Chereads / No More Promises / Chapter 245 - Chapter 3: I miss you too

Chapter 245 - Chapter 3: I miss you too

Umiiyak ako hindi dahil sa sakit ng sampal ng ginawa ni Bamby. I'm crying silently because of the judgement that I don't deserve. Sino bang tao ang gugustuhing mapahamak ang taong mahalaga sa kanila?. Wala hindi ba?. Naisip ba nila na hindi lang si Lance ang nagdusa rito?.

"Calm down.." malapit ko ng di marinig ang boses ni Kuya Rozen dahil sa hina ng pagkakasabi nya nito.

"Walanghiya! Hindi man lang nila inisip ang mangyayari. Paano nalang kung nawala si Kuya?!." galit pa ring himig ni Bamby. Katabi na nito ang Mommy nya. Kuya Mark is standing behind her. Habang ang Padre de Pamilya nila ay tahimik lang na nagmamasid sa paligid.

"Tama na please.." sinuway sya ng panganay nila.

Pero, mukhang sarado na ang isip nitong makinig sa sasabihin pa ng iba. "Paano ako tatahimik dito Kuya?. Muntik nang mawala sa atin si Kuya.." nabasag na rin ang boses nya. Kuya Rozen trying so hard to calm the tears in me pero hindi ito paawat. Patuloy pa rin ito sa pagbaba saking pisngi.

Tuluyan na nga itong umiyak. I saw how his brother hug her. "I know. Kung mas nasaktan ka sa nangyari. Lalo na yung asawa't anak nya diba?." my heart skip a bit when he glance at me. Tinatapik pa nya ang likod ni Bamby. "Walang may gusto nito okay?. Kaya wag mo na ulit gagawin yung ginawa mo kanina ha?. Think before you act.. Wag mong isisi sa iba ang hindi nya kasalanan." nakagat ko ang labi sa narinig. Bahagya ring gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi ng panganay nila.

"What if Kuya-."

Mabilis syang pinigilan ng Kuya nya.

"Ssshhhhh.. hindi naman nangyari diba?. Kaya bakit ka pa nagagalit?. We don't have the right to be mad to someone. Dapat pa nga tayong magsalamat dahil he's alive and recovering Bamby. Try to put yourself on her shoes. Hindi madali ang sitwasyon nila."

Sa ngayon. Napalunok ako. Tumigil na rin ang luha saking mata. Inabutan na rin ako ni Kuya ng bottled water. "Rinig mo yun?. Walang may kasalanan. Kaya wag mo na rin sisihin ang sarili mo."

Hindi ako tumango o umiling sa kanya sapagkat nalilito pa rin ako. Sa kabila kasing isip ko. Kasalanan ko ang lahat. Lalo na ng kapatid ko. Ngunit sa kabilang banda naman. Tama sila. Walang may gusto at kasalanan nito.

After a minute. Dumilat na nga sya. Mas naging maingay ang iyak ng bunso nila. His parents are just hugging each other. May luha sa gilid ng kanilang mga mata. Habang ang panganay nila ay pilit pinapatahan itong bunso nila.

Gustuhin ko mang tumayo. Tumakbo palapit sa kanya ngunit kingwa! Naubos ang kapal ng aking mukha upang makipag-agawan sa atensyon nya. Tiniis kong wag nalang sapawan ang kanyang pamilya. They have the right. Ako?. Siguro. Di ko din alam kung meron, pa. Ewan! Kaya kumplikado.

Gumalaw ang ulo nya't parang may hinahanap. "What is it?." ang Kuya nya ang nagsalita.

Kinalabit naman ako bigla ni Kuya. "Uwi na muna tayo. Baka hinahanap ka na ni Daniel." bulong pa nya sakin. Matagal bago ko sya sinang-ayunan. Inayos ko ang sarili ko gaya ng sabi ng kapatid ko. Kung kaya't hindi ko napansin ang nangyayari sa paligid ko.

"Your wife?." dulo ng boses ni Kuya Mark ang dinig ko. Napalingon ako sa gawi nila. Napalunok din ako ng di oras. They are all looking at me now. Pwera lang si Bamby na di tumagal ang tingin sakin. Nahiya siguro. "She's here." dagdag pa ng kapatid nya. Duon na rin nya ako natagpuan. Agad nag-iba ang itsura ng kanyang mukha. Pagmamakaawa at pagsusumamo. He opened his mouth. Masyadong malayo ang agwat namin kaya di ko napakinggan ang binulong nya sa Kuya nya. "Si Daniel?." Ani Kuya Mark. Pagtataka ang mahihimigan sa boses nya. "Who is he?." tumingin sya sakin. Asking me who is he referring to.

I don't know how to react.

"Where's my son?." lalo na akong natulala.

Katahimikan ang sumunod na nangyari. Para bang may dumaan na anghel sa pagitan namin. "Daniel is with his Lolo Daddy. Sya na muna ang tumingin sa kanya habang nandito si Joyce." paliwanag ni Kuya. Mabuti nalang sya na ang nagsabi dahil ang totoo. Umurong ang dila ko dahilan para hindi ako makapagsalita. Yung tapang na inipon ko ng matagal na panahon para magpaliwanag sa kanila kung sakali, natunaw nalang basta. Nilipad nung malakas na sampal ni Bamby.

"Your son?." dito lang ako tinignan ni Tita sa mata. Ngayon lang din sya nagsalita.

"Your grandchild. Yes.." naging boses ko na talaga si Kuya. Thanks to him. Kung wala siguro sya ngayon. Baka iisipin na nilang di na ako marunong magsalita.

"Oh my God!. Dad, we have a new son.." niyakap nito ang asawang tumatango lang sa akin. "Can we see him?." his Dad asked me for the first time today.

Mariin kong pinaloob ang labi at binasa bago tinignan si Kuya. Asking for his opinion. He nodded at me. Kaya di na rin ako nag-isip pa. "Kukunin ko nalang po sya. I'll bring him here."

"Good idea Joyce. Gusto ko rin makita ang pamangkin ko." singit ng panganay nila. Naexcite bigla.

Tumayo ako para maghanda na sa pag-alis ng pagilan ako ng boses nya. "Babalik ka?." pakiramdam ko, uminit ng husto ang mukha ko sa naging tanong nya. Susme! Dinig pa ng buo nyang pamilya.

Naging matunog ang paglunok na ginawa ko. "Yeah. Babalik ako. Kukunin ko lang si Daniel. I'll be back asap." I assure him para di na sya mag-alala pa.

But.

"Natatakot ako." habol nya bigla. Napatingin tuloy ako sa kanya. "Na baka, di ka na bumalik pa." matagal nagtitigan ang aming mga mata. Humakbang ako patungo sa tabi nya at hinawakan ang kanyang kamay. I don't care who sees us anymore. All I care is him and our little family. "I promise. Babalik ako. Kasama na ng anak mo. Kaya magpahinga ka na muna. Wag matigas ang ulo." humigpit ng bahagya ang hawak nya sa kamay ko. Without a blink. Hinalikan ko sya sa kanyang noo. I can't help it. "I miss you so much. This time, running away is not my thing anymore. You and my Daniel is my most priority today. Remember that, okay?." tumango naman sya. Mabagal nga lang. "I have to go. I'll be back." ngumiti sya ngunit kaunti lang din dahil hindi pa ito masyadong magaling.

Naglakad na ako patungo sa pintuan kung saan kanina pa nakatayo si Kuya. Nakabukas na iyon at ako nalang ang kailangan para maisara ito. "I miss you too.." sa pagitan ng paghakbang ko mula sa labas at ng loob. Inihabol nya ito. Dito na rin isinara ni Kuya ang pinto. A bitter sweet smile plastered on my face.

"I'm so proud of you." anya kasabay ng pag-akbay nya ng makita na yumuko ako upang itago ang luhang dala ng galak at saya. Finally! I did something na para sa akin, ikakataas ng noo ko kahit puno ng luha ang mga mata ko.