Chereads / No More Promises / Chapter 221 - Chapter 20: Upset

Chapter 221 - Chapter 20: Upset

Napagpasyahan kong di na muna pumasok para makapasyal sa bahay ng mga Bautista. I miss my nibblings at gusto ko ring ipahinga kahit ilang oras lang ang utak ko. Kung papasok rin lang ako ngayon. Baka wala din akong maintindihan. Useless. Sayang ang oras. Ang panahon.

"I'm at your home. Don't be late later tonight." I've decided to text Bamby para malaman nya na andito ako. She'll definitely knew that I carry something on my head now. Magaling yang bumasa ng mga tao. It's like a psycho pero di naman. Masyado lang syang magaling mag-obserba ng tao kaya lahat nakikita nya. Maski maliliit na detalye. I was once told this somewhere else. Di ko lang matandaan kung kailan.

"Tito Daddy!?.." galing school si Knoa nang tumatakbo itong lumapit sakin para yumakap. He's carrying his little panda bag at tumbler.

"How are you my dear Knoa?.." sinalubong ko din sya ng mahigpit na yakap. Sya palang. Nabawasan na ang bigat ng pasan ko.

"I'm doing great po.." anya saka ngumiti ng napakalapad. I know when he is acting like that. He's searching for his pasalubong. Brat!. And I'm right. Bumulong sya sakin about it. "May pasalubong po ba ako?." I don't know who taught him this. But I am perfectly sure of it that it's my sister's thought. Loko isip nun eh!.

"I have here your favorite." bulong ko din sa kanya. Nagdiwang na ito na parang wala nang bukas.

"Donuts!!!.." umalingawngaw ang boses nya sa buong bahay. After giving him his favorites. Umakyat na ako sa silid kung saan ang mga kambal. To check on them too.

They're both sleeping. Peacefully.

Naglakad ako at naisipang sumaglit sa paboritong lugar ni Bamby.

"Ang tagal naman ng oras.." bored kong sambit. Umupo ako sa may nook book. Mataas na hilera ng book shelves ang nandito. May nakikita pa akong bagong kabinet na may mga laman na libro. Bago din ata. "Hilig talaga nito ang libro. Ang daming bago. Mukhang di pa nya nababasa ito.." patuloy ko. Ang hawak kong libro ay may balot pang supot. Inamoy ko ito. "Bagong bili nga.." tango ko pa sa sariling opinyon. "How to read people like a book?." basa ko pa sa title ng book. Iling ang tanging nagawa ko sabay ang matunog na ngisi. Grabe. Kaya pala magaling tong maghanap ng butas to confront people. She can read them. Katakot.

As I was so curious about it. Napagpasyahan kong basahin na rin ito.

Na syang naging dahilan para di ko maramdaman ang takbo ng oras.

Gabi na pala nang mag-unat ako. "This is interesting. Will borrow this.." saad ko pa. Tumayo ako to stretch more but I was so stunned.

"Renting is not free, bruh.." dinig ko pang anya. Tumango sya sakin after she smirk. Di ko man lang napansin ang pagdating nya. Kasalukuyan itong nakatayo sa tabi ng maliit na ref dito. I'm too curious kung anong mga laman nito. "What brought you here?. You look like you saw some beautiful ghost huh.." habol pa nya. "Ganun pala ako kaganda?." Binuksan nito ang ref sa kanyang tabi at kumuha roon ng bottled water. Lumagok na sya't lahat doon di pa rin ako makapagsalita.

Una. Tinuro ko sya dahil umurong talaga ang dila ko paatras. Di tuloy ako makapagsalita kahit ang dami-daming nakalinya na tanong sa isip ko. "What?." suplada nyang himig. Umupo na ito sa tabi ko. Wala pa rin akong masambit na maski isang salita. "Susmaryosep Kuya!. Bakla ka ngang talaga. Kailan mo ba balak magsalita huh?."

"What the heck, Bamby?!."

"Ah.. So mura ang pinakamadaling sabihin sa ngayon, ganun ba?."

"Bat ka kasi bigla biglang susulpot ng di nagpaparamdam?. Paano kung may hypertension ako?. Tigok na ako dito sis.." natampal ko ang noo sa frustration.

"Tigok agad?. Oa.. Di ba pwedeng coma muna?.."

"Bamblebiee!?.." inis ko syang binulyawan. Kung anu-anong pinagsasabi?. Tapos natatawa pa?. Kingwa?. Di nalang sana ako nagtungo rito. Kaasar!.

Busangot ang mukha ko. Tas sya naman. Labas ang lahat ng ngipin pati gilagid, kakatawa.

Sa inis ko'y bumaba na ako para maghanap ng makakain. Sa laki ng bahay na to. Wala man lang nag-aalok ng meryenda! Nakakainis!.

"Where are you going?. You pissed?." tunog nagbibiro pa ang himig nito habang tinatawag ako.

"Just get lost." inis kong bulong.

"But you already lose?. Hahahahaha.." di ko alam na nasa likod ko na pala sya.

"Pwede ba Bamby!?."

Nasa kusina na kami. At kasalukuyan nang naghahanda ng hapunan si Jaden. Andito na din pala sya. Tinanguan nya lang ako. As usual with an small smile.

Natigilan ang kapatid ko. "Bat ka ngayon nagagalit?. Baliw na to.."

Pumikit ako to cease the fire in me. "Wala ako sa mood makipagbiruan Bamby. Please. Wag ngayon.." imbes maganda na ang mood ko kanina after reading her book. Nagbago ito ng segundo lang because of pranks na di nakakatuwa.

Dito lang sya natahimik. Tinignan nya ako. Mata sa mata. "Why are you here then?." kalmado na nyang saad. Not the bully voice of her.

Umupo ako sa stool. Pinagsalikop ang mga kamay. Bahagyang yumuko. "Ryle didn't like the idea of us, having our baby through adaption.."

Katahimikan muna bago ang rants nya.

"What?!." gulat nyang tanong. "Alam nya ba sinasabi nya?." habol pa nya.

"Siguro. Baka. Ewan." naguguluhan kong tugon. Siguro nga. Alam nya ang consequences about adaption but why he didn't want us to try?. Wala naman sigurong mawawala hindi ba?. O baka naman he was once did this nang di nalalaman ng pamilya nya?. But that's so impossible!. Paano naman mangyayari yun knowing him?. So tight and strict?. Nakapa-imposible talaga!. Pero ewan ko lang din. Basta.

"You know what Kuya. If you always choose to hear someone's opinion about your decision making. You'll definitely lost your definition of who you want you to be. Why let someone dictate you?. If you really want to have a child, your choice. Why you need validation from him?. Isipin mo nalang ang kagustuhan mo. Not me. Not us, not even him, or them. It's you and your wanting to build a family is who you have to prioritize with. Hindi masama ang isang bagay hanggat alam mo sa sarili mo na ikabubuti mo ito."

"Natatakot akong baka pakinggan sya ng asawa ko." it's true. This makes me really upset.

"Hindi mangyayari yun. Hanggat may paninindigan sya to pursue the adaption. Stand with her too. Wag kang magpadala nalang basta sa mga salita ng iba dahil hindi naman sila ikaw to make decisions for your life. Be a man Kuya. Don't let them control you, but don't forget also to show them, how to treat you. Dahil isa yun sa mga bagay na lagi mong ipaalala sa kanila."

"But I have my limits too.." Hindi ba?. Ang araw nga may oras lang din dito sa mundo?. Ganun din ang buwan. Malamang. May limitasyon din ang lahat sa tao?.

"Yes. Your limit is your good privilege pero wag mong hayaan na kainin ka ng prebilehiyo mong yan dahil ipapahamak ka lang nyan.."

"Psh.. Linya mo rin yang you have your limits diba?." mabilis nya akong sinang-ayunan.

"Yup, but I have my long patience that's why it doesn't reaches to that end of limits. Naisip kong, sakit sa ulo pala kapag hinayaan ko nalang isipin lagi na may limitasyon lahat. I choose to reverse it and change it into, 'baka may rason, bat sya ganun' that way.. my thinking about limits will easily fade away from me."

Grabe!. Ganun ba kalawak ang pananaw nya to think that way?. Reversing a dark thoughts into light?. I just realized that her habit of reading books really made her see through huh?.

Amazing!.

Lumapit sya sakin at tinapik ang balikat ko. "So, if you want to fix things. Face it. No matter what the results is. Say, whatever.." di ko mabilang kung ilang ulit nyang tinapik ang aking balikat. Wala. Nadala na naman kasi ako ng paghanga sa mga sinasabi nya. Heto na naman ako sa puntong, tinatanong ang sarili kung paano ko sya naging kapatid at kung gaano ako kaswerte na naging kapatid ko sya?.

Whatever pa daw?. Tawang-tawa ito sa sarili nyang payo. Baliw din minsan!. Maging ang asawa nya ay tahimik lang na humahagikgik sa harapan ng mga kalan.

She's right.

Say whatever!.

Related Books

Popular novel hashtag