Chereads / No More Promises / Chapter 261 - Chapter 19: Denise

Chapter 261 - Chapter 19: Denise

Lumabas kaming wala na ang bulto ni Jaden sa may sala. Natakot ako bigla. Hindi ko malaman anong gagawin. Kung sasabunutan ba ang ulo o uupo o di kaya ay maghahanap rin tulad ng ginagawa ngayon ng asawa ko. Paano namin sila ngayon matutulungan kung ganitong hindi namin sila kayang proteksyunan?. Magagawa pa ba kaya naming bigyan to ng solusyon kung ganitong taliwas ang dalawa sa amin?. Paano ba to?. Tutulungan pa ba namin sila o hahayaan nalang rin silang malaman ang kani-kanilang pagkakamali para matuto sila?. Ano bang nararapat?.

"Love, ano ng gagawin natin?." I am panicking now. Knowing that Jaden is no longer here and Bamby is frustrated about him. Ugh! Nasusuka ako na ewan!.

Tumigil sa paghahanap si Lance at piniling mamaywang nalang. He is trying to calm himself para kumalma din siguro ako. Nagkamot sya ng batok saka naglakad para alalayan akong umupo sa may sofa. "Love, wag ka ng mag-alala pa. Mahahanap ko rin sya.. tsaka.. prioritize your health please. Hindi ko kayang mawalan muli ng isa pang anak.. wala ng mas hihigit pa na sakit kapag nangyari ang ganun.." he caresses my cheeks. "Ako ng bahala sa kanila."

"What about Bamby, Love?."

"I'll talk to her.. don't mind her na.. madali naman syang kausap basta hindi sya galit o pagod.."

"Please be gentle to her, okay?.We know nothing about her inner struggle."

"I know.. I know.." and he made me a promise na di dapat ako masyadong ma-involve sa stress topics gaya ng ganito dahil gustong gusto nya talagang masundan na namin si Daniel.

Gustuhin ko mang hindi mag-alala. Di ko pa rin maiwasan sapagkat si Bamby yun. His sister and my best friend. Alam kong marami akong naging pagkukulang sa kanya noon at hanggang ngayon. Kaya gusto ko din sanang bumawi. But just like the old times. The timing is not yet right. Kailan kaya darating ang araw na makakabawi ako ng todo sa kanya?. Darating pa kaya ang araw na yun?. Aasa pa ba kaya o hindi na?.

Sa pag-iisip ko sa kaibigan ko. I'm spacing out.

"Love, kanina pa maingay phone mo.." Lance is beside me. Pareho na kaming nakahiga. Jaden is sleeping on the couch outside. Nang nawala sya kanina. Naglakad lakad lang daw sya. Nagpahangin tas nung napagod na. Bumalik din ng kusa. Sobra lang kaming nag-alala na baka di na sya bumalik pa. Pero atleast. His sanity is there. Alam nya pa rin kung anong ginagawa nya.

"Sagutin mo nalang. Inaantok na ako.." pikit mata kong sambit sa kanya. Sa tantya ko. Baka nasa hating gabi na ang oras. Di ko lang sure. Hula ko lang din dahil tinatamad akong buksan ang aking mga mata. Mabigat na ito at gusto lang matulog.

"Si Mama mo.." niyugypg nya pa ako.

Siniko ko tuloy sya dahil sa pagyugyog nyang di naman kalakasan. Katamtaman lang sakin para di mainis o magulat.

"Sinong Mama?." tanong ko kasi nga. Bangag pa ako dahil sa antok.

"Mama nyo ni Denise.." paliwanag pa nya. Pero bumalikwas lang ako.

Bumuntong hininga sya ngayon. "Pakisagot nalang Love.. inaantok talaga ako.. thanks.."

Mabuti naman at sinagot nya naman ito. "Hello po Tita.." there is an hesitation on his sleepy voice. Lalo na ng tawagin nya si Mama ng Tita. Dumilat na ako't pinanood na sya habang hawak ang phone na nakadikit sa kanyang tainga. "Yes po. Andito po sya sa tabi ko. Kaso tulog na po.." magalang pa nyang sabi. Tas nakinig muli sya. "Ano po!?." gulat ang boses nya. Kunot din ang noo nya. May sinabi si Mama sa kabilang linya na di nya nagustuhan. Umurong ako palapit sa kanya. Napansin nya ako. Kaya medyo ibinaba nya ang hawak na phone saka niloud speaker. "Si Denise.. wala na Lance.. huhuhuhuhu.."

I was like. Ano raw?.

"Ano raw?." kailangan ko pang tanungin si Lance tungkol dito at marinig pa ng isang beses ang sinabi ni Mama para maniwala ako. Para kasing prank ito na di nakakatuwa.

Hindi rin agad nakapagsalita si Lance. Tinignan nya lang ako ng matagal. "Lance, what?. Tinatanong kita?." bumangon na ako. Umupo na rin sya ngunit tulala pa rin. Hawak pa rin ang phone ko. Dinig ko ang hagulgol.

"Love.." marahan nya akong hinila saka dinala sa dibdib nya at duon niyakap ng mahigpit. Not suffocating. But a gentle one. "Your sister is.. gone.." dinig ko naman ang sinabi nya subalit bat parang ayaw tanggapin ng utak ko ang narinig. Parang hangin lang ito na dumaan, dumampi sa balat ko't pagkatapos ay umalis na rin. Hindi man lang nagtagal o nanuot sa kalamnan ko. Ngunit sa pagdaan ng bawat minuto. Unti unti nang pumapasok sa isip ko ang balita.

Anong-?. Nagbibiro ba sila?. Is this a prank?. Pero hindi naman nakakatuwa ang ganitong biro diba?. Sa dami ng pwede nilang gawin na joke. Ito pa?. Napaka-imposible!. Imposibleng si Denise dahil napaka-healthy nya.

Hindi ko na namalayan ang pagtulo ng luha sa pisngi ko. "I love you.." di ko alam. Sa dami ng pwede nyang sambitin. Ito pang bihira nya lang sabihin ang narinig ko. Hindi kasi sya masyadong verbal pagdating sa pagpapakita nya ng mahal nya ako. It's always his actions. Walang mintis ang bawat kilos nyang sinasabi na ako lang ang mahal nya. Wala ng iba.

"Si Denise, Lance.. call Kuya Rozen please.." ginawa nya naman ang utos ko kahit yakap nya pa rin ako. I tried my best not to cry out loud kasi nga sa kalagayan ko. But I just can't. Si Denise kasi yun. Ang kambal ko.

"Hello bro.." ani Lance. "How's Denise?. Totoo ba ang balita?." then he paused. Puro tango lang ang naging sagot nya sa kausap.

That clearly tells me what is going on. But I didn't bother to ask. He just looks at me. Sabay tango not muttering any words.

Dito na ako natulala at unti-unting bumigay.

I cried a river. I am hurt knowing that she's really gone. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit. Pero bakit ang sakit?. Naninikip ang dibdib ko sa pagdaan ng mga alaalang nagkasama kami. Hindi man maganda ang karamihan dun. Ang masakit. Naging nakaraan nalang ang lumipas na panahong buhay sya.

Honestly. I don't know what to feel. Para akong nakalutang dahil sa walang maramdaman.