"Nakakainis talaga! Hindi ko matanggap na mas magaling si Erika kaysa sa'kin! We all knew naman na mas magaling ako sa kanya," panghihimutok ni Maybelle kasama ang kanyang tatlong kaibigan na sina Bea, Jielvi at Jane.
Nakatambay sila sa rooftop kung saan madalas lang ang estudyanteng nakatambay sa nasabing lugar. May kumakalat na isyu kasi na may namatay raw sa lugar na ito sa nakalipas na taon kaya wala masyadong gustong tumambay. Pero para kay Maybelle at nang kanyang mga kaibigan, imbento at gawa-gawa lang ang usapin na iyon. Ito ang tambayan nila at sinasabing 'perfect place' para mag-chill.
"You know naman Belle 'di ba? Hindi ka kasi nagkaroon ng maayos na study last week because of James," mataray na saad ni Bea matapos maglabas ng inis ang kaibigang si Maybelle. Awtomatikong tumaas ang kilay ni Maybelle sa sinabing iyon ni Bea.
"Don't mention that name again! 'Yung walang-hiya na 'yun pagkatapos na ibinigay ko lahat sa kanya ay iiwan lang ako. Akala niya siguro maghahabol ako sa kanya. Ang kapal niya! Hindi lang siya ang nag-iisang lalaki sa mundo." Naka-cross arms na sambit ni Maybelle at pagkatapos ay tinalikuran ang mga kaibigan. Dinama niya ang simoy ng hangin na dumampi sa balat niya.
"In the first place, alam mong playboy si James pero sinunod mo pa rin ang puso mo. Minsan kasi kailangan rin natin paganahin ang utak natin nang sa huli walang masasaktan at walang pagsisisihan!" pangaral ni Jane sa kaibigan na si Maybelle.
Agad nilang niyakap ito dahil ramdam nila ang pinagdadaanan ng kaibigan. Una sa pagmamahal nito kay James. Alam nilang pinapakita nito na wala na siyang pakialam sa lalaki pero sa kaloob-looban ay wasak ang puso at nagsusumamo pang bumalik si James. Matagal na pinapangarap niya ang lalaking 'yon. Kaya nang nagkataon na niligawan siya ay nagpadala naman. Kaklase nila si James at kilala ito sa pagiging playboy. Pinagsabihan na si Maybelle nang mga kaibigan niya pero hindi ito nakinig.
Naibahagi rin nito ang pinagdaanan sa pamilya. Palagi raw kasi itong kinukumpara sa kapatid nito at ipinapamukha na hindi siya makakapagbigay karangalan sa pamilya. Kahit marami ng nasalihan at naipanalo, hindi pa daw iyon sapat para maging proud ang parents nito. At ang pagiging valedictorian ang susi ni Maybelle para mapatunayan niya sa magulang na maipagmamalaki rin siya nito. Kaya naiintindihan nila ang kaibigan kung bakit galit na galit ito sa resulta. Second place lang ito at nanganganib na hindi niya makuha ang unang pwesto.
"Tama ka Jane! Palagi na lang puso ang sinusunod ko. Ngayon, oras naman para utak ang paiiralin ko," seryoso na wika ni Maybelle at hinigpitan ang yakap sa mga kaibigan. Sila na lang ang mayroon kay Maybelle kaya laking pasasalamat niya dahil may mga kaibigan siyang masasandalan.
"Sawa na akong mapag-iwanan. In family, love and excellence. This time, sisiguraduhin kong makukuha ko ang dapat sa akin."
Mga salitang binubulong ni Maybelle sa kanyang isipan. Nagsasawa na siya sa mga pangyayari kaya gagamitin na niya ang utak para abutin ang kanyang mga gusto. Isasampal niya ang karangalan sa mga magulang niyang walang tiwala sa kanya. Maglalaway rin si James sa kanya balang araw at si Erika, sisiguraduhin niyang bubulusok ito pababa matapos makuha niya tagumpay. Sumilay ang ngiti niya sa pangyayaring iyon. Hinding-hindi na siya makakapaghintay na matutupad ang lahat ng minimithi niya.
---------------
"Third place is not enough, Melecio! Ginawa ko na lahat pero hindi ko pa rin maungusan sina Erika at Maybelle."
"Vangelyn! Magpasalamat ka na lang. Don't you ever see me? Pang- anim lang ako and we both know na hanggang fifth place lang ang makakatanggap ng Golden School Award Excellence. Kailangan ko iyon dahil nakapag-promise na ako sa parents ko. "
"Hindi ko pinangarap 'yang award na 'yan. All want is to be on top. 'Yun lang at wala ng iba pa. Kaya kailangan mag-isip tayo ng mabuti kung paano mag-step up sa specific standing na gusto nating abutin. "
"Fifth place lang ang gusto kong maabot and that is possible. Kayang-kaya kong abutin 'yun, pero 'yung sa'yo mukhang malabo. Kita mo naman 'di ba? Masyadong magaling sina Erika at Maybelle. I'm sure hindi rin sila magpapatalo."
"Are you insulting me? Kaya kong ungusan sila. Tandaan mo 'yan!"
Patuloy na nagsasagutan ang magkasintahang Vangelyn at Melecio sa corridor malapit sa exit gate ng kanilang campus. Wala silang pakialam sa mga estudyanteng nakakakita sa kanila. They don't see them as their fellow students, they see them as low class and untouchables. Students who are not belong in Sampaguita is just like a sun. Ang sakit sa mata kapag titignan.
Hindi na nakatiis si Melecio sa dalaga at iniwanan niya ito. Parati silang nag-aaway at kadalasan ang dahilan nito ay sa academics. Pareho silang magaling sa academics pero itong si Vangelyn ay hindi satisfied tuwing malalaman na nila ang resulta. Masyado itong desparada na maabot ang unang pwesto ngunit alam naman ni Melecio na may mas magaling pa sa nobya at si Erika iyon. Naiwan si Vangelyn sa corridor habang pinagtitinginan siya sa mga kapwa estudyante. Tinarayan niya lang ang mga ito at dali-daling umalis sa lugar na iyon at bumalik sa silid niya.
Hindi alam ni Vangelyn na may nakamasid at nakasunod sa kanya. Malaki ang hakbang na sinundan siya ng babaeng kaklase niya pabalik ng kanilang silid. May tuwa at ngiti na sumilay sa labi ng babae dahil sa nasaksihang pag-aaway nila ng kasintahan niyang si Melecio. At ang mas nagpapasaya pa ay tungkol sa standing ang pinag-aawayan nila.
"Mukhang malapit ng maghihiwalay ang tambalan ng taon. Uungusan ko pa kayo sa final standing nang sa gayon ay matutupad iyon."
Bulong sa isipan ng babae at sa pagkakataong iyon ay hinawakan niya ang balikat ni Vangelyn at sinubukan itong pigilan sa paglalakad. Naging matagumpay naman siya sa ginawang iyon at kaagad bumungad sa babae ang galit na mukha ni Vangelyn. Nakataas pa ang kilay nito at natitiyak ng babae na dahil iyon sa ginawa niya. Matagal na siyang may galit kay Vangelyn dahil sa isang dahilan at iyon ay ang pagtatraydor sa kanya.
"Bitiwan mo akong gaga ka! Huwag mo akong simulan. Marami akong problema at huwag munang dagdagan! Bwisit ka!"
Nagulat ang babae sa sinabi ni Vangelyn. Agad siya nitong tinalikuran ngunit naging mabilis siya at pinilit niyang huminto sa paglalakad. Mas nagulat siya sa susunod na nangyari nang biglang lumingon at sinampal siya ni Vangelyn. Malakas ang pagkakasampal nito na talaga namang namula ang pisngi ng babae.
"Oh, ano? Titigil ka na ba? O gusto mo ng isa pa para tumigil ka na sa pambubuwisit mo sa'kin? Nakakasira ka ng araw. "
Pagkatapos na sabihin iyon ni Vangelyn ay iniwanan niyang tigalgal at sapo sa pisngi ang kaklase. Hindi siya nagpatalo sa babaeng iyon. Naumpisahan na niyang sirain ang buhay nito at kaya mainam na tapusin din ito sa pamamagitan niya.
"Ang sarap mong asarin, Vangelyn!"
Sigaw na panunukso ng babae at sinadya niya talagang bagalan ang pagsambit ng pangalan nito upang asarin si Vangelyn dahil makatugma ito. Naging epektibo naman ang ginawa niya at napalingon ito ngunit tinapunan lang siya ng masamang tingin na nagbabanta. Nakaramdam siya ng kaunting takot pero nakahanda siya rito. Alam na niya na mangyayari ito kaya mas mainam na maghanda siya.
Buong lakas siyang naglakad patungo sa silid niya. Masaya siyang naging epektibo ang pang-aasar niya kay Vangelyn. Inaabangan na niya ang susunod pang paghaharap nila. Bubwisitin niya ito nang bubwisitin hanggang sa mapuno ito sa kanya. Dito na makikilala kung sino si Vangelyn sa harap ng klase nila. Masyadong itong nagbabaitan sa loob ng klase. Ang tingin ng mga kaklase nila dito mabait maliban na lang sa kanilang dalawa ni Melecio. Alam nila ang totoo at mabaho nitong sekreto. At ito ang kailangan niyang gawin, ang ilabas ang totoo nitong ugali upang makabawi at makaganti siya sa ginawa nito noon.