Chereads / No More Promises / Chapter 219 - Chapter 18: Sweet side

Chapter 219 - Chapter 18: Sweet side

Dumaan ang araw para sa school activities. Clinical test and so on. Iba pa ang paper works na kailangan sunog kilay. Buhay pa kaya ako bago ako makaapak sa entablado ng pagtatapos? Ang hirap grabe! Parang nagsisisi na tuloy ako for taking this med school.

"Dude, I heard something from my sister.." this day. One of his older brother sent me a message. Kasalukuyan akong kumakain ng brunch dahil ang oras ko ngayon ay hikahos. "Bright idea huh.."

"Yeah bro.. di ko na kasi kayang makita na nalulungkot sya.. everytime I saw her eyes.. nadudurog puso ko.."

"Sinong hinde Lance.. maraming sakit ang dinaanan nya. Dumagdag pa ang sitwasyon nya.. it's depressing you know.. mabuti nalang at naisipan mong mag-ampon nalang.. di ko rin kasi naisip yun nung una dahil sa pag-aalala.."

"Sana nga kahit iyon lang ang tamang desisyon na nagawa ko para sa sakit na idinulot ko sa kanya pare.. mahirap sakin ang malaman na dalawang beses na syang nawalan ng anak.. lalong malaman na she's barren.. I'm damn speechless bro.."

"Just don't let my brother Ryle know about this huh.. baka ikaw na naman kasi ang pagdiskitahan.. and I know na wala ka namang kasalanan.. siguro meron, ngunit kaunti but you once saw his anger diba?. Destructive.. baka basagin nya mukha mo.. umiyak na naman si Joyce.."

"I know bro.. thanks for reminding me.. uwi ka ba this coming month?. Me and Kuya Mark are planning to go to our home country para magpahinga kahit kaunti lang.. wanna come?."

"Di pa ako sigurado Lance.. mahal ang ticket tsaka may trabaho ako.. pero I'll try . gusto ko rin yang ideya mo.." Agad na rin syang nagpaalam after the messages. Ang sabi pa nya sa huli. Baka raw si Ryle ang unang uuwi ngayon dahil may balak na raw magpakasal. Kaba ang naramdaman ko sa dulo ng dibdib ko nang malaman na sya ang unang uuwi kaysa samin. Baka malaman na nya agad ang bagay na ganun si Joyce at baka ako na naman ang pagalitan nya. His usual traits. After mabuntis at makunan ang kapatid nya. Inaamin ko. May kasalanan din naman ako. Pero di na rin siguro lahat.

"Hello babe.. I miss you.." while walking. Sa corridor patungong room namin. Natanggap ko ang chat nya. "Miss ko na mapabango mo.."

"Why so clingy baby?. I miss you too.."

"E ikaw kasi.. sinanay mo ako ng ilang araw.. yan tuloy.."

Ako pa sinisi?. Hay.. sige na nga. Ayos lang.. Tutal. Tama naman sya.

"Oo na.. gusto mo uwi na ako dyan ngayon?."

"Psh!. as if naman uuwi ka e kakaenroll mo palang ng second sem. Lance baby.. wag paasa ha.." I guess her eyes are rolling right now. How cute she is everytime she is doing it.

Natawa tuloy ako. Ayos lang magmukhang tanga sa paningin ng iba. Atleast. Gumaan loob ko sa pambihirang sarcasm nya.

"Pigilan mo muna kasing maging maganda para di na kita mapaasa pa ng sobra.. hahaha.."

"Ano kamo?. Hoy Lance ha?. Pag ikaw nambabae dyan, susugurin talaga kita.. di pa nga dumating magiging anak natin eh.."

"Bakit ba?. Wala namana akong sinabi ah.."

"Anong wala?. Gusto mong di na ako magpaganda?. Grabe!. Anong gusto mong gawin ko kung ganun ha?."

"Baby naman.. mahal kita okay.. kahit ano pa itsura mo.. tandaan mo lagi.. mahal kita. Minahal kita at mamahalin pa.. oh ayan.. ayos ka na?."

"Tse.. bahala ka sa buhay mo.."

"Baby naman.. wag ka naman ganyan.. mas lalo kitang namimiss eh.." huling tipa ko bago ako pumasok ng room. Wala pa ang prof namin pero kaya may oras pa para basahin ang reply nya.

"Wala akong pake.. bye.." anya kaya naman humaba ng husto ang nguso ko. Ke aga aga. Ang sungit sungit na nya. Bakit kaya? Sinabi ko lang naman na wag syang gaanong magpaganda para wala nang magkagusto sa kanyang iba tapos iba ang sinagot nya. Hay buhay!.. Joyce naman!. Paano na ako makakapag-aral neto mamaya!?.

"But still, I love you.. take care always please.." ito ang laman ng bagong dating nyang mensahe. Kaya naman. Di ko na napigilan pa ang ngumisi at kagatin ang labi ng sabay.

"My sweet wife.. thank you for still loving me and missing me. Know that. I love you too to the moon and back.. and I miss you more.."

Hindi ko na alam kung may reply na sya dahil dumating na ang prof namin nung isend ko ang reply ko sa kanya. Ginanahan na ako ngayong mag-aral. Para sa future namin ng wife at ng magiging mga anak ko. I'll endure this loneliness. Tutal. Mabilis lang naman tumakbo ang ikot ang mundo. Matatapos ko rin ito.