Chereads / No More Promises / Chapter 248 - Chapter 6: Migrate

Chapter 248 - Chapter 6: Migrate

"Be careful.." inalalayan ko si Lance na maglakad kahit halata naman sa kanya ang magaling na. Tumaas lang ang isang kilay nya kasabay ng pagngiwi ng kabila nyang labi. Meaning. He's really teasing me. "Tsk. Bahala ka na nga." iniwan ko sya nang nasa loob na kami ng bahay nila. His family is busy fixing his stuffs while Kuya Rozen is with Daniel. Nakasunod lagi sa likod ko. They keep on talking like they haven't seen each other for a year. Na hindi naman dahil halos magkasama na sila simula pa kahapon.

"Gutom na ako. Wala bang makakain man lang?." tumabi sakin si Kuya habang karga si Daniel. Siniko nito ako pailalim para ibulong ito. Lance is just on the other side. Baka marinig daw nya.

Kumuha ako ng isang baso ng tubig at nilapag sa harapan nya. "Magtubig ka na muna." napatingin tuloy sakin si Lance tas kay Kuya.

"Why?." he ask now. Curiosity hits him. Mariin kong itinikom ang labi nang tapunan ko ng makahulugang tingin si Kuya.

"Gutom na daw." dito ako namaywang na para bang napakalaki ng kanyang dalang problema.

Marahang napatayo itong asawa ko habang kunot ang noo nito. "Why?. Halika kayo sa kusina. I'll cook.."

"No!." halos sabay naming pigil ni Kuya sa kanya. Sya magluluto?. Sus ginoo! Kakalabas nya ng ospital tas salang agad sa kusina?. Nagbibiro ba sya?.

Tanaw mula sa sala ang enggrande nilang hagdan. Kita kung sino ang bababa rito. "Anong meron dito ha?." and his Kuya look at us. Confused. Natahimik kami bigla. Yung maliit na daing ni Kuya. Lumaki bigla. Naku naman kasi!.

"Wala bang nagluto dito?." frustrated nitong tanong sa kapatid. Bumaba na si Kuya Mark. Nakapamulsa. Nagtataka nito kaming nilapitan.

"Kanina pa nakahanda ang hapunan. Bakit?."

"Gutom na ako e." rason nalang ni Lance sa kanya.

"So let's go eat then.. Gutom na rin ako eh." anya. Not knowing that it's not his brother who are hungry, but us. "We're gonna eat Dan-dan.." di ko na napansin na binaba na pala ni Kuya ito. Hawak nalang sa kamay. Naglilikot ang mata. Nagtataka siguro kung nasaang bahay sya o kanino ito. Inakay ng Kuya nya si Daniel patungong kusina nila. "Mauna na tayong kumain. Mukhang walang interes sila Mom eh." anya pa.

"Anong walang interes?." nagulat nalang kami. Nakasunod na pala ang mga ito samin. Si Tita ang nagsabi nito. Kaakbay ni Tito. Habang si Bamby, kasabay maglakad sina Jaden at Knoa. "Gutom na din kami noh." anito na sa apo mismo tumabi. "Knoa, come sit beside us." tinawag nito ang panganay na apo. Di naman ito agad naglakad.

Not until his Daddy commanded him. "Sige na boy. He's your cousin. Tito Daddy's son. His name is Daniel." paliwanag pa nya rito para maintindihan ang nangyayari. Di ito agad gumalaw. Hanggang sa si Mommy na nya ang umupo para ipaintindi muli ang sinabi ng kanyang Daddy. "Knoa, Tito Daddy has a son to Tita Joyce. And his name is Daniel. He can be your playmate.." masayang anito sa anak.

Duon an lumiwanag ang mukha nito. "Really Mommy?. He can be my playmate?. How long we're gonna stay here?." Bata ba sya?. Bat ang mature ng isip nya?.

"It's depends on your Daddy's schedule baby."

"Dad. Can we stay here muna?."

"Let's see boy.." sagot ni Jaden sa anak.

Humaba ang nguso nito sa Daddy. "I want to play with Dan-dan, Dad. Please..." pinagdikit pa ang mga palad para lang pagbigyan sya.

Walang ibang nagawa si Jaden kundi ang tumango nalangsa bata. Alam kong busy ito at anumang araw mula ngayon ay maaaring alis na nila. Siguro ganun. Di ko din kasi magawang tanungin si Bamby dahil awkward pa rin yung nangyari noon samin sa ospital.

Umupo na kami. Si Tito sa punong upuan. Kanang bahagi si Tita na katabi si Bamby at ang pamilya nito. Kaharap naman ni Tita si Kuya Mark na katabi si Lance tapos si Daniel na at ako.

Kumakain na ang lahat ng magsalita si Tito. "Hija, nakausap ko na ang Daddy at Papa mo." panimula nya. Natigil ang kutsarang isusubo ko na sana. Binaba ko Iyon bilang respeto.

"Po?." tanong ko dahil wala akong ideya sa napag-usapan nila.

"Pumapayag silang sumama ka sa amin abroad." di na ako nagulat pa. It's like a relief. Para sakin kasi ang pahintulot nila ay parang stepping stone ko na rin to do what should I do. To chase what's matter for me, myself and my family. Papa and Daddy didn't say anything about my choices and decisions in life. Tanging ang paalala lang lagi nila ay ang alagaan ko ang sarili bago isaalang-alang ang iba. Dahil daw kapag minahal mo ng buo ang sarili mo, susunod na lahat ng gusto mo. And I approve to that.

"Pero po, matagal pa po ang proseso hindi ba?." iyon kasi ang pagkakaalam ko. O baka mali ako ng akala. Ewan ko lang.

Sumubo si Tito. Naging tahimik ang dating maingay na mga kutsara. Noon ko lang din napansin na lahat na pala ay nakikinig na sa amin. Tanging mga bata lang ang nakatutok sa kani-kanilang mga plato. "Let's say, my son has an advance mindset." anya, na laking pinagtaka ko. Gumewang ang ulo ko sa pagkalito. "He already filled your migration." already?. Talaga?. Paanong naging advance sya mag-isip?. Nahulaan nya bang darating ang araw na sasama kami sa kanya?. How amazing!

"Hahahahaha.. smooth nun brother ha.." maging si Kuya Mark ay namangha.

"Nice move bro.." si Jaden naman ito na nagthumbs-up pa.

"At?." si Tita ito. Isa ring nag-aabang kay Tito.

"Approved na." ngiti na nya sakin.

Pero ako. Nagdadalawang-isip pa rin dahil ako ang sinabi nyang naapruban na. What about Daniel?. Maiiwan sya, ganun ba?. No way!.

"Kaso po, si Daniel?." paano po sya?. Idudugtong ko pa sana itong tanong na isa subalit naisip kong wag nalang pala. Maiintindihan din nila siguro ako dahil parents na din sila. Sana nga.

"He'll follow naman."

Ano?. Hindi pwede. So, ibig sabihin, ako palang ang may visa?. Kung ganun. Hihintayin ko nalang ang anak ko. Ayoko syang iwan sa kahit na sino.