Chereads / No More Promises / Chapter 251 - Chapter 9: Dati

Chapter 251 - Chapter 9: Dati

Tanghaling tapat palang dito sa bahay ng mga Eugenio. Ang ingay na. Sana di mabulabog ang kapitbahay nila o di kaya'y ireklamo sila dahil sa di mabilang na halakhak at tawa ng lahat. Knoa and Daniel is taking up some boxing lessons to their Tito Mark na kada sipa nila ng punching bag na masyadong mataas sa kanila ay, natutumba sila. Kaya eto kami at hindi panawan ng ngiti sa labi. Kahit sina Mommy at Daddy ay di na magawang magsaing o sagutin ang tawag sa kani-kanilang mga phone. Gaya din sila nitong mag-asawang Jaden at Bamby. Hindi na tumayo sa kinauupuan simula kanina.

Kaya naisipan kong kunin yung polaroid na camera ni Bamby sa may sala para kuhanin ang lahat. "Say cheese.." nagulat pa sila ng itutok ko na sa kanila ang camera. Agad umayos si Bamby ng upo sa kandungan ni Jaden na lalo pang iniyakap ang braso sa leeg nito. Yakap din ni Jaden ang baywang nito ng mahigpit. Halos maghalikan na ang dalawa.

"Grabe!." Singhal nalang ni Lance sa likod dahil sa di na masuway ang dalawa. Wala na eh. Di na sila mga bata. Alam na nila ang ginagawa at kahit pa pagsabihan nya ang mga ito. Halatang pagtatawanan nalang sya.

"One more.." turo ko sa kanila. Tulad nga ng sabi ko kanina. Naghalikan na ang dalawa.

"Di na nahiya.." rinig ang pagpaparinig ni Lance dito na tinawanan nalang nila. Umiiling pa nga sila habang nakaturo si Bamby sa Kuya. Malamang. Mag-aasaran na naman sila. Labas na dito si Jaden na tahimik lang din na lumapit sa mga bata.

"Say cheese, Mom.." saad ko habang nakatingin sa kanila sa camera. Nagdikit naman sila't ngumiti. Dalawang litrato din ang kinuha kong magkayakap sila. Sunod naman ay ang mga bata na walang pagod bumangon kahit halata sa mga mukha nila ang pagod.

"Joyce, hindi mo ba kukuhanin ng litrato tong asawa mo?. Kanina pa umuungot dito.. ang bagal mo raw.." halos masamid ako sa sariling laway ng kawayan ako ni Bamby para sabihin lang to. "Aray!. ahahhahahahahaha.. Mommy si Kuya oh.." sumbong pa ni Bamby sa Nanay nya ng batuhin sya ni Lance maliit na bato. Tumama pa yata sa sakong ni Bamby kaya dumampot din ito ng bago para gantihan sya. Saka lamang nagsalita ang Mommy nila at sinuway sila na parang mga bata. Pareho lang kami ni Jaden na tahimik na natatawa sa aming mga asawa.

"Parang mga aso't pusa kayo.." hinabol sila ni Mommy pareho dahil ayaw talaga nilang huminto. "Mahiya naman kayo sa mga anak nyo." pagod pang sigaw nya sa kanila.

"Hay.. Di pa rin sila nagbago.." dinig ko ang pabulong lang ni Jaden sa tabi ko. Nakaupo sya't nakatayo din ako sa gilid nya. Parehas naming pinapanood ang pamilya Eugenio. Kinukuhanan ko din sila paminsan minsan ng larawan. Ipakita ko sa kanila mamaya. O di kaya'y isabit ko pagdating ng hapon. Tignan ko lang kung di sila magtino.

"Sinabi mo pa. Dinaig pa nila ang dalawang bata.. hahaha.." tawa ko dahil kung susumain. Mas tahimik ang gawi ng mga bata kaysa sa kanilang magkapatid.

"Mas mag-iingay pa mamaya panigirado.." tango pa ni Jaden. He's referring to our mini reunion later with our friends. Sana makadalo silang lahat.

"Ay nako.. isama mo na ang bakla at si Aron.. Numero uno ang mga yun.."

"Tsk.. tsk.." kahit halata sa kanya ang pagtawa. Pinilit nya lang itong itago sa kabila ng pagkagat ng kanyang labi dahil paparating na ang kanyang asawa. Hindi na maipinta ang mukha. "Mahabang usapan na naman ito.." huling bulong nya saka tumayo para salubungin ang naiinis na nyang asawa. Agad nya itong inakbayan saka inakay na sa loob. Paiinumin yata para di na mainis pa. Jaden already know how to handle his wife's tantrum. Alam nya kung paano uli ito paaamuhin.

"Kainis.. ako tuloy pinagalitan.. sya ang may kasalanan.. di ba nila iyon nakita?." isa pa to. Bagsak syang umupo sa upuang iniwan ni Jaden kanina. Galit na galit. "Lagi nalang mali si Lance at tama si Bamby. Nasaan ang pantay duon?." hindi tuloy mawari kung matatawa ba ako rito o uupo para gayahin din ang pagbubusangot nya.

"Say cheese.." bigla nalang. Naglakad ako sa harapan nya't sinabi ito. Matalim nya akong tinapunan ng tingin. Kahit ganun. Maraming beses ko pa rin syang kinuhanan. Ipapakita ko mamaya kung anong itsura nya pag galit. LoL.

Tahimik. Katahimikan ang namutawi hanggang hapon.

Galing na kami't grocery store at mall para sa handaan at lahat pero heto pa rin at tahimik silang magkapatid. Jaden is driving katabi nya si Lance. Habang kami ni Bamby sa likod naman. Kinalabit ko sya.

"Arcade muna tayo?." alok ko dito. Kunwari lang naman. I'll try if ano magiging reaksyon ng Kuya nya.

"Gusto ko yan.. kakabored dito.." parinig nya sa Kuya nya.

"Psh.. anong arcade?. Parating na ang mga tropa. Sinong magluluto?."

hay.. kailan kaya magkakasundo tong dalawa na to?. Sarap pag-untugin mga ulo nila. Nadadamay pati tahimik na tao.

Mabuti nalang nagsalita din si Jaden at sinabing saka na ang arcade para basagin ang nag-iinit na naman na paligid.

Dumating kami ng bahay. Halos, lahat na barkada nasa lood na. Nagulat kaming apat sa totoo lang. Kaya ang nangyari. Kaming lahat na rin ang nagluto at naghanda para sa hapunan.

"Lance, pare. Lalo kang pumogi ah." ani Poro rito. Katabi ko sya't karga nya naman si Daniel.

"Pero may mas pogi na sa kanya.." ani Winly na abala sa pag-aayos pa ng mesa. "Tignan mo naman. Yang pilik mata at labi ng Dan-dan. Pamatay na.. ugh!.."

Tinampal sya ni Bamby ngayon. "Wag kang maingay. May magagalit.."

"Sino naman?." takang ani Win dito. Inginuso lang ni Bamby si Lance. Na agad tumayo si Lance para habulin sya.

"Mommy!.." tawag nya pa sa Nanay nila. Natatawa. Tawang tawa ang lahat. Ang sabi'y, kahit may mga anak na sila't lahat. Gaya pa rin sila ng dati.