Chereads / No More Promises / Chapter 222 - Chapter 21: Just like that

Chapter 222 - Chapter 21: Just like that

My wife called me that night. Ang sabi nya. Kinausap raw sya ng kapatid nyang si Ryle. Sinabi nyang hindi raw ito payag sa gagawin namin. "Anong gagawin natin ngayon?." nag-aalalang tanong nya. I'm currently biting my pen habang ang mga kamay ay abala sa pagmamarka ng mga kailangang tapusin this week. "He's that pretty upset Lance. Ayaw nya talagang ipursue natin ito.." she sounded like she's losing hope.

Binitawan ko ang kulay berdeng marker saka nagsalita. "Your parents, ano bang sabi nila?." I hope na gaya ni Rozen. They both are willing to give us their blessings.

I heard her deep sigh. Mukhang ang inakala ko ay mali ata. "Papa is like Kuya Rozen. But Mama is with Ryle. They both disagreed about it."

Di na rin ako nagtaka pa. She's right. The trails and opinions of her older brother is like her father. Light and open-minded. Not like her other brother also with her Mom?. They are the critics and the always contrary to the family. Napansin ko lang din naman ito sa pagdaan ng panahon. Di ko man sila lubusang kilala o kaclose ng sobra. I have eyes to see all their actions. I have ears too to hear who they are.

"What about you?. Gusto mo bang ituloy natin ang adaption?." kasi para sakin. Their thoughts are not that important. Gaya nga ng sabi ni Bamby. Kung pwede. Sana. Hindi kami dapat magpadala sa kung anong sasabihn ng iba. They are just there to support us not to exploit and lead us into wrong decisions.

Natahimik ang linya nya. Bagay na ikinatakot ko bigla. Why this awkward silence visits me?. Pakiramdam ko tuloy. Nagdadalawang-isip pa sya kung she'll pursue it or not anymore.

Sinubukan kong magsalita. Gustong itanong kung bakit sya natahimik but I guess. I have to stop and keep my mouth shut also. It's a sign Lance that she's still thinking twice. Don't ever bother to question her now dahil naguguluhan na sya. Pero bakit?. Akala ko ba gusto nya ito?. Nagpag-usapan na namin ito. Napagdesisyunan na noong andito sya. Why changing decisions?. Hindi nya ba naisip na hindi ninuman sa mga pinapakinggan nyang bulong ngayon sa tainga nya ang makapagbibigay sa kanya ng saya. It's just her. Ang sarili lang. Wala ng iba.

Isang mahaba at nakakabinging katahimikan ang dumaan sa amin. As in. Walang nangahas na magsalita kahit parehong gustong tanungin ang isa't-isa.

I close my eyes. Teary eyed. Lihim kong kinagat ang ibabang labi upang pigilan ang sarili na magsalita.

"I'm sorry. Di ko lang maiwasan ang mag-isip." sya na rin ang bumasag ng pader na itinayo nya para samin.

Yung mga binasa ko kanina at babasahin palang na kailangan sa aming praktikal lesson. Nabura agad. Di ko alam kung saan sila napunta. Mas pinili ko ang manahimik na muna. It's not that I don't have words to say. I'm just savoring my words for me to think wisely before talking. "I guess Lance. Bukas nalang natin to pag-usapan. I'm tired. May duty pa ako mamaya.." anya. Hindi ako nakapag-isip pa. Narealize ko nalang na binaba na pala nya ang linya.

Ano bang mali sa pag-ampon?. Bakit hindi nila makita ang nakikita ko?. It's the only way para hindi mabagot si Joyce. Wala ba silang pake sa kanya for them to easily disagree with us?. Si Joyce ang priority ko rito. I want to save my dying family. Building my own little family is on my top wishlist. Hindi lang ito basta laro na inaakala nila o iniisip nila. I want it. And I am wishing for it kaya ko gustong gawin ito. I know the pros and cons. Also it's consequences and leakage but the fulfilment and happiness that might give us?. Hindi iyon nasusukat ng kahit na ano. Walang halaga iyon kumpara sa bagay na nagagawa at nasisira ng panahon.

My head is throbbing. I already take some med but my heart that aches can't be cured by just these. Honestly. I don't know how to cure it. Pakiramdam ko. Walang ibang gamot dito kundi makamtam ang saya na gusto ko para sa kanya.

But the only way for you to get that, is if she's willing too, to do that?. Yep!.

If you're asking me now?. My answer is, that's hard. Hirap na akong tukuyin kung gusto nya pa bang maging masaya o mananatili nalang lagi sa anino ng kanyang pamilya?. Her choice. Her decision. Her will.

"Kuya naman. Habaan mo pa pasensya mo. Baka hindi lang iyon ang dahilan nya para magdalawang-isip sya?." I called her dahil parang sasabog na tong utak ko. Two weeks ago. Galing ako sa bahay nila. But after that. Di ko na sya nakausap pa dahil masyado syang abala sa trabaho. Yung payo nya nung huli. Sinunod ko iyon. But Ryle keeps on bothering me the past few weeks. Asking me when I get home. Pero minsan ko lang sya binigyan ng tugon. With the, 'Noy yet sure. Marami kaming requirements ngayon '. Bagay na hindi kasinungalingan.

Naisip ko rin na baka may malalim pa syang dahilan pero pakiramdam ko hinde. Dahil nang muli syang tumawag sakin. Umaga. Gabi na sa kanila. "Let's decline the plan Lance." isang linya palang nya. Sumikip na daloy ng hangin sa puso ko dahilan para sumakit ito. "Ayoko ng gulo. Ayoko ng stress. Ayoko ng ganito." her trauma triggers her again. Bullshit!..

Fuck this!..

May ibang dahilan pa nga sya. I can clearly see. They are pressuring her for doing what she doesn't want to do.

Damn life!.

Wala na bang katapusan ito?. Napapagod na ako.

Hindi na naman ako makapagsalita. Hindi naman ako umasa ng sobra hindi ba?. Naniwala lang siguro ako ng higit pa sa iniisip ko kaya ako nasasaktan ng ganito.

Still.

"I'll.. respect.. your.. decision." hirap ko pang sinabi ito na halos bawat titik ng binibigkas ko ay bumabara sa lalamunan ko. Kahit hindi ko tanggap ito. Kahit labag ito sa pagkatao ko. Kahit dahilan pa ito ng pagpaparamdam ng pagkababa ng pagkalalaki ko. Kung anuman ang pinili nyang desisyon. Wala akong magagawa kundi ang tanggapin na lamang iyon. Wala ng iba.

"Bamblebiee!. It's now over.." I called her again. This time. Can't stop myself from sobbing. Ang hagulgol ko ay parang hinukay sa kailaliman ng pagkatao ko. Hindi ko maintindihan bat nangyayari ang lahat ng ito sakin. Basta ang tanging alam ko lang ngayon. Nasasaktan ako. Nang sobra!

"Just like that?." I heard my sister's voice, uttering this but I'm not in my sanity to even answer her.

Wala na. My hopes?. My dreams?. My wish?.

Hanggang pangarap nalang.