Chereads / No More Promises / Chapter 220 - Chapter 19: Ryle

Chapter 220 - Chapter 19: Ryle

Nasa plano palang namin ang umuwi to see how the processing of the adaption is, heto na ang hagupit ng isang kapatid nya.

"What's this Lance Eugenio?!.." galit nya talaga akong tinawagan. Naalimpungatan ako dahil hating gabi palang dito. Di ko din alam kung anong oras na sa kanila at ganitong oras nya napiling pagsermunan ako.

Muli kong tinignan ang caller id nya sa phone ko bago naisipang magsalita. "Ryle?." bangag pa nga yata ako sapagkat alam ko na nga kung sino sya. Tinawag ko pa ang pangalan nya. Nabwiset pa lalo.

"Sino pa nga ba?. Talaga bang hindi mo lang ako tatawagan?. Kung di pa ako umuwi dito sa Pilipinas.. di ko pa malalaman yang kalokohan mo ha?."

Napilitan akong bumangon kahit hinihila talaga ako ng malambot na kutson. "Bakit ba?. Hating gabi palang dito samin Ryle. Can we talk later?."

"Asshole!. Who do you think you are talking right now huh?. Ako pa ang mag-aadjust sa'yo?. Mahiya ka naman Lance!.."

Yung ilong ko. Malapit ko nang matanaw ang paglabas ng usok dito. Literal. Yumuko ako't kinutkot nalang ang batok. Saka humikab ng napakahaba para pakawalan ang kumukulong inis at galit sa kaibuturan ko. "Ano ba kasing problema?. Look.. I'm not demanding you to call me any time I want. What I'm telling here is that, can you please calm your voice?. Para magkaintindihan tayo rito.."

I heard him sigh. Mahaba iyon at mukhang nauubusan na ng pasensya. Ano ba kaisng problema nya?. Bigla syang manenermon nang walang dahilan?. Sino sya?. My parents?. Damn him!. Pasalamat sya't kahit ganun sya magsalita nakakapagtimpi pa ako para lang sa kapakanan ng asawa ko. Not for him. Buti pa si Rozen. Tsk!.

"Wala kaming ibang choice kundi ang piliin lang ang alas na meron kami Ryle. Sa tingin mo ba susugal kami sa ibang bagay na walang kasiguraduhan? Hinde. But for the sake of my wife. Kahit ano pa. I'll gamble para lang mapasaya sya. I want to see her happy and complete. Again. Hindi ko kayang nakikita syang kulang at nanghihina dahil maging ako, manghihina rin."

"But your choice is not good Lance. Naisip mo bang maaaring pagkalaki ng bata na kukunin nyo, iiwan rin kayo?. Naisip mo ba ang bagay na yun?."

Napahagod nalang ako sa linya ng ilong ko dala ng frustration. Wala pang isang oras ang tulog ko ha. Tapos heto na sya't yan ang sasabihin nya?. Nasasabi nya lang ang mga bagay na sinasabi nya ngayon dahil wala sya sa posisyon ko. Sana lang din. Di nya maranasan para hindi magbago ang tingin at trato nya sakin. Ayos lang sakin na ganyan sya. Atleast napapaisip ako sa kung ano ang dapat gawin. It's like. He and his older brother Rozen is one opposite siblings. Para sakin. Balance lang kapag narinig ko na ang magkaiba nilang opinyon.

"Hinde. Hindi ko nga naisip ang bagay na yun.."

"See?. at sino na naman sa inyong dalawa ang masasaktan ng higit?. Ang kapatid ko diba?. so why pursue it Lance?. Ipaintindi mo nga sakin?."

Ipaintindi? How will I kung sa una palang, sarado na isip nya?. So, paano nga?.

"Look here Ryle.. for now.. we're not looking for our future. I'm not saying that we are not ready for the future. Ang ibig kong sabihin ay ang mas mahalaga sa akin at sa asawa ko ngayon ay ang kaligayahan nya. Yung mental health nya dahil hindi magtatagal she'll definitely break down nang dahil lang sa kalagayan nya. Hindi kami magsusugal lang. Magtataya kami kahit alam naming maaari kaming matalo. so, bakit hinde diba?."

Natahimik ang linya nya. Di ko man alam kung napaintindi ko ba sa kanya ang gusto kong iparating o hinde. Basta ang mahalaga sakin ay nasabi ang dapat. Hindi naman opinyon nya ang hinihintay ko. Hindi kaninuman. Dahil kahit wala silang aprubal rito. I'll beg for my family na sila ang umayos rito. Hindi ako papayag na hanggang duon nalang kami ng asawa ko. No!.

"Mag-usap nalang tayo pagkauwi mo rito Lance. Marami pa akong gustong itanong sa'yo. Hindi ako nakuntento sa mga sagot mo."

How did he know na uuwi ako?. Si Rozen ba?.

"Remember. Against pa rin ako sa decision nyo. I'll talk to Joyce about this. At gusto ko ring kunin ang opinyon nya tungkol dito. I want assurance Lance. Like you. Gusto ko ring makita na masaya na sya. Iyon lang."

Kabastusan man ang pakikitungo nya sakin. Siguro. Deserve ko ito. But of course. It has it's own limit. Hindi porket pumapayag ako sa ugali nya. Di naman pwede na lagi nalang. I respect him. His family too. Even my wife. Kaya sige lang. Magpapakababa ako para lang maintindihan ka.

Mabigat ang katawan kong humilata muli sa kama. Para bang nadaganan na ang katawan ko ng ilang malalaking punong kahoy dahil sa bigat nito. Gustuhin ko mang intindihin sya. Di ko pa rin kaya. Paano nya nagagawang tanungin ang desisyon na meron kami kung kailanman di pa nya naranasan ang mawalan ng anak?. Oo nga. Maaaring tama sya. Na baka sa paglaki ng bata ay iwan nya rin kami. Pero hindi naman siguro ganun diba?. Nasa amin na iyon kung paano namin palalakihan ang bata. Like we're his own. Na isang pamilya kami ano pa man ang mangyari.

Hay... buhay...

Nasaan na kasi si Bamby?. Bat kaya di sya nagpaparamdam nitong mga araw?. Bwiset na babaeng yun?. Pag may kailangan saka lang tatawag. Tapos pag wala na. Wala na rin. Kaasar. Gusto ko ng mang-asar para maibsan ang kung anong halo-halong emosyon na nangyayari sakin ngayon. Kung umabsent nalang kaya muna ako tas puntahan ko sila sa bahay nila?.

Pwede Lance!.