Chereads / No More Promises / Chapter 223 - Chapter 22: Why not?

Chapter 223 - Chapter 22: Why not?

Dumaan ang mga araw. Wala sa akin ang pumasok. Paano na ako papasok ngayon? Nawalan na ako ng gana. Nawalan na ako ng motivation to live my life.

"Son, how are you?." tanghaling tapat dito ng nakatanggap ako ng tawag mula kay Daddy. Kasalukuyan akong nakaupo sa may isa sa mga bench dito sa Central Park. Nag-iisa. Nanonood lang sa mga dumadaan at ang nagsasaya.

"Dad?.." hindi ko man sadya. Kusa na ring nabasag ang boses ko ng tawagin ko sya. Umiling ako sa kahihiyan. Piniling tumingala nalang sa kawalan upang pigilan ang nagbabadyang pagtulo na naman ng mga luha saking mata.

"I heard from your siblings. Is it okay with you if we go there?." dahil sa hindi ako makapagsalita. Dala ng kaalaman na baka mas basag lang ang maririnig nyang boses ko. Tumango ako kahit hindi nya naman ako nakikita. "Bamblebiee is with me." dinig kong dagdag nyang sabi. Suminghot ako trying to control my emotions for me to utter some words but sadly. My tears can't stop from falling. "And Knoa too.." yung pagpipigil kong huwag humagulgol. Di ko na napigilan pa. Si Knoa?. That kiddo?. My therapist.

Until I didn't hear anything from him from the line. Nalaman ko nalang na pinatay na pala nya ang tawag. Masyado kasing mahal kapag overseas. Kaya siguro.

Tulala ako sa kinauupuan ko hanggang sa magdilim na ang buong paligid at mga street lights na ang tanging nagbibigay ng liwanag sa park. I stood up. Trying to figure out how the world goes round.

"Baliw ka na yata Lance.." siguro nga. Baliw na ako dahil heto ako't kinakausap na, maging ang sarili ko.

Umuwi akong boarding ko after eating my dinner. Di ko man malunok ang masasarap na pagkain. Pinilit ko pa rin itong lunukin. It's not me who is craving for it. It's my stomach who needs it. Wala akong gana sa lahat. Oa man pero mali bang maramdaman ko ito?. It's my dream. Normal lang din siguro ang madismaya at masaktan ng ganito knowing that your dream is so far to become posible.

My wife didn't call me after that day. Two days from now. Wala pa rin syang paramdam. I already sent her good mornings and sweet messages. Even giving her encouragement that her decision is okay. But still. No replies.

"Ako rin ba?. Ayaw na nya?." titig na titig ako sa litrato naming dalawa sa phone ko while saying these. What's her reasons?. Her brother?. Her Mother?. How will I show them how to treat someone better when even them don't know how to treat her well?.

Pagod akong humiga muli sa kama. It's Friday at sa ospital kami dapat ngayon. I choose not to attend dahil baka makagulo lang din ako sa iba.

"Tito Daddy!.." I heard someone's calling me. Kumurap ako. Wala namang agiw sa kisame na tinititigan ko pero bat parang madilim dito?. "Tito Daddy, are you there?. It's me, Knoa.." dinig kong muli ang matinis na boses ng bata. Duon na ako mabilis tumayo at pinagbuksan sila. "Ang tagal mo naman po.." reklamo pa nya ng makita ako. Agad nitong itinaas ang mga kamay. Signal na nagpapabuhat na para yumakap sakin. "I miss you po.." anya sabay ng halik sa pisngi ko. Maliit na ngiti ang umukit sa labi ko. "Hi there son?." si Daddy naman ito. Humakbang papasok bago ako niyakap at tinapik sa likod. "May pagkain ka ba rito?. Gutom na kami.." anya while passing us by. Si Bamby kasi nasa labas pa. Nakatayo lang sya at walang sinasabi. "Pasok na. Mabigat na tong alaga mo." saad ko sabay ng ngiti na alam kong mahuhulaan nya agad na peke.

"Psh.. gutom na ako.." sungit nya lang after giving me a light hug. Kinuha nya na rin si Knoa sakin. "Mabigat na nga. Bat ba kasi binuhat mo pa?." Napanganga ako ng sabihin nya to. Di ko alam na susubukan nya talagang buhatin ang anak nya para lang makita kung totoo ba ang sinasabi ko o hinde.

She walks in. Buhat pa rin ang bata. Kumurap kurao pa ako. Ang bilis naman nilang makarating. Wag mong sabihin na nung nakausap ko si Dad nasa eroplano na sila?.

"Daddy, make it fast. Knoa is fainting.." baliw na batang to. Binagsak ba naman sa kama ang katawan habang hawak ang anak.

"Aw Mommy!.." nagreklamo tuloy ang bata.

Natawa si Daddy. "Sabi ko naman sa inyo kanina. Kumain na muna tayo bago magtungo rito. Yang katigasan ng ulo mo. Ikaw rin ang nagsusuffer." anya sa kapatid ko. Pala e. Yan na nga sabi ko. Hindi marunong makinig at magtake ng advice from others. Self centered at hard headed masyado. Hay...

"Son, wala ka bang Spam Luncheon dito?. Yan kasi gusto ng Knoa.." ang batang favoritism ng Lolo. Talaga nga naman.

Nilapitan ko na sila. Ako na rin ang naghalughog sa maliit na kabinet ko. Lagayan ng mga pagkain. After searching. Nakamot ko na ang ulo. "Wala Dad.." mababa kong sambit.

"I want Luncheon Tito Daddy!.." biglang hiyaw nito sa di kalayuan. Sinilip ko sila. Pareho na sila ng Mommy nyang nakatingin sa akin.

"Wala akong stock Bamblebiee.." mukhang hindi ang bata ang may gusto nito. It's his Mom. Loko!.

"E di bumili. Problema ba yun?." she said. Tumayo na ito at nagtungo sa gawi namin ni Dad. He's busy cooking some rice, eggs and sausages. Habang ako. Nakaupo sa sahig. Pinapanood silang dungawin ang ginagawa ni Daddy. "Let's go Kuya. We'll go buy it." alok ni Bamby.

"Wala akong pera.." rason ko. Tumaas kilay nito. With rolling eyes.

"Meron. Ayaw mo lang gastusin.." mariin nyang sabi sabay hila sakin at kinaladkad palabas. "Alam mo. Malapit ko na talagang isipin na bakla ka. Hindi mo ba kayang ayusin ang sarili mo while struggling huh?." sermon na nya. "Kung ayaw nila. E di wag. Wag mong isipin na ikaw lagi ang dahilan. Tigilan mo yang isipin na may mali sa'yo dahil una palang, nasa kanila na ang mali. Susmaryosep! Sa gwapo mong yang. Nagpapakalunod ka sa isang bagay na alam mong walang pagbabago?. Tsk. Tsk.. Maraming iba dyan. Hindi nagtatapos ang pangarap sa isang subok lang. Try and try.." dagdag pa nya. I don't know if her message is double meaning or something. The way she delivers it kasi. Natatawa sya.

"Anong gusto mong gawin ko?. Mambabae?."

"Why not?." anya na sobrang sigurado sa sinasambit. Why is she acting so weird?.

"That's illegal.." giit ko pa.

"Anong illegal?. Hindi illegal ang kagustuhan na magkaroon ng sariling anak Kuya. Even if it's on the right way or the other way. Atleast you have the courage to fulfill the feeling of being a father. Ang illegal sa totoo lang ay ang pananaw ng iba about having a child from the other women. Para sakin. Hindi masama iyon.."

"So, kung si Jaden. Magkaroon ng anak sa iba?. Tanggap mo?." natigilan sya bigla. Di nya inasahan ang tanong kong iyon.

"It depends. Magkaiba naman kasi tayo ng sitwasyon. Sya may mga anak at asawang matino. Ikaw?. Walang anak at asawang... ah basta.." di nya tinuloy ang gustong sabihin tungkol kay Joyce. At asawang matino?. Sya?. Psh!..

"I'll think of it.." pinal ko nalang na sabi para di na sya magsalita pa. Sigurado akong hindi lang ito ang maririnig kong kakaiba kapag di pa ako tumigil dito. Minsan talaga. Nagugulat ako sa kanya. Paano nya kaya naiisip ang mga ganun?. Mga bagay na taliwas sa batas ng tao. But, I guess. She has a point. Why not nga diba?.