang mga ito.
Nakapaghiganti na rin naman siya sa mga iilang kaklase na may utang sa kanya. And that's a fulfillment to her.
With the case of her ex-bestfriends, plano niya na lumapit kina Chenerose, Maybelle, Erika at Rochelle. Sila rin ang nag-offer sa kanya na maging parte ng grupo nila, kaya sumama siya. Plano niya mapalapit ang damdamin nila sa kanya ngunit hindi niya sukat akalain na mapamahal siya sa mga kaibigan. Wala sa plano niya ang mapamahal sa mga ito.
Naguguluhan si Vangelyn. Napahilod siya sa kanyang noo nang wala sa oras. Gusto niyang patawarin ang mga kaibigan. She can't take it na ipapahamak niya ang mga ito matapos matutunan niya itong mahalin.
One thing push her to continue what she promised. Nagbalik ang alaalang nagdulot ng sakit sa puso niya. Nang malaman niya ang mga balak nito. Si Erika na naging makasarili upang maabot ang gusto nito. Iniwan sila at ibinagsak na parang hindi kaibigan.
Si Maybelle na ginamit sila para manguna sa klase. Gahaman na katulad ni Erika. Si Chenerose na naging mapanakit na in terms of verbal at physical na matagal na niyang tinitiis at si Rochelle nang-iinis sa kanya. Ang babaeng nasampal niya noong nakasunod ito sa kanya. Hinawakan kasi nito ang balikat niya habang galing siya sa away nila ni Melecio. Ito ang napagbuntungan niya ng galit.
Ang babaeng nagpagalit sa kanya ng husto dahil sa pang-iinis nito sa kanya. Ang babaeng unang minahal ni Melecio. Mas lumaki ang galit niya nang maalala ang naging halikan nina Melecio at Rochelle sa hallway noon. Halikan na nagdulot ng pagsasabunutan nila.
Mahal niya si Melecio at gagawin niya ang lahat huwag lang itong makabalik sa piling ni Rochelle. Minsan na niya itong itinapon
na parang basura, hinding-hindi siya papayag na bawiin ang lalake sa kanya.
Sa sobrang galit at pangigigil niya ay naitapon niya ang notebook na nakalagay sa desk niya.
"I-I'm so-sorry! I did'nt mean it," natatarantang saad niya sa mga kaklase na nakatingin sa kanya at mabilis siyang lumabas sa room nila.
Gusto niyang kumalma ngunit sa bawat estudyanteng nakakasalubong niya ay mukha ni Rochelle ang nakikita niya. Mukha ni Rochelle na nang-aasar sa kanya.
Halo-halo na ang nasa isip niya. Sumasakit ang ulo niya sa kakaisip ng mga masasakit na alaala. Kumukurap-kurap siya at sinubukang tingnan nang maayos ang daan. Nanlalabo ang paningin niya at umiikot ang mga taong kanyang nakikita.
Sa patuloy na paglalakad ni Vangelyn ay nanghihina siya at natumba. Huli niyang naaninag ang pigura ng isang lalaki bago siya lamunin ng dilim.