Chereads / No More Promises / Chapter 260 - Chapter 18: Jaden

Chapter 260 - Chapter 18: Jaden

At dumating nga sila Mommy. Sinundo nila si Daniel. Ang sabi. Five days vacation daw ang gagawin nila. Di pa daw sure yun. If ever magustuhan ng dalawang bata na bumyahe pa. They'll visit China and Thailand. Sana all nalang diba?.

Mabuti nalang din at naisip nila ang strategy na to. Dahil kung hinde. Stress ang aabutin nila pareho.

"Alam ba ng asawa mo na nandito ka?." I asked him after giving him a cup of hot chocolate. Kakaupo nito sa maliit naming sofa. Hindi pa nga binababa lahat ng gamit na dala. But he looks stress and problematic. Kung anuman ang pinakadahilan kung bakit sya napadpad dito. Sana lang. Matulungan ko sya.

Pagod syang sumandal sa headrest ng sofa saka tumingala. Tumitig ito ng bahagya sa kisame bago pumikit. Ang mahahabang mga braso nito ay isinampay nya sa sandalan ng kanyang ulo kung saan pantay na ang mga ito. "Hindi ako nagpaalam, Joyce." he is pertaining to his wife, Bamby.

Di ko mapigilan ang mamaywang. Kahit hindi nya kita. Alam kong alam nya na may idea ako sa nangyayari sa kanila. "And please. Don't let her know." napakurap ako. Lumunok na rin ng wala sa oras.

"Wag sanang ganito din Jaden. Mag-usap kayo ni Bamby."

"I tried..." he paused. His breathing became heavy. "But she never listen." bumara ang hindi ko alam na bagay sa lalamunan ko ng marinig ito. Parang ako ang nasaktan para sa kaibigan ko. Paanong hindi nagawang makinig ni Bamby ngayon?. She's used to that. Ugali nyang makinig at pakinggan ang mga bagay bagay before giving a judgement. Paanong nangyari ang ngayon?. Is it possible na nagbago sya because may nabago sa paligid nya?. Is that it?. Ganun ba talaga ang tao kapag nagbabago ang nasa kapaligiran nila?. Nagbabago rin sila?. But as far as I know. If that's your inner traits. Hindi pa rin yun mawawala sa'yo. Kahit magulo na ang mundo mo. How come Bamby came this far?. Bakit hindi nya ngayon pinapakinggan ang boses ng kanyang asawa?. What is her reasons?. Anong nasa likod ng mga ingay nya't hindi kayang pakinggan ang pagiging tahimik?.

Isang malaking buntong hininga nalang ang pinakawalan ko. "You want me to talk to her?." I offer. Para atleast magkaroon ng daan para magka-ayos sila.

"You can, but please. Help me think this time. Nahihirapan akong mag-isip kakasalita nya."

Napatahimik tuloy ako. So. He wants some silence para siguro tignan kung saan sya nagkamali o tumama. Kung saan sya nagkulang o sumobra. Gusto nyang maintindihan ang lahat ng nangyayari. Bagay na hindi rin maintindihan ng kaibigan ko.

"Sige. Huwag kang mag-alala. Di ako magsasalita. Magpahinga ka na muna. Magluluto lang akong hapunan." paalam ko. Di na sya nagsalita. Bakas ang pagod sa kabuuan nya.

And now. I'm torn between letting my best friend know about his husband being here or follow his sincere request.

Kung magsasabi kasi ako kay Bamby ngayon. Malamang. Lalo syang magagalit rito. Worst pa. Biglang sumugod nalang dito. Bagay na, kung pwede. Iwasan muna para iwas lalo ng gulo sa kanilang dalawa. Pero iniisip ko rin eh. Kung susundin ko din kasi ang gusto ni Jaden. Masasaktan ko ang asawa nya. Magagalit yun sakin panigurado.

Ano nga bang tamang gawin sa ngayon?.

Ay mali.

Ano nga bang dapat gawin ngayon?. Kasi sa sitwasyon nila. Walang tama at mali e. Parehong may punto sila at gusto ko yung maintindihan nila. Gusto kong ipahayag sa kanila na miscommunication lang ang meron sa kanila dahil umiiral ang kanilang pride. Parehong tama ang tingin nila sa kanilang mga sarili kaya hindi pumapasok sa isipan nila ang pag-iintindi. Bagay na minsan. Mahirap ding gawin. Lalo na kung nakatanim na talaga sa puso mo na tama ka't kailangan ding intindihin.

Ala sais na ng gabi. Dumating na si Lance. Hindi na ito nagulat nang makita ang bulto ni Jaden sa may sala dahil pinadalhan ko sya ng mensahe kanina na may bisita sya. He walks towards me. Humalik sya sa noo ko pagkatapos nyang basta ilapag ang bag sa sahig. "Kanina pa ba sya?. Anong sabi?." tuloy tuloy nyang tanong. Hinila ko sya patungong kwarto. Saka sinenyasan na magpalit na muna ng damit. Galing ospital e. Kailangan magshower muna.

A minute later. Lumabas sya ng shower room. Umupo agad sa tabi ko sa kama. "Tumawag ba si Bamby sa'yo?." anya. Karugtong nung nauna nyang tanong kanina.

Tumayo ako para i-lock ang pinto. Baka kasi marinig nung isa. Biglang umalis. Mas mahirap maghanap ng taong walang iniiwang bakas. Tas bumalik ako sa kinauupuan ko kanina. "Honestly. Katext ko sya kaninang umaga."

"So, that's explains you being so busy texting earlier this morning?." tumango ako dito. Bahagyang kinagat ang labi. "Anong sabi nya?. Hindi sya tumatawag sakin. Kahit text, wala syang kahit kumusta lang." tampo ang nahihimigan ko sa kanya ngayon.

"Understand her, Love. I know you have an idea kung bakit nandito ngayon si Jaden. Hindi man namin sabihin sa'yo. Natitiyak kong may alam ka na."

Kumunot naman ang gwapo nyang noo. "What?. I don't have any idea what's going on Love. Ang tanging alam ko lang. May bisita akong dumating tulad ng sabi mo dun sa text mo." kumurap ako. Asking myself. Doubtful. Wala nga ba?. O gusto nya lang marinig ang point of view naming mga babae about Jaden's situation.

Tinaasan ko sya ng isang kilay. Asking him without a word. "What?. Promise Love. Wala akong alam. Enlighten me please."

"Wag mo nga akong lokohin Lance." biro ko pa para magseryoso. Subalit mas lalo itong nalito sakin.

"Look. Wala talaga akong alam sa nangyayari."

"Kung wala nga. Anong dahilan kung bakit biglang dumating ang bayaw mo dito huh?."

"I don't know. Ikaw nga nagbalita sakin na dumating sya diba?. How would I know?."

Mukhang wala nga talaga!. Inosente din ito masyado sa paligid nya. Yung kahit obvious na minsan. Ayaw kilalanin dahil ayaw nya ng stress. Ang sabi nya. Nakakastress na nga daw sa ospital. Pati ba naman dito sa bahay. Kaya, as much as possible. Ayaw nya ng ganun. Cause of aging daw kasi ang ganun. Oh diba, arte?!.

"To tell the story short. Tinanggal na as CEO ang Jaden. This is because of his secretary na sinabing natukso nya ito na syang dahilan ng pag-aawayan nila ng kapatid mo ngayon."

Natahimik muna sya. He's trying to digest what's really going on. "And that's explains why Jaden is here. Gusto nya ng katahimikan because Bamby is too noisy lately."

"I'll call her. Where's my phone." tumayo na sya ng matanto ang lahat. Aligaga. Wanting to call her sister to maybe scold her or whatever.

"No, Love." sa malumanay na paraan ko ito binigkas para kumalma sya. Para di sya magalit o mainis bigla. "Hiningi ni Jaden na wag itong ipaalam kay Bamby."

Hinawakan na nito ang ulo saka pinasadahan na ng lakad ang buhok patalikod. "Iiyak panigurado yun Mahal ko." tukoy nito kay Bamby. Malungkot.

"Wala tayong magagawa Lance. If it's right to let them have some space para makapag-isip ng tama. Gawin nalang natin ang gusto nila. Mas mahirap kasing mamagitan sa kanila Love.."

"Pero hindi tamang taguan nalang ni Jaden ang asawa nya?." frustrated na nyang saad.

"Of course hindi yun tama. Pero wala tayo sa posisyon para sabihing mali din ang ginagawa ni Jaden. We're not on his shoes to judge his choices."

Hindi sya umimik. "Ang kailangan nila pareho. An open ear and a understanding heart para pareho natin silang maintindihan. Hindi pwedeng isa lang ang pakinggan natin because that's not fair. Walang kaayusan at katahimikan kung walang pag-iintindihan."

Tama naman ako diba?. Kahit kamag-anak mo pa sya o hinde. You should learn to open your ears for everything, for everybody. Not just for your perspectives but also for all aspects. Dahil malawak ang mundo. Hindi lang sa isang bagay umiikot ito.