Chereads / No More Promises / Chapter 246 - Chapter 4: Thank you

Chapter 246 - Chapter 4: Thank you

Pagkarating ng bahay ni Daddy at ng bago nitong kinakasama. Sinalubong agad ako nitong si Daniel na patakbo pang nagpabuhat sakin. "Mommy, is Daddy okay?."

My heart beats so fast. Kung gaano ito kaexcite nang sambitin ang salitang 'Daddy'. Ganun rin kaganda ang kanyang ngiti. Pinisil ko iyon dahil do ko na napigilan pa. "He's okay baby. You wanna see him?." habang buhat sya. Naglakad ako patungong kusina kung saan andun din si Kuya na kasalukuyang kaharap ang nakabukas na ref. "Wala bang alak man lang dito?." anya na para bang ako ang may-ari ng bahay. Hinayaan kong umupo si Daniel sa pasamano. Pareho naming pinapanood lang ang ginagawa ni Kuya Rozen. Tas Nagkamot pa sya ng ulo ng walang naispatan na alak. "Si Tito?. Umalis ba?." he ask me. Tumaas tuloy ang kilay ko dahil pareho lang din kaming kakarating lang. Why ask me?. Si Daniel at yung kasambahay lang ang nadatnan namin dito. Wala sila Dad.

"I guess so." kamot nito ang ulo sa sinagot ko. Saka nagpaalam na bibili nalang raw sya sa labas. Hinayaan ko nalang rin dahil alam kong paraan nya lang iyon para ibsan ang kaba at pressure na naramdaman nya kanina. Kung alak ang stress reliever nya. Ako naman, si Daniel. Konting haplos lang nya. Solve na ako. Tunaw lahat ng problema ko.

"Naligo na ba ang baby ko?." inamoy ko ang magkabila nyang kili kili kaya napayuko ito. Pinakaayaw nya kasing gawin ko ang ganun sa kanya. Ang reklamo pa nya. I smell good Mom. Not stinky. Yan ang tamang word o phrase nya. Tinatawanan ko lang sya pag ganun lagi ang lintanya nya.

"Tapos na po." anya. Umiiwas sa bawat pinupuntahan ng ilong ko. "Mom?. Stop it." kulang nalang itulak nito ang mukha ko para di mapalapit sa katawan nya.

"Bat amoy asim ka pa?." saad ko lang kahit na ang totoo ay, amoy baby powder sya. Hindi nakakasawang amuyin.

"Mommy?." humaba na ngayon ang nguso nya kaya huminto na rin ako. Baka kasi di na ito pumayag lumabas kapag kinulit ko pa sya ng sobra. As what he requested. Huminto nga ako pero hindi ang titigan sya sa mukha. "Why are you staring like that Mom?. You look like zombie." matatawa sana ako kaso hindi ko alam kung paano. Gaya nga ng sabi ko kanina. Baka biglang magbago ang mood nya't di ko na mahila patungong ospital. Nangako pa naman akong idadala ko sya duon.

"You look exactly your Daddy.." maging ang hulma ng ilong nya. Kuhang kuha ang kay Lance. Hindi pango. Di rin naman matangos. Sakto lang sa hulma ng kanyang mukha. Maliit na pabilog. Lalo tuloy itong gumwapo sa tuwing lumalabas ang kanyang bilo.

"Really?." pati mga mata nya. Nakangiti na sa narinig.

"And your Tito Mark and Lolo Daddy." dagdag ko pa. Ang lakas talaga ng dugo ng isang Eugenio. Kahit saang anggulo. Mukha nila ang nakikita ko.

"Tito Mark?. Lolo Daddy?." anya. Nanlaki ng husto ang kanyang mata. Oa na naman. Ganyan yan pag may naririnig syang bago o tao na related sa kanya. Sobra syang excited na makilala kung sino ang mga ito.

Malaki ang ngiti sa labi ko syang tinanguan. "Yes baby. Your Tito Mark is Daddy's Kuya while your Lolo Daddy is your Dad's Daddy.." ewan ko kung naintindihan nya ba ako o hinde dahil gumewang lang ang kanyang ulo. "You'll understand me if you saw them later." at pagkatapos ko ngang sinabi yun. Gusto na nya agad pumunta dun. Kahit halata pa sa mata nito ang pagkaantok. Gutom at pagod. Di pa rin nya ito ininda.

"Let's go Mom." hinila na nya talaga ang kamay ko para makaalis na kami. Kaso paano nga?. Kuya is still drinking with his lovely liquor. Sya ang driver kaya di kami makaalis kahit magpumilit pa sya.

Umabot pa ng isang oras kaming nag-antay kay Kuya bago nya tapusin ang kanyang session. "Tito, faster please." hirit pa ng bata. Minsan pa nyang tinungga ang bote ng red horse bago tumayo. Daddy is not yet home. Gabi na iyon uuwi. Alam nyo na. Abala sa trabaho at lovelife.

And when we got arrived. Natahimik na itong bata. Kanina lang. Ang daldal nya. Ang dami-daming napapansin a daan. Ngayon namang malapit na kami. Napagod na. "Are you excited Dan?." hawak ko ang kamay nya ng maglakad kami. Nasa gitna namin sya ni Kuya.

Tiningala nya ako. "I am Mom." yung akala kong naubos nyang enerhiya. Hindi pala. Dahil naging tahimik lang pala sya't ayaw lang magsalita.

At sa third floor. Male's ward. Pumasok na kami. Nagpabuhat na rin sya sakin. Kabado rin sya. O kaya'y takot. I don't know why. O baka nahihiya. Ewan ko lang din sa lahat ng nabanggit ko.

Sa loob ng silid. Kasalukuyang nakahiga si Lance habang nasa paanan nya si Tita. His Kuya is on the bench near his bed. Nagbabalat ng mansanas at orange.

"Oh?." namilog ang labi ni Tita ng masilayan kami. Di makapaniwala syang tumingin sakin bago tinapunan ng tingin ang karga karga ko. "Mark?." bulalas nya sa pangalan ng panganay na anak. I don't see her husband and Bamby. Mukhang umuwi ang mga ito para magpalit o magpahinga. Napatayo din si Mark. Halos sabay sila ng Mommy nyang lumapit samin. Humigpit bigla ang hawak ni Daniel sa leeg ko. "Why baby?." tanong ko rito. Eksaktong nasa harapan ko na sila. Ang pareho nilang mukha ay parang nakakita ng isang malaking himala sa di inaasahang pagkakataon. Nakaawang ang labi ni Tita habang di naman kumukurap ang mata ni Mark. It's like. They are asking themselves kung totoo ba itong nakikita nila p hinde. "Dan, meet Daddy's Mom and Tito Mark.." pakilala ko sa bata. Maging sya ay parang natigilan. Tinatantya kung ano rin ang susunod na gagawin ng aming kaharap.

"My God hija. He looks like Lance?." sa wakas. Nakapagsalita na rin si Tita. Hindi ko nga lang matanto kung tanong nya ba ito o nasabi nya lang.

"I feel like I saw myself through him Mom.." si Kuya Mark naman ito. Na sinang-ayunan agad ng Mommy nya.

"He's just like you when you're on that age son."

"Lance Jr?.." kinuha na sya ni Mark sakin at inikot-ikot. "My goodness Eugenio!. May magpapatuloy na sa lahi ng mga gwapo.. ahahaha.."

"Tsk!." Mommy nya ito na tumawa pagkatapos umoo rin. Ganun din sj Kuya na nakangiti lang sa tumatawang si Daniel.

"Mahulog Kuya. Psh!.." di ko alam na gising na pala sya. Sininghalan nito ang panganay.

"Uy!. Nagising na ang Sr. hahahahahahahaha.." biro nito sa kapatid na pinilit umupo kaya nagmadali din akong umalalay sa kanya. "Wag ka ng umangal. May mas gwapo na sa'yo. Hahaha." dagdag hirit pa ni Mark. Mabilis din sumang-ayon si Tita dito at kinuha ang bata sa anak. Niyakap nya ito't pinaulan ng halik sa buong mukha. Lance is just looking at them. Smiling from ear to ear.

"Thank you.." bumulong ako sa kanya while he's busy watching them. Abala naman ang mag-ina at si Kuya na kulitin at tanungin ang bata sa kung sino ang mas gwapo sa kanila.

Kinagat ni Lance ang labi nya bago rin ako hinila pa lalo palapit sa kanya. "No. I should be the one to thank you." nakiliti ako.

"No. Hindi magiging possible ang imposible if not because of you." totoo naman. Hindi mabubuo ang isang bagay kung wala ang itinanim nya rin. We tried. We believe. And we hope. Until the imposible turn into posible.