Chereads / No More Promises / Chapter 264 - Chapter 22: Last goodbye

Chapter 264 - Chapter 22: Last goodbye

Dumating sa chapel kung saan nakalagak ang labi ni Joyce. Gaya ng sabi ni Kuya Rozen. Nagkalat ang mga reporter na palinga-linga lang sa mga taong dumadating. "Ang daming camera.." bulong sakin ni Bamby. Hawak nya ang braso ko ng mahigpit. Kasabay sa paglalakad. Si Jaden. Nakasunod lang sa amin. "Mabuti nalang. Hindi sumabay satin ang Kuya mo. Kung hindi. Pati tayo pinagkaguluhan dun." inginuso nya ang entrance ng chapel kung saan nakahilera ang mga reporter. Dumiretso kami sa kabaong kung saan ang kapatid ko.

Napatigil ako ilang pulgada mula sa mismong pwesto nya dahil pakiramdam ko. Hindi ko kayang makita ang mukha nyang wala ng malay. Hindi ko kayang makitang hindi na sya humihinga. At lalong mas hindi ko kayang, tanggapin na wala na nga talaga sya.

"Okay ka lang?." mabilis napansin ni Bamby ang pag-atras ko kaya napaatras na din sya. Hindi ko na namalayan pa ang presensya ni Jaden. Mukhang may nakita yata syang kakilala nya rito at kinausap na ito. "Upo na muna tayo.." hinila ako ni Bamby sa mga bleachers kung saan may mga nakaupo na ring mga bisita rito. "Nahihilo ka ba?. Gutom?. O tubig?. Ano?." nag-aalala ng sambit nito. Kinapa pa ang mga palad ko't pinisil para lang siguro kumurap ako't bumalik ang ulirat. "Magsalita ka naman girl.. kinakabahan naman ako sa'yo.." bakas na talaga sa kanya ang pag-aalala. Palinga-linga sya. Mukhang hinahanap ang asawa. "Asan ba kasi si Jaden?. Yang lalaking yun, oo.."

"Okay lang ako, Bam." mahina kong saad. Saka na nya ako nilingon. Ngunit hindi pa rin nawala sa mukha nya ang pag-aalala para sakin. Sa amin ng pamangkin nya. "Para kasing..." huminto ako para tapunan ng tingin ang kabuuan ng bagay na nasa harapan ko ngayon. "Hindi ko kayang makita ang kapatid kong nakahimlay sa loob nyan.." tukoy ko sa kabaong. Napatitig tuloy sya sakin. "You know what we've been through. Hindi maganda ang lahat sa amin. Gayunman. Kahit saang anggulo. Magkapatid pa rin."

"Time will tell you why did this happen, bes. don't try to understand everything dahil mababaliw ka lang.."

"Hindi ko pa rin matanggap, Bam.."

"Ako din naman.. alam mo din kung anong nangyari sa pagitan namin nila Jaden noon.. nagalit ako sa kanya noon."

"Of course. Sinong hinde?." agap kong singit sa kanya. Tumawa lang sya. Sinabayan ko na rin.

"Pero sa pagdaan ng panahon.. napagtanto ko na, may rason kung bakit pala nangyari yun.."

Nilingon ko sya. Sa kabaong ni Denise sya nakatingin. May ngiti sa labi. "Anong rason naman yun?." taka kong tanong. Tsaka. Paano nya rin kaya nalaman?. May nagsabi ba?. Sino?. Pwedeng pabulong para magtanong din ako sa kanya.

"Duon ko napatunayan na mahal pala talaga ako ni Jaden. Na hindi lang pala laro ang lahat.."

"Paano mo nasabi na naglalaro lang noon ang boy Jaden?."

"Malay ko din, bes. Alam mong hirap akong magtiwala sa iba. Lalo na pagdating sakin. That's why humantong ako sa isipang ganun.."

Tama nga naman sya. May rason ang lahat. May dahilan ang lahat. Sana lang. Gaya nya. Sa pagdaan ng panahon. Makita ko rin ang sagot sa mga katanungan ko't maliwanagan ng husto.

"Ay. Hello po Tita.." bigla ay tumayo si Bamby para batiin ang taong dumating. Si Mama. Kasama nito ngayon si Kuya Rozen at Jaden. Sila ba yung kinausap nito kung bakit sya biglang nawala kanina?.

"Hello hija. kamusta na?." niyakap nya ito pagkatapos ngitian. Ako?. Hindi alam kung tatayo ba o uupo nalang din. Di naman ako umasa na babati sya sakin at bibigyan ng yakap tulad ng ginawa nya sa kaibigan ko.

"Anak.." first time in my entire existence. Ngayon ko lang narinig mula sa kanya ang katagang yan. Para akong binuhusan ng isang drum na umuusok na pira-pirasong bloke ng yelo. Nanlamig ako at nawala panandalian ang pandinig ko. Maging ang tibok ng aking puso. Huminto ng ilang segundo. Umupo sya sa harapan ko't pinisil ang pisngi ko. "Mabuti at dumating ka.." ngiti nya saka ako niyakap ng mahigpit. This time. Pakiramdam ko, natunaw lahat ng yelong nahulog sa akin kanina dahilan para pagpawisan ako't makaramdam ng uhaw. I didn't... I didn't expected this. Parang panaginip ito na malayong mangyari sa katotohanan. Si Mama, ngingitian ako't yayakaping ganito?. Really?. "Thank you for being here, anak ko.." biglang nagsitayuan lahat ng balahibo ko't napaluha ng wala sa oras. Pati ang labi ko't, nakagat ko nalang basta habang kay Kuya Rozen ang tingin. He is nodding at me now. With a smile on his face. "Hindi ko alam ang gagawin kung pati ikaw, wala rito Joyce.. ang Ate mo.. wala na.." dito na sya humagulgol sa akin. Nagsitayuan muli ang mga balahibo ko.

First time ko din marinig mula sa kanya kung sinong panganay at bunso sa amin ni Denise. And here she is. Sa unang pagkakataon. Sya din ang mismong nagsabi. Sa kanya ko din unang narinig. Na si Denise ang unang lumabas. Tapos sunod ako mula sampung minuto ang pagitan. "Ang Ate mo, anak ko.. huhuhuhuhu..." napaiyak na rin ako sa kanyang mga hikbi.

"Ate.." nanginig pa ang labi ko ng sambitin ito habang nakatingin sa malaking larawan na nakalagay sa harapan. Ang ganda ng ngiti nya rito. Kahit saang anggulo. Ang ganda nya talaga.

"This is our last goodbye to her." umiyak na naman sya. Dumalo na ngayon si Kuya Rozen para paalalahanan syang may mga bisita pa. "And this is her wishes.. na makumpleto tayo rito. Lalo na ikaw.." lumakas lalo ang atungal nya. "I didn't know na yun pala ang una at huli nyang request sa akin.. Denise, anak ko.." my heart aches knowing that she's hurt while reminiscing her times with her. Kung gaano sya nasasaktan ngayon sa mga alaalang meron sila. Paano na akong walang magandang alaala man lang kasama sya?. Mas lalo akong pait at panghihinayang ang namunutawi sakin dahil sa wala man lang kaming nagawang alaala na masaya. Bakit kaya hindi namin nagawa ang mga ganun noon?. Siguro nga. Ganun na lang talaga. Magkapatid kami. Galing sa iisang Ina subalit hindi kailanman nagturingan na magkapatid.

What hurts me the most is that. This moment is our goodbye to her. Kung kailan pa na huli na ang lahat. Duon pa nakikita ang halaga ng isang tao. "And I'm sorry for everything hija... I didn't mean to hurt you.. I'm so sorry anak.." yung mga gusto kong marinig sa kanya noon pa. Bakit ngayon lang?. Bakit ngayong huli na ang lahat para maging masaya ang lahat?. Bakit ngayon na wala na ang isa saming mga anak nya?. Bakit ngayon nya lang napagtanto ang lahat?. Bakit?. "I was wrong.. I am so wrong... maling mali ako pagdating sa pamilya ko.. lalo na sa inyong mga anak ko..." inakay na sya ni Kuya Rozen papasok ng isang silid kung saan pribado. Malayo sa mata at tainga ng mga bisita. Nag-uumpisa na kasing magkumpulan ang mga tao sa paligid namin. Lalo na ang mga media. "Joyce, patawarin mo kami ng Ate mo... Rozen.." pagpapahinto nya dito na tumigil sa paglalakad para makausap nya pa ako.

Umupo si Jaden sa tabi ko. Hinaharangan sa anumang mangyari. "Sa loob na muna tayo Joyce.." ani Jaden na nagkatinginan pa ata sila ni Bamby.

"Oo nga naman, bes. Para makapag-usap pa kayo ng maayos ng Mama mo.." dagdag din ni Bamby.

Ayoko sana sa totoo lang. Kaso. There's no other way to fix things kundi ang pakikipag-usap ng maayos. Hindi ko rin hahayaan na umalis ang kakambal ko kung hindi pa kami maayos.

And I wish. This is not our last goodbye. Hopefully. This is the new beginnings that we've been waiting for.

Denise. I know. You make a way para maiayos ang magulo nating pamilya. Thank you.