Chereads / Bloody Class (Completed) / Chapter 4 - Chapter Three

Chapter 4 - Chapter Three

Being on top is never been easy. You have to put all efforts para maabot iyon. Ito ang palaging itinatak sa isip ni Rochelle. Alam niyang marami siyang kaagaw paakyat sa tuktok pero alam niyang sa huli nasa kanya pa rin ang huling halakhak. She's still the number one. Siya lang at wala ng iba pa.

Rochelle is a girl who can get what she want. Ika-apat siya standing at talaga namang malaking dismaya iyon sa kanya. Well known ang pamilya nila. Business ang pinagkakaabalahan ng mga magulang niya. Siya lang ang inaasahan na magmamana niyon. Laking inis at pangamba nang malaman niya ang resulta. Tiyak na madidismaya rin ang parents nito kapag nagkataon na malaman ito.

Kung tutuusin kayang-kaya niyang ungusan ang tatlong kaklaseng nakaharang sa pwesto niya sa ibang paraan. She knew that money is powerful. Alam niyang kayang-kaya ng pera na baguhin ang lahat. Money can run everything. But, gusto niyang lumaban ng patas. Utak sa utak. She's confident na para rin sa kanya ang pwesto na 'yun and besides mas masarap pa rin ang bagay na pinaghihirapan ika niya.

She can't focus on her studies these past few days. It is because of James, ang boyfriend niya na dating naging nobyo ni Maybelle. Ito ang dahilan kung bakit hindi siya gaanong nakapag-aral at humantong pa iyon sa kuha niyang sakto lang na umaabot sa passing score. Gusto ng lalake na gumala kahit saan-saan. Gusto nitong pumunta sa isang mall na bagong bukas. Nagpapabili pa ito ng kahit na ano. James wants a date but unfortunately, hindi siya pumayag. Malapit na ang exam kaya kailangan niyang mag-aral. But James insist his planned, pero nabigo rin ito. Kaya nagkaroon sila ng away at hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nagkakaayos, kaya medyo wala siya sa sariling pumasok sa paaralan.

Nagulantang siya sa natunghayan niya sa loob ng kanilang silid pagpasok niya. Kitang-kita niya ang naghahalikan na si James at Maybelle. Napakuyom siya sa kanyang kamay at akmang susugurin ang naghahalikan pero agad na napatigil siya nang may biglang humarang na isang kamay. Tiningnan niya kung sino ang may-ari n'on. At napag-alaman niyang kay Melecio ito.

"Huwag mo akong pigilan!" giit niya sa lalake. Kinuha niya ang kamay ngunit nagpupumilit pa rin ito. Itinulak ni Rochelle si Melecio pero masyado itong malakas kaya hindi ito natinag.

Nagsimula ng mamuo ang luha sa gilid ng kanyang mga mata. Masakit pala talaga kapag harap-harapan mong nakikita kung paano ka niloloko ng taong mahal mo.

She can't accept the truth na niloloko siya. Ang gusto lang naman niya ay ang mahalin at punan ang puso na nangungulila ng pagmamahal. Mayaman nga siya pero hindi kayang bilhin ng pera ang pagmamahal. Buong buhay niya ay hindi siya nakaranas at nakaramdam ng pagmamahal.

Her parents are both busy on their business. Wala silang oras kay Rochelle. At the age of sixteen, puro katulong lagi ang kasama niya. Even her special moments in life na dapat kasama niya ang mga magulang ay hindi niya naranasan. Kaya ganun na lamang kasakit sa kanya na ang nangyari. Isang kasiyahan at pagmamahal na tinatamasa niya ay kaagad na binawi.

Agad siyang tumakbo palabas ng classroom at umakyat patungong rooftop. Unang sumalubong sa dalaga ang malamig na hangin. Dumampi ito sa makinis at maputi nitong balat. Niyakap niya ang sarili dahil giniginaw siya.

Hindi niya maintindihan ang kanyang nararamdaman. Mabigat at tila hinihila ang kanyang kalooban.Ipinagwalang-bahala na lang niya ang pakiramdam na iyon dahil alam niyang dulot lang ito sa nangyari.

Tinanaw niya ang kalawakan ng paaralan at doon ibinuhos niya ang lahat ng hinanakit. Umiyak siya at inilabas ang lahat ng luha nang sa gayon ay maibsan ng kaunti ang kanyang masakit na nararamdaman.

"Hindi ako papayag na dito lang magtatapos ang lahat," bulong ni Rochelle sa sarili. Pinunasan niya ang kanyang luha at matalim na tiningnan ang maliwanag na kalangitan.

"Tama ka! Nararapat lamang na hindi lang dito magtatapos ang lahat. Papayagan mo na lamang ba na maging masaya sila tapos ikaw ay magiging kawawa?" seryoso ngunit nanghahamon na saad ng kaklase mula sa likuran ni Rochelle.

Nagulat si Rochelle at agad nilingon ang may-ari ng boses. Napakunot siya ng noo ng makitang nakatayo sa kanyang likuran ang babaeng kaklase niya na si Chenerose. Seryoso ang mukha nito at may malalim na iniisip.

"Why are you here?" tanong ni Rochelle sa kaklase. Napacross-arm siya at nakataas ang kilay niya. Alam niyang may masamang balak na naman ito. Kilala kasi si Chenerose sa klase nila na mahilig gumawa ng masama. Mahilig manakit ng kapwa. Ito rin ang pasimuno sa lahat ng kalokohan.

"I'm just trying to help you!" malabing ngunit nanunuksong sambit ni Chenerose kay Rochelle. Kitang-kita nito ang biloy na lumilitaw pagkatapos ngumiti.

Lumakad ng bahagya si Rochelle at hinarap ng masinsinan si Chenerose. "Well, anumang tulong na 'yan. Hindi ko 'yan kailangan. Alam kong iba na naman 'yang iniisip mo!" Nilabanan niya ang ngiting iyon at iniwanan ang kaklase. Lumakad siya ng mahina at bumalik sa kanilang silid.

Naiwang tigalgal si Chenerose sa rooftop. She had been there n'ong wala pa si Rochelle. Maaga siyang umalis sa kaniyang apartment at dumiretso dito sa rooftop. It is the place where set herself free.

Pagod at walang siyang ganang pumasok matapos malamang pang-lima lang siya sa standing. Pagod na siyang humabol at makipag-kompetensya sa mga gahaman niyang mga kaklase. After all, kahit makuha man niya ang number one spot ay wala naman siyang pagbibigyan nito.

Chenerose is known to be the classy and bad influence inside the class. Lahat yata ng kalokohan ay siya ang pasimuno. Kaya niyang makipagsabayan sa mga lalake. Minsan nga, mas lamang pa siya. Wala siyang kinatatakutan kahit ilang bad records pa ang makuha niya. Ito yata ang dahilan kung bakit hindi niya maabot ang unang pwesto. Mas lamang pa rin kasi ang ugali kaysa sa talino.

Attitude matters pa rin kaya pagod na siyang abutin iyon dahil ang totoo, hindi na makukuha ang puwesto na 'yun. Hindi na rin mababago ang ugali niya. Kung ano ang ipinapakita niya ay 'yun talaga ang totoong siya.

She is known for her bad attitude pero hindi alam ng karamihan na may malalim na dahilan kung bakit ganito ang ugali niya. All her life was miserable. Lumaki siya na hiwalay ang mga magulang niya. Ang daddy niya ay nagtatrabaho sa isang factory habang ang mommy niya ay manager sa isang restaurant. Kapwa may kanya-kanya na itong ibang pamilya.

And Chenerose, grew by herself. She is independent at the age of twelve. Umupa siya sa isang apartment. Binibigyan naman siya ng pera ng mga magulang niya pero hindi niya iyon tinatanggap. Gusto niyang ipakita na kaya niyang tumayong mag-isa. She became a freelance model. Kinukuha siya kahit saan-saan ng mga bakla niyang kaibigan. And because of her epitome beauty, madali siyang nakuha at nagsimula ng mag-marka sa sarili niyang pangalan sa larangan ng pagmomodelo.

Lihim siyang napangiti nang matamaang niloloko si Rochelle ni James. Totoo nga na ang matalino ay nagiging bobo pagdating sa pag-ibig. She pity for Rochelle, her ex-bestfriend. Naging kaibigan sila ni Rochelle, Erika, Vangelyn at Maybelle. From the very start, sila ang laging magkasangga at magkasundo sa lahat ng bagay. Silang lima ang laging magkasama kahit saan.

They became friends because of the same goals. Ang makapagtapos sila with flying colors. Nais nilang maabot ang kani-kanilang pangarap upang maging inspirasyon sa iba at magbigay hatid ng karangalan sa kani-kanilang pamilya.

But that was before, noong panahon na hindi pa nila lubusang kilala ang bawat pagkatao. Dumating ang panahon na nagbago ang lahat. Nag-iba ang ihip ng hangin at tinangay nito ang lahat ng mga pangakong kanilang binuo. Si Chenerose ang unang nakadiskubre sa totoo nilang kulay. Napag-alaman niyang naggagamitan lang pala sila.

One's became selfish to achieve dreams at iyon si Erika. Competitive sa lahat ng bagay. Lagi na lang hindi sumasali sa grupo dahil tutok sa pag-aaral. Si Vangelyn na inihas si Melecio na boyfriend ni Rochelle. Dahil sa lalake, nalimutan nila na magkaibigan sila.

Si Maybelle na nahuling may kodigo sa isang exam. Binunton niya iyon kay Chenerose na ito raw ang may gawa at ibinigay lang sa kanya. At dahil sa kilala masamang impluwensiya sa klase si Chenerose, ito ang nagmukhang may kasalanan. Wala na rin siyang ibang ginawa dahil hindi na mababago ang isip ng lahat. Hindi na mababago kahit ni isa ang paningin ng mga kaklase niya na ganoon talaga siya kasama.

Hinayaan niya lang iyon. Wala siyang mapapala kung makikipag-bangayan at ipagtanggol ang sarili. Mas lalaki pa ang gulo kung dedepensa. Sa huli, alam niya ring talo pa rin siya. Hindi pa rin siya ang paniniwalaan kasi sa mata ng lahat siya ay masama.

At 'yon ang masaklap na katotohanan, kung ang taong kilala dahil sa masama nitong gawain, mananatiling masama ang paningin ng lahat. Hindi paniniwalaan na kayang gumawa ng kabutihan.

At doon naputol ang ugnayan nila. Chenerose known for her unpleasant attitude but she was true to herself, unlike sa mga kaibigan niyang mga plastic pala. Mga kaibigang nagbabalat-kayo.

Hindi maiwasang mapangiti at maluha si Chenerose matapos maalala ang mga pinagsamahan ng mga kaibigan niya. They got through ups and downs pero hanggang alaala lamang na iyon. Hinding-hindi na maibabalik pa. She wipes those little tears. Sinubukang maging malakas upang harapin ang bukas mag-isa.