Chereads / No More Promises / Chapter 252 - Chapter 10: Catching up

Chapter 252 - Chapter 10: Catching up

"Dito na ba kayo titira ulit boy Jaden?." sa malaking pahabang mesa. Nakaupo ang lahat. Sa gitna ang bote ng iba't ibang klase ng alak. Pritong isda at ihaw. May letchong manok rin at fried. May tubig rin saka pipino at hilaw na mangga. May chitchirya pa. Uminom si Jaden. Naghintay din ng sagot si Bryan. Kaharap nya ito.

"Sa ngayon?. Hindi pa pre. May mga trabaho pa kami duon. Mahirap kung iwan nalang namin bigla." paliwanag din nya sa kaharap.

"Wala ba kayong balak mag-expand ng business dito?." si Winly naman ito. "Dahil, kailangan namin ng trabaho.. hire us please.." bigla ay sumang-ayon din ang lahat. I don't know what's happening to him but I can feel that he's going through hard times right now. Win sounded like joking but he seems serious about what he told. "Ang hirap mag-apply.. ang daming requirements.. kailangan pa muna ng maraming experience e experience nga yung hanap mo sa trabaho. Diba?. Ang weird.."

"Mag-abroad ka nalang kasi boy.. wala naman kasing madali dito satin.. kami nga e. Kahit may sariling negosyo. Mahirap pa rin. Marami kang kakumpitensya.. kung di ka talaga sasabay sa agos ng pagpapatakbo ng negosyo ngayon.. matik na bankrupt ka.." si Poro naman ito na may sariling resto bar. Mabilis naman ding sumang-ayon si Aron dito na ang alam ko. May sarili na ring coffee shop.

"Di rin naman madali ang negosyo sa abroad. Lahat kailangan mong gapangin para lang maakyat ang tuktok.." si Jaden ito na uminom muli sa kanyang baso. Bumulong si Bamby sa kanya. Si Knoa naman. Umakyat sa binti nya para magpakarga sa Tatay.

"Ibig lang sabihin. Kahit saan tayo mapunta. Mahirap talaga. Nasa sa'yo nalang kung paano mo ito haharapin.. ikaw ba Win, ganun pa rin ang Papa mo sa'yo?." ani Lance. Kinalabit ko sya para alamin kung anong meron sa Papa nito. Ang sabi nya lang. Lasinggero daw ito at ayaw sa tulad nyang bakla.

Yumuko si Win. Dumampot ng isang piraso ng pipino at isinubo iyon. "Ano pa nga bang bago pogi?. Ganun pa rin." mababakas ang lungkot sa boses nito.

"Pinalayas yan sa kanila.."singit ni Aron bigla. Natahimik ang lahat. Tahimik naman kaso naging tahimik pa ng sumingit na itong si Aron. Magkatabi sila ni Lance habang si Winly ay nasa tabi ni Karen na kanina pa walang imik. Di ko alam bakit. "At kahit kinamuhian na at halos itakwil.. hinahabol pa rin para sa gastusin nila. Nakakatuwa diba?." dismayado syang umiling dito. Halatang naaawa kay Win ngunit itinago nalang sa isang biro.

"Win naman.. bat di ka nagsasabi?." tumayo si Bamby para lapitan ito. Niyakap nya ito mula sa likod. "Ang sabi mo lang lagi. Ayos ka lang. Yun pala hindi na.." malungkot na saad ni Bamby dito. Hinawakan ni Win ang kamay nya at bakas sa mukha nya ang pagpipigil umiyak.

"Girl.. ayokong ipasan pa sa iba ang problema ko.. masaya ka sa malayo.. alangan namang sirain ko pa yun." suminghot na ito. Itinago pa ang mukha mula pagyuko para punasan ang luha sa kanyang mata. "Nahihiya akong magsabi sa inyo dahil alam kong lahat gagawin nyo para tulungan ako.."

"Malamang. Kaibigan ka namin.." si Ryan ito na pati sya ay hindi na makatingin ng diretso sa mata ng mga kasama sa mesa dahil nagpipigil ding umiyak. Paano nga ba napunta sa pagiging seryoso ang ikot ng usapan?. I guess. Naging natural nalang ito dahil na rin siguro sa mature na rin ang lahat. Tapos na ang paglalaro sa buhay at kailangan na talagang magseryoso. Tulad nalang ni Winly. Naaawa ako sapagkat nawala na yung sigla sa mukha nya. Napalitan iyon ng pagod, panghihina at katahimikan na nakakapanibago talaga. Sa lahat. Sya pinakamaingay pagdating sa ganitong reunion. Lagi syang masaya. Nagpapatawa. Kung anu-anong ginagawa para lang maging magaan ang damdamin ng lahat. Pero sa ngayon?. Biglang bumigat ng malaman na, nagagawa nya lang palang magpatawa para mabawasan ang bigat na dinadala.

"Hindi ko nga alam kung bakit nandito ako imbes na maghanap ng permanenteng trabaho.." umiiyak na sya ngayon.

"Andito ka, tayo para magsaya.." paalala pa ni Aron sa kanya pero umiling lang ito na may ngiti sa labi kahit puno ng luha ang mga mata nya.

Nakagat ko ang sariling labi. Si Lance naman. Naglinis ng lalamunan. Halatang ayaw ipakita na apektado sya. Halos lahat na rito. Naluluha sa sitwasyong meron sya. "Pasensya na kayo ha.. di ko na kasi kaya.." huling saad nya bago umiyak ng umiyak sa bisig ni Bamby. Tumayo si Karen para daluhan din sya. Ganun rin ang ginawa ko dahil di ko na kayang panoorin lang sya habang walang ginagawa.

"Tsk.. Yan na nga bang sinasabi ko sa'yo dati pa.. bakit di mo magawang maglabas ng sama ng loob?." sita pa sa kanya ni Bamby. She knows what's he's been going through. Alam nila. Sorry. Wala akong alam.

"Hayaan mo Win.. ano pang saysay namin kung di ka namin tutulungan?." tumayo si Aron para tapikin ang balikat nya. "Wag ka ng mag-alala pa. Bukas na bukas.. pumasok ka na sa shop.."

"Salamat.." sa kabila ng iyak nya ito sinambit. Basag pa nga ang boses nya. Buti. Tumigil na rin sya ng bahagya. Lumabas si Daddy at tinanong kung anong nangyari. Kinwento naman ni Bamby ang lahat. Bumagsak ang mga balikat ng matanda ng marinig ang kwento. Nalungkot din ito kaya siguro niyakap nya si Win.

"Don't worry.. kung wala kang matirhan.. dito ka na.. ang lawak ng bahay oh.." nung pinalayas daw kasi sya sa kanila. No permanent address na sya. Kila Aron sya minsan nakitulog. Nahiya din daw kaya umalis. Tas pumunta kila Bryan pero gaya nung kila Aron. Umalis din hanggang sa nagrenta sya ng maliit na bahay. Pero di nya rin nakayanin dahil sa dami ng bayarin. Idagdag pa ang pangtustos nya sa kanila. Kaya halo halo na.

"Tito, nakakahiya ho.." umayos sya ng upo habang kinakausap sya nito. Umupo na rin si Daddy sa upuan kung saan ang pwesto ni Bamby. Tabi ni Jaden at Knoa na nagpaalam para patulugin na ito.

"Anong nakakahiya?. Para ka na rin naming anak hijo. Kayong lahat rito naging pamilya na rin namin.." paliwanag nito rito habang tinatapik pa sa balikat. "Tsaka. Nahihirapan ka na pala. Tas hindi ka nagsasabi.. Paano ka namin matutulungan?.." dagdag pa nya. Yumuko lang si Winly. Na ang sabi ay. Nahihiya raw syang lumapit sa iba lalo na sa kanila.

"Isang barkada tayo Win.. kung mahirapan ang isa sa atin. Sabit na lahat.. Kung masaya ang lahat. Matik nang lahat yan.. ganun rin kapag kailangan ng isa ang tulong ng lahat. Kaya bakit ka nahihiya?." ani Lance na inilabas pa ang phone. Nagtipa sya duon.

"Pasensya na pogi.. nawalan lang ako ng lakas ng loob na magsabi sa inyo.. sa totoo lang.. hindi ko na alam kung saan magsisimula.. natakot na ako't sumuko.. dahil napagod na rin ako.. nakakapagod na.."

"Kung pagod. Magpahinga lang bakla.. Wag sumuko dahil sayang yang ganda mo.." I know Bamby is trying to lighten up the mood. Thank to her. "Malay mo.. sa pagsuko mo ay saka naman dumating ang swerte mo.. di ka ba manghihinayang pag ganun?."

Hindi sya nakaimik. Sa totoo lang. Walang nangahas magsalita.

"Lagi mong tatandaan." Hawak ni Bamby ang dalawang balikat nya habang kami naman ni Karen ay sa gilid. Magkaakbay din. Bamby's mode of being advisor is on. "Magpakatotoo ka sa sarili mo.. mahalin mo ang sarili mo. unahin mo ang sarili mo paminsan minsan. Hindi makasarili ang tawag dun.. it's self love.. dahil kapag minahal mo ang buong ikaw.. walang makakatibag na kung sino pa sa'yo.."

Halos pumalakpak ang lahat kay Bamby. "At, kapag tanggap mo ang sarili mo ng buong buo.. tatanggapin ka rin ng mga taong hindi marunong tumanggap ng pagkakaiba-iba ng mga tao.. laro ang buhay Win.. wag mong hayaan na sukuan mo nalang ito dahil hindi natin alam ang parating na regalo sa dulo ng pagkapanalo mo.."

"Whao!!.. Bamby!.." hiyaw halos ng lahat. Di na napigilan pa ang pumalakpak. Nagbiro pa silang, tatawagin ito kapag nasa isang kumplikadong sitwasyon sila. Tumango lang din naman si Bamby. Sabay sabi ng, "Let's enjoy this night. Okay?." tanong nya kay Win na matagal pang tumango. "Hayaan na ang bukas na darating.. cheers." kinuha nya ang baso nya. Binigyan nya rin si Winly ng baso na pinuno pa ng alak. Asar din. "Enjoy the night guys.. feel free to enter the house pag di na kaya.. open ang dalawang guests rooms. Wala ng uuwi kapag di na kaya ha?.."

"Whoa!. I love you Tito.. thank you.." lasing na nga si Bryle. Tinanguan lang sya ni Dad. Pumanhik na muli ito sa loob.

Naging maingay na muli ang mesa. Na ang usapan ay tungkol pa rin sa buhay ng lahat.