Chereads / Bloody Class (Completed) / Chapter 6 - Chapter Five

Chapter 6 - Chapter Five

Buong buhay ni Vangelyn ay takot siya sa sasabihin ng iba. Lumaki siyang takot mahusgahan. Upang matakpan ang totoong pag-uugali ay nagpapanggap siya. Alam niyang masama ang magpanggap ngunit wala siyang pagpipilian. Gusto niyang punan ang pagkukulang sa puso niya ngunit sino namang nilalang ang magkakagusto sa mala-demonyo niyang ugali.

Kilala siya bilang mabait at hindi makabasag-pinggan sa loob at labas ng silid nila. She is known for her soft and sweet actions. Modernong 'dalagang pilipina' nga sabi ng guro nila na si Miss Ana. Kung tutuusin 'yun naman talaga siya kapag umaarte pero kapag hindi, nanaisin na lang na hindi ito mabangga.

Alam ni Vangelyn sa sarili ang panget at nakakasuka nitong ugali. She knows herself better at all since she's young.  Kaya maingat siya sa bawat ikinikilos dahil takot siyang malaman at mahusgahan. All people are judgemental. Kahit anong maling galaw o kilos ay huhusgahan ka nila agad without knowing kung ano ang totoong dahilan. Kung si Chenerose ay nagpapakatotoo, kabaliktaran naman siya nito.

Alam niyang mahirap ang magpanggap. Dapat malinis at maingat ang bawat kilos dahil baka mabuko ng wala sa oras. Lumaki siya sa pamilyang hindi niya kadugo. Isang pamilyang napaka-perpekto sa paningin ng ibang tao. Iginagalang dahil sa matataas nitong posisyon na pinanghahawakan. Respetado dahil sa ugaling mala-anghel.

Apat na taong gulang si Vangelyn nang mamatay ang mga magulang nito. Parehong namatay ito sa pabrikang nasunog na pinagtatrabahuan. Napunta siya sa isang orphanage at makalipas ang isang taon ay may  kumupkop sa kanyang mag-asawa. 

And that's  Governor Jose and  Mayor Regina Macabenta. A married couple that is very influential. Mayaman at makapangyarihan. Bawat galaw ay disiplinado at kontrolado.

Noong una, akala niya ay ganoon ang inaasta ng mga mayayaman ngunit lumipas ang ilang taon nakaramdam na siya ng pagkahigpit. Nasasakal na siya sa mga ipinapagawa nito kahit labag sa kanyang kalooban.

She becomes a puppet with her fake family. Alam niyang wala siyang karapatang magreklamo dahil sa utang niya sa mag-asawa ngunit hindi niya lubos akalain na ipapahamak siya ng mga ito. Gusto ng mag-asawa na siya ang magpatakbo sa isang ilegal na negosyo kapag nakatapos na siya. Gusto nila na siya ang mag-aasikaso at magma-manage sa laboratory ng negosyo nila ---- ang pagbebenta ng ilegal na droga.

It was her big problem at all. Kung paano tatakas sa pamilyang kumupkop sa kanya. She think that getting to the top is the key to solve her problem. Gagawin niya ang lahat kahit mali basta lang makuha ang puwestong iyon. Ito ang daan para makapunta siya sa Maynila dahil sa scholarship nito.

Magiging sunod-sunuran muna siya sa mga panahong ito. Magtitiis siya hanggang sa makalaya na siya sa impyernong kinalalagyan niya.

Dumagdag pa ang eksenang nairapan niya bigla ang mga lower students. She regret it. Nagbigay lang ito sa kanya ng perwisyo. She's confident that it will disappear. Kaunting estudyante lang naman ang nairapan niya kaya komportable siyang makakalimutan nila ang nangyari. At nangyari lang naman iyon dahil kay Melecio.

And speaking of Melecio, kumukulo pa rin ang dugo niya at nag-iinit ang kanyang buong katawan kahit nakabukas ang aircon sa loob ng kotse. Alam na niya sa simula na walang patutunguhan ang relasyon nilang dalawa pero hindi niya sukat akalain na mangyayari ito agad-agad.

Ang mas hindi niya inakala ay ang eksenang nakita niya. Ang paghahalikan ng dati niyang kaibigan na si Rochelle at ng nobyo niya. Nasaktan siya sa kanyang nakita. But deepest in her heart, it is the wish she longing for. Ang makagawa si Melecio ng isang bagay na magpapahiwalay sa relasyon nila.

Melecio is part of her planned. Alam nito ang totoong pag-uugali niya at tinanggap naman siya nito. Alam din ng mga dating kaibigan niya ngunit lahat sila ay nanatiling tahimik dahil sa rason niya. Hindi rin alam ni Vangelyn kung bakit iba ang ugali niya. Ang alam niya ay nagsimula ang galit niya noong mamatay ang kanyang magulang. Nabalitaan niya na sinadya ang pagkasunog ng pabrika. Puno ng poot at galit ang puso niya. Sa panahon din na iyon ay nagsimulang may bumubulong sa kanya. Bumubulong at nanghihikayat na gumawa ng masama.

Ilang katulong na rin ang hindi nakatiis sa kanyang pang-aalipusta. Binabayaran ng malaking halaga ng kanyang mga magulang na huwag magsumbong sa ginawa niya at pinalalayas ito. Sa paaralan, ilang beses ng napatawag ang magulang at ganoon din ang ginawa, babayaran upang hindi magsumbong.

Doon na nagtaka si Vangelyn kung bakit binabayaran ng malaking pera ang mga taong sangkot sa kasamaan niya. Pinanatili nito ang malinis at magandang reputasyon.

Isang pagkakataon ang sumagot sa kanyang dasal. Ang malaman kung sino ang may gawa sa likod ng nangyaring sunog. Narinig niya ang pag-uusap ng kanyang daddy at isang lalakeng puno ng tattoo sa katawan. Narinig niya ang usapan nila at ito ay tungkol sa sunog sa pabrika.

Umiyak siya ng palihim ng malamang ang amang kumupkop sa kanya ay siya rin ang may gawa kung bakit namatay ang totoong mga magulang niya. Pinangakuan niya ang mga yumaong magulang na bibigyan niya ng hustisya ang pagkamatay nito.

Palaging may bumubulong sa kanya na patayin ang mga taong pumatay sa mga magulang niya. Nang isang beses, nagtangka siyang gawin iyon ngunit palaging nauudlot. Nang tumuntong siya ng highschool, doon nagbago ang buhay ni Vangelyn.

She changed a lot. Binago niya ang pag-uugali just to impress her fake killer parents. Nagbabait-baitan siya kahit labag sa kanyang kalooban. Lahat sinunod niya para lang maging mabait ang paningin nila sa kanya. Ginawa niya ito para lang gumanti. Hindi siya makakapayag na hindi nito pagbayaran ang pagkawala ng mga mahal niya sa buhay.

Pagkababa niya sa kotse ay kaagad siyang pumasok sa mansyon nila. Mansyon na sa paningin niya ay isang impyerno. Naabutan niya ang dalawa na kapwa nanonood ng balita sa telebisyon. Lumakad siya ng simple at nakipag-beso. Bumati na rin siya at pagkatapos ay umakyat na sa kanyang silid.

Patayin muna sila! Ano pa ang hinihintay mo?

"Stop! Lubayan muna ako!" nanginginig na saad ni Vangelyn nang pagkapasok niya ng kwarto ay bumungad sa kanya ang isang nilalang na kahindik-hindik ang itsura.

May dalawang matutulis itong sungay, namumula ang mga mata at nakakatakot na ngiti. Napaatras siya nang makita ang nilalang na iyon. Agad naman itong naglaho ng magsalita siya.

Dali-dali siyang nagbihis upang maiwasang makita ang nilalang na iyon. Kung saan-saan na lang itong sumusulpot. Nagpapaalala na pumatay sa madaling panahon.

Umupo si Vangelyn sa malambot na kama at nag-isip.

"Kung gusto mong pumatay ako sa madaling panahon, alam ko na kung sino ang uunahin ko," pilyang saad ng dalaga at sumilay ang isang ngiti.

Tama nga na kailangan na siyang pumatay sa madaling panahon at uunahin muna niya ang mga taong tinik sa kanyang lalamunan. Ang mga kaklase niyang nakaharang sa kanyang daan upang maabot ang susi ng kanyang pagkawala. Ang dating mga kaibigan niyang kakompitensya sa unang puwesto.

"Sino kaya ang uunahin ko? Is it Erika na kasalukuyang nasa first place? Si Maybelle na pinakaayaw niya? Si Chenerose na ka-level ko ng ugali? O si Rochelle na nakaaway ko kanina? Hmmm. . ." Malalim at may kasamang excitement na bumuo sa kanyang isip.

Kinuha niya ang pulang kuwaderno at inilista ang mga taong babawian niya ng buhay. Napapalakpak siya nang makitang tama ang pagkakasunod-sunod nito. Inilista niya rin kung sa paanong paraan niya ito papatayin.

Ang may pinaka-maliit na kasalanan ay may mababang kaparuhasan ngunit ang may mabigat na kasalanan ay magdudusa sa nakakasukang paraan.