Chereads / No More Promises / Chapter 250 - Chapter 8: Patawad

Chapter 250 - Chapter 8: Patawad

"Bati na kayo?." tanong ni Lance. Pareho na kaming nakahiga sa kama. Habang si Daniel ay nasa silid pa ni Knoa. Naglalaro ang dalawa. Ginawa kong unan ang braso nya habang sya naman ay nagbabasa ng medical. book. Naguilty tuloy ako bigla. Paano kaya ang pasok nya simula noong umuwi sya dito?. Did he skipped?. O nagpaalam?.

"Yeah.."

Lumingon sya sakin. Curiosity plaster on his face. "Why you look so sad?. Galit ka pa ba sa kanya?." napaayos ako ng upo. Ginaya syang nakasandal lang sa headrest. Paanong malungkot ako?. Kasi naman. Ako yata ang dahilan kung bakit nauudlot lagi ang graduation nya. Sa totoo. I don't have any grudges to her little sister. Kahit naman di nya sabihin sakin. Lagi nya itong ipagtatanggol. But I can feel this time. He's in between us. Walang tama at mali samin. It's just my opinion or I guess, not.

"Never akong nagalit sa kapatid mo

You know that.." my voice almost crack. Di naman ako naiiyak pero basta nalang itong nabasag na para bang itlog na nabitawan.

"Never?." he repeats. Tinaasan pa ako ng kilay. Ayaw maniwala na di talaga ako nagalit.

Napaloob ko ang labi ko bago tumango. "Like. Kahit halos sabunutan ka na nya ganun?."

"Yes.. I understand her kasi.."

"Paanong naiintindihan mo sya?. E magkaiba kayo ng sitwasyon?." iyon nga rin minsan ang tanong ko e. Magkaiba kami ng rason pero laging pag-iintindi ang nasa isip ko. I have this principles in life. That, be kind to anyone who you encountered because you will never know if they are battling with their own war silently. Di ko magawang magalit sapagkat alam kong hindi ako ang pinakarason kung bakit sya galit. Iyon ang pinanghahawakan ko lagi.

"I choose to understand her despite our differences love. I know her too well. Hindi sya kumikilos ng hindi nag-iisip. Laging may rason ang lahat ng sa kanya. At laging may dahilan kung bakit nya rin nagagawa ang isang bagay na sa tingin ng iba ay mali. She knows what she is doing."

Mahina syang tumawa. "If she knows what she's doing, bakit ka nya sinampal noon?."

Inirapan ko sya kasabay ng isang palo sa braso. "Of course. Kuya ka nya. At yung bond nyong dalawa ay sobra. Nag-aalala lang sya kaya nya nagawa yun.."

"Oh damn baby!. ahahhahahahaha.." tawang-tawa sya habang hinahagkan ako. Tinulak ko sya.

"Bakit ba?. Totoo naman sinasabi ko e." giit ko pa rito. Tumango nalang sya kahit halata sa mukha nya ang gustong umiling. "Di mo kasi sya kilala.." dagdag ko pa. Na lalong naging dahilan ng paglakas ng kanyang halakhak nya.

"Say, girls will be girls. " dito na ako ngayon natawa. "Ano pa nga bang magagawa ko diba?. Kaibigan mo sya. And I guess. Marami kayong bagay na alam tungkol sa isa't isa na kayo lang ang nakakaalam."

"Haha.. Parang ganun na nga.." gigil nya pa akong hinalikan sa panga dahil sa tawa.

"How about the thing na nilihim natin sakanya yung about us?. Anong sinabi nya noon sa'yo?."

"Gago!. Pinagmumura ako.." walanghiya nitong hinawakan ang tyan. Hindi na panawan ng tawa. Binaba na nga ang hawak na libro kahit na iyon sana ang pagtuunan nya ng pansin.

"Naiintindihan mo ba sya sa lagay nyang yun?." halos di ko na mapakinggan ang sinabi nyang ito. Ayaw kasi paawat sa tuwa e.

"Yes." mabilis kong sagot.

"Talaga?." sinuntok ko kunwari ang tyan nya.

"No..." napahaba ang sambit ko rito.

"Hahahahahahahaha... hay..."

"Of course.. bakit na naman ba?."

"Ewan sa'yo.. hahahaha.." tumayo na sya't sinilip ang labas ng silid kung saan nakabukas ang pinto.

"Ang mahalaga. Bati na kami.. Periodt." pinal kong himig. Iyon naman ang pinaka-importante sa lahat. Kahit anupaman ang pinagdaanan namin noon at ngayon. Atleast. We ended that with smile on our faces. Newly accepting what's on our way now nang mayroon ang bawat isa sa amin.

"What about your studies?. Alam ba nila ang nangyari sa'yo?." kanina pa kasi ako kinikiliti ng bagay na to kaya naman di ko napigilan ang sarili.

"Nope. Nasabi ko lang sa dean nung lumabas na ako ng ospital."

"What?. How will catch up now?."

"Don't worry love. Hahabol nalang ako." tiwala din akong makakasabay sya sa graduation nila.

Kinabukasan. Kuya Rozen texted me. "Pasyal ako kay Ryle ngayon. Sama ka?." napaisip ako ng mabasa ang laman ng mensahe. I don't know if I have this guts to see him today. Di pa kasi naaalis sa mata ko kung paano nya noon itaas sa pader si Lance habang sakal ito at wala ng malay. I let his message hanging. Hindi ako sumubok magtipa ng tugon. Di ko rin natanaw ang sarili na nakatayo sa harapan nya na may rehas sa pagitan namin. My heart will automatically aches knowing that he's unstable mentally. He became obsess sa isang bagay na hindi kanya. Nakakatakot. "Ayos lang naman kahit hindi na." he added.

"I'm sorry Kuya, Di ko pa kaya.." yan ang naging tugon ko na galing yata sa pinakailalim ng aking puso. Mabilis dumating ang reply nya.

"I understand. Mali palang tanungin ka. I'm sorry. I know it's hard to forgive what he did to you." buti alam nya. "Sana rin. Sa paglipas ng panahon. Mapatawad mo rin sya."

"Darating ang oras at araw para duon Kuya. For now. Let him know na kailangan nyang magpagaling at bumalik sa dating sya para makausap ko na sya."

"Makakarating. Thanks. Regards to Daniel.." nagising si Lance at kinwento ko ito sa kanya. Hjs eyebrows creased. Sabay sabi ng. "Don't ever come near him Joyce. Hindi mo siguro ako mapapatawad kapag nalaman kong nilapitan mo sya." I get where he came from. Sino namang di magkakaroon ng trauma diba?. He was nearly on the door of death because of my brother. I can't blame his anger. I don't have the guts to question him. I know what he's been through. At maging ako naman ay sang-ayon sa gusto nya.

"I promise love." yakap ko sa kanya para kumalma. Di man sapat ang isang yakap ko. Nawa'y maginhawaan sya kahit papaano.

Related Books

Popular novel hashtag