Chereads / No More Promises / Chapter 249 - Chapter 7: Sorry

Chapter 249 - Chapter 7: Sorry

"Bukas hija. Sumama ka samin para maayos natin ang mga papeles nya for filling. Matagal kasi ang proseso ng bawat isa lalo na kung bata." ani Tita. Parang nagdalawang-isip pa kung titingin sya sakin o kay Lance nalang.

"But Mom. Diba mas madali if we put our marriage contract then me living there na?." sumingit itong si Lance. Mukhang nahulaan din agad ang nasa isip ko while he's staring at my eyes.

"Iyon nga din naisip ko eh. Mapapabilis ang processing Kuya kapag kasama ka nila." si Bamby naman ito. Himalang nagsalita ito. She looks at me a little bit pero umiwas na din agad ng tignan ko din sya. I don't know why she looks so shy for me. Para sa akin na kasi. Wala na yung ginawa nya. I get it. On her side. Masakit yung nangyari sa Kuya nya. Sana wag nyang isipin na masama pa rin ang loob ko sa ginawa nya dahil ang totoo. Naiintindihan ko sya. Walang tama at mali sa nangyari. Ang tanging alam ko lang ay nag-aalala sya sa kanyang kapatid.

"Why don't you use your connections here Jaden?." Tanong ni Lance sa asawa ng kapatid nya. "Para mas lalo pang mapabilis.." habol pa nya rito.

Tumikhim si Tito. Saka binitawan ang hawak na kutsara at tinidor. Tapos pinatong sa mesa ng dalawang siko. Duon nagsalikop ang mga kamay nya. "Bakit nyo pinapabilis ang lahat?. Ayaw nyo bang magtagal muna rito?."

"Oo nga Dad.. Nandito na nga tayo diba?. Why can't we enjoy this vacation first habang nilalakad ang papers ni Dan-dan?." suhestyon nito. Agarang sumang-ayon si Tita rito. Habang itong mag-asawang Jaden at Bamby ay nagbulungan pa.

"Pero Daddy?. What about our work?. Si Jaden. Alam mo naman–.." nabitin pa ang akmang sasabihn nito ng magsalita na si Tito.

"Ayaw nyo bang asikasuhin yung lupang bibilhin nyo rito?."

"Of course. We do." si Bamby pa rin. Para saan kaya ang lupa?. Baka dagdag para sa negosyo nila.

"That's it. Use that as an alibi para dumito na muna tayong lahat. Jaden hijo?. Kaya mo bang magtrabaho through online muna?." kinausap nito ang asawa ng anak.

"Hmm.. maybe Dad.." nagdadalawang-isip syang sambit.

"Kaya mo yan. Isang buwan lang naman. Masyadong mabilis. What about you Mark?. Yung asawa at anak mo?. Is it okay with them na ikaw lang tong umuwi?." naiwan din kasi sa Australia ang mag-iina nya. Nagtaka nga rin ako bat di sila sumama.

"Cindy texted me yesterday. Susunod din daw sila dito Daddy. They want also a vacation.."

"Wow!. that's a great news.. why not we throw a party for a reunion diba?. Tutal andito tayong lahat.." si Tita na ito. Pumalakpak pa.

"Gusto ko yan Mom!.." masiglang itinaas pa ni Bamby ang kanang kamay. Natawa tuloy kami.

"Excited na ako.. Then, we will invite your family hija.." si Tito na ito. Di ko inexpect ang sinabi nya. As in. Wala sa isip ko na darating ang oras na ganito. I mean. Nagkausap naman na ang magkabilang pamilya subalit parang bago sakin ang pakiramdam. Nakakabigla.

"Ho?." gulat talaga ako. Excuse me.

"What?." si Bamby.

"Mind your words Bamby. May mga bata tayong kasama." ang Kuya nya ang sumaway sa kanya. Wala namang mali sa naging tanong nya. Ang mali lang ay ang kung paano sya nagreact. Pati kaya sina Knoa at Dan-dan. Napatingin sa kanya kanina. Taka ang mababasa sa mga mukha nila.

"Baka kasi matagalan na kayo sa abroad if ever na duon na kayo tumira kaya naisip ko lang na imbitahan na sila. You know. To make a good moments." paliwanag pa nya. Sabagay nga naman. We don't know kung kailan din ang uwi at balik namin pagtapak na namin duon. Tito has a point here.

"Sige po." sang-ayon ko nalang. Tumayo na din si Tito dahil tapos na rin ang tanghalian. Nagpaalam na din si Tita na maliligo na raw dahil may lakad itong pupuntahan. Ganun din si Kuya Mark na ang sabi pa, may part time job daw syang gagawin ngayon. Sayang daw kung tatanggihan nya nalang ito. Tama naman. Si Lance ay sya ang umakay sa mga bata habang si Jaden ay sinagot ang tawag mula sa opisina nila. Kaya naman. Naiwan kami ni Bamby sa hapag.

At first.

It was so awkward. Tahimik. Pareho lang kaming kumikilos para magligpit. Pumupunta ng sink tas pabalik kami. Hanggang sa naayos na ang mesa at sa sink naman ang sunod na gawain. Nauna akong naglinis ng mga plato. Kalaunan ay tumabi. "Ako na ang magsasabon." she presented. Nagulat ako. Di ko lang pinakita sa kanya.

"Ayos lang ba sa'yo?." sagot ko na rin. Baka kasi pag di ako nagsalita. Iisipin nya pang galit ako sa kanya.

Niligon nya ako. "Oo naman. Ano ka ba?." may ngiti na rin sa labi nya.

Natigilan tuloy ako.

"Di ka na galit sakin?." out of nowhere. Lumabas nalang ito sa bibig ko. Gusto kong magtago bigla. Kumunot ang noo nya. Nawala rin ang ngiting suot nya kanina.

"Oh no!. Sino naman ako para magalit sa'yo?. No!.." oa nyang sambit. Gusto kong matawa dahil unti-unting lumalabas ang dating sya. How I miss her this way.

Di ako nagsalita. I think may idadagdag pa sya kaya hinayaan ko nalang ang sarili kong pakinggan sya. "You mean, dahil sa sinampal kita noon?." she knows what she did. Still. Di pa rin sya nagbabago. Kilala nya pa rin ang mga kilos nyang hindi akma minsan. Marunong talaga. Mariin naman akong tumango. Kagat ang labi upang itago ang ngiti na gustong kumawala. "You know what?. I'm so sorry about that. Di ko talaga nakontrol ang sarili ko."

"I know.." maikli kong tugon.

"Di ka galit sakin?." balik tanong nya sakin. Umiling din ako. "Why?." she added.

"Of course. I have this little tampo but who am I to get mad at you?."

"Ahhhh..." bigla nalang nya akong niyakap kahit mga basa at may sabon pa ang pareho naming mga kamay. "I'm sorry bestie. Honestly. Di ko talaga alam kung paano hihingi sa'yo ng tawad e. Buti nalang. Nakusap na kita ng ganito. Makakahinga na ako ng normal." she added also na, lagi nya raw kinukulit si Kuya Lance nya na ihingi sya ng tawad sakin. Tas kwento nya pa. Heto naman tong kapatid nyang sutil. Ang sinabi nya lang dito ay, "Bakit ako pa ang hihingi ng sorry?. Ako ba may kasalanan?." pareho nalang kaming natawa dahil alam naming dalawa na minsan, ganyan yang si Lance. May mga oras at araw na di mo sya maintindihan.

"Sorry din." bulong ko sa tainga nya. Nakiliti sya't tinampal pa ako. Paulit-ulit tuloy na nyang sinasambit ang sorry sakin.

It was both a big relief to both of us. Ako. Magiging payapa na ang puso ko. Sya naman. Magiging tahimik na ang isip nya. Pareho na kaming makakatulog ng maayos ngayon.