Mabilis na kumalat ang balitang patay na si Alsidro. Ayon sa statement na ibinigay ng ospital, may nagtangkang pumasok sa kuwarto ni Alsidro at doon ito pinatay. Lihim na napangiti si Vangelyn nang marinig ang balitang iyon. She praised herself of what she did.
Napakatahimik ang klase nila. Marami ang nalungkot sa pagkamatay ni Alsidro pero si Vangelyn masayang-masaya at nagdidiwang ang kanyang puso. Natanaw rin niya ang demonyong si Lucho sa labas na nakatingin sa kanya at tuwang-tuwa sa kanyang ginawa.
Nagkaroon ng isang maikling pag-uusap ang mga estudyante ng Sampaguita. Sa pangunguna ni Peter, napagdesisyunan nila na bumisita sa burol ng kaklase. Gusto nilang makiramay. They agreed na magkikita-kita na lang sila mamayang ala-sais sa labas ng paaralan para sabay na silang pumunta. Malapit-lapit lang naman ang bahay ni Alsidro mula sa paaralan.
Bumuhay ang isang ideya sa isip ni Vangelyn. Umayon talaga sa kanya ang tadhana at tila binibigyan siya ng pagkakataon na gumawa na naman ng isang bagay. Ang kumitil na naman ng isang buhay.
Magkakaroon ng isang activity sa school nila mamayang hapon. Idadaos muli ang taunang beauty pageant ng kanilang paaralan bilang selebrasyon ng kagandahan ng mga kababaihan. This pageant is yearly happened to show that their school is not only gifted by knowledge but also in good personality.
Sa pamumuno ni Jomar na kaklase nila bilang presidente ng student council, alam nilang magiging masaya at memorable na naman ito. Alam na ng mga mag-aaral ng Sampaguita na sila na naman ang mananalo through their representative Johncel.
Johncel confidently volunteer to represent their class in the said pageant. She is popular not only inside the school but in the whole place in their hometown. Not just because of her luxurious life but because of her natural beauty. Masasabi ng karamihan na perpekto na ito. Mabait, matalino, maganda at natural lang ang babae.
In every pageant, Sampaguita always win not because of Jomar, the student council president came from their class but because every representative they bring always show confident that made impressed to the judges.
Due Jomar's order that whole day will be no class, they prepare banners. Abala ang lahat sa paggawa ng iba't ibang pakulo para lang ipakita ang suporta sa kaklase nilang si Johncel. Kinalimutan nila saglit ang lungkot kay Alsidro at itinuon ang atensyon para sa pageant na gaganapin mamaya.
Handang-handa na ang lahat. Matapos ang puspusan nilang pag-aayos ay kumain sila sa canteen. Nang matamaan nila ang mga mukha ng mga kandidata sa isang tarpaulin, nangingibaw talaga ang ganda ni Johncel sa lahat. Simple lang ang ngiti pero nang-aakit.
Dali-dali silang pumasok sa canteen. Pagkapasok nila ay pinagtitinginan sila. As always naman kaya hindi na sila nabigla. Lahat sila sabay maliban na lang sa mga kaklase nilang bahagi ng student council dahil abala ito sa gaganaping programa.
Pumunta sila sa order lane pero may ilang estudyante na hindi binigyan sila ng daan. Halos lahat ng estudyante ay takot sa kanila pero may mangilan-ngilan pala talaga na hindi kaya nagsalita si Bea.
"Mago-order kami kaya bigyan niyo kami ng daan!" Hinawi ni Bea ang tuwid niyang buhok at tiningnan ng masama ang mga babaeng nakapila sa unahan nila ngunit siya nilingon.
"Excuse me! Mga bingi ba kayo? O sadyang nagbibingihan. Gusto niyo 'ata na mapatalsik sa school na 'to, " Itinulak ni Jielvi ang isang babae. Nagtaas siya ng kilay nang makitang iniirapan siya ng babae.
"You are nothing but a low class, girl! Huwag mong hintayin na pati ulo ko mag-init sa'yo!" Sumali na sa usapan ang lider nilang si Jane.
Kinatatakutan ang tatlo babae sa school. Bukod sa pagiging masama ng ugali ay dahil na rin na ang pamilya nila ang may hawak ng paaralan. Kaya ganoon sila umasta sa mga kapwa nila estudyante. Sinubukang awatin ni Maybelle ang mga kaibigan at nakinig naman ito. Humingi ng pasensya si Maybelle sa babae sa ginawa ng tatlong kaibigan. Umalis naman ang babae sa harap nila at mabilis na lumabas sa canteen.
Kumain na sila sa isang mahabang mesa. Espesyal lamang sa kanilang mga espesyal na tao. Nagka-ingayan sila habang kumakain. Binilisan nila ang pagkain dahil malapit nang magsimula ang pageant.
Pagpatak ng ala-una, kaagad na sinimulan ang programa. Opening production palang ay pasabog na. Isinunod ang casual wear at long gown. Pinili ng mga judges ang limang kandidata na maglalaban para sa question and answer portion. Dumagundong ang kanilang sigawan ng unang inanunsyo ng host ang pangalan ni Johncel. Naghiyawan sila bilang pagpapakita ng suporta sa kaklase.
Madaling natapos ang pagpapalitan ng sagot at tanong mga kandidata at ng mga hurado. Bawat isa sa kanila ay kinabahan ng makitang hawak na ng host ang isang puting envelope na naglalaman ng resulta. Alam nilang si Johncel ang mananalo. Siya lang at wala ng iba pa.
"And our Miss Teen Personality for this year is . . . ," malakas at pambibitin na anunsyo ng host.
"Miss Janna Patricia Santiago from section Rose, " pagtatapos ng host.
Tigalgal at hindi makapaniwala sila sa resulta. Hindi nila inakalang matatalo si Johncel.
"No, hindi ito p'wedeng mangyari! Johncel's answer is better from that trying-hard woman! " Nagpapadyak na reklamo ni Bea sa mga kaklase. Malakas ito kaya nakarinig ang mga estudyanteng mula sa seksyon Rose. Binigyan si Bea nang mapang-asar na ngiti ng mga iyon at kaagad na nagsigawan para iparamdam na natalo sila.
Bumalik sa room na dismaya ang kanilang mga mukha. Lahat sila hindi matanggap ang resulta.
"It's okay, guys! We know Johncel did her best and that's enough, " binigyan ng pilit na ngiti ni Peter ang mga kaklase nang makapasok na sila sa loob ng silid.
"No, her performance is not enough! Malaking kahihiyan na natalo tayo. Unang beses itong nangyari sa'tin na natalo. Sana ako na lang ang sumali, I'm pretty sure that I will make eveyone's proud," irap nito at inayos ang kanyang upo.
"Your right girl! Sana nagdiwang na tayo ngayon," dagdag ni Jielvi.
"It's done! Wala na tayong ikahaharap sa lahat. Baka nga paglabas natin pagtatawanan na tayo," ani Jane.
Vangelyn sees the three bitches getting to her nerves. Kanina pa ito nagbibigay ng init ng ulo sa kanya. Wala na nga itong naiambag, nagrereklamo pa.
Mabilis na lumipas ang oras at uwian na. Hindi na nila hinintay si Johncel dahil umuwi na ito dahil nahihiya sa pagkatalo. Pinaalala rin ni Peter ang pagpunta nila sa burol kaya nagsiuwian na ang mga kaklase niya.
Pagdaan ni Vangelyn sa hallway ay madilim na ito. Naaalala niya ang nangyari kina Melecio at Rochelle na naghahalikan. Nagulat siya nang makitang may naglalakad. Biglang nakarinig siya ng bulong at nasisiguro niyang si Lucho ito.
"Pumatay ka na!"
Tiningnan nang maigi ang nakatalikod na babae. Si Maybelle ang unang pumasok sa isip niya. Magkatulad na magkatulad ang tindig nito. Binilisan niya ang kanyang paglalakad at nang nasa likuran na siya ay kinuha niya ang kutsilyong nakalagay sa shoulder bag niya.
Mabilis na tinakpan ni Vangelyn ang bibig ng babae at ibinaon niya ang matulis na kutsilyo sa kilirang bahagi ng babae. Bumagsak ang babae na akala niyang si Maybelle sa sahig. Kinapa niya ang kanyang bulsa at kinuha ang cellphone. Binuhay niya ang flashlight at itinutok ang liwanag sa babae. Nagulat siya nang malamang hindi si Maybelle ito. Nakahandusay at naligo sa sariling ang walang buhay na si Jielvi matapos niyang saksakin ito.
Kumaripas siya ng takbo sa hallway at mabilis siyang nakalabas sa hallway. Pawis na pawis siya at habol ang kanyang hininga. Kalat na ang dilim ng paglabas niya sa gusali. Nilibot niya ang paningin at wala ng mga estudyanteng nakakalat. Naglakad siya ngunit ang inalala niya ay ang kaklaseng pinatay.
Nagdesisyon siyang balikan ang kaklase ngunit pagbalik niya ay mas nagulat siya nang makitang hindi lang si Jielvi ang nakahandusay sa sahig. May katabi na ito na katulad niyang sinaksak. Nagtaka si Vangelyn dahil si Jielvi lang ang pinatay niya ngunit bakit kasamang nakahandusay sa sahig sina Bea at Jane. Kapwa itong naliligo sa sariling nitong dugo. Luminga-linga si Vangelyn sa paligid at nakita niyang may tumakbong isang tao patungo sa itaas ng gusali.
Tumakbo si Vangelyn dahil baka may makakita sa kanya. Dali-dali siyang tumakbo sa labas ng paaralan. Hindi na siya umuwi at naghintay na lang siya ng ilang minuto sa mga kaklase. Itinext na rin niya ang mga magulang na pupunta siya kasama ang kanyang mga kakaklase sa burol ni Alsidro.
Habang nakaupo siya sa bench malapit sa gate. Napaisip siya kung sino ang pumatay kay Bea at Jane. Nasisiguro niyang kaklase niya lang ito. Walang siyang pagsisisi sa ginawang pagpatay kay Jielvi. Deserve nitong mamatay dahil sa masama nitong ugali pati ang mga kaibigan nitong sina Bea at Jane.
Masyadong pabida ang mga ito at mataas ang tingin sa sarili. Karma is a bitch. At ang pagkamatay nila ang karma sa mga katulad nilang bitch.