Chereads / No More Promises / Chapter 216 - Chapter 15: Jaden

Chapter 216 - Chapter 15: Jaden

We both shake it off the pain we felt when Knoa came to us. Ang hirap naman kasing humarap sa bata at sabihin sa kanya na hindi okay ang lahat. He's too young to think too much about what pain really is. Kasi. Hindi ang sugat sa katawan ang pinakamasakit. Kundi ang sugat na naukit na sa ating puso't isip. Iyon ang bagay na mahirap nang burahin.

"Alam mo Kuya.. kahit kailan ang dugyut mo.." sermon pa rin ni Bamby ang narinig ko pagkabangon namin. We both just shrugs and continue to take a bath. Sumabay sakin si Knoa habang si Joyce ay nahuli dahil ang sabi nya. Tutulong muna sya sa paghahanda ng almusal namin. Baka raw kasi. Masunog bigla tong apartment sa galit at inis nya. Lagot na.

"Ganyan na ba lagi yang asawa mo Jaden?." tanong ko dito matapos naming maligo at kasalukuyan namang dinadamitan si Knoa. Jaden is busy on his work. Sa laptop ang focus nito pero alam kong dinig nito ako.

"Oo bro.. habit na nya yata ang mainis lagi.." he sounded like he's reporting what my sister is doing. Disappointing.

"Bat di mo pagsabihan?." sita ko rin sa kanya. Don't tell me. He's tolerating her bad habit?. Tsk!..

"I know she knows what she's been doing bro.. Baka lalo lang syang magalit sakin kapag sinita ko pa."

Kita mo na?. Bamby! Naku ikaw!!!... Sarap mo paluin sa pwet!.

"Hindi pwede ang ganun sakin Jaden. Kailangan mong ipaalala minsan sa kanya na hindi laging tama ang ginagawa at opinyon nya. Tsk.." iling ko sa nalaman tungkol sa kapatid. She's not this before. Ano kayang dahilan bat sya nagkaganito?. Hmm?.

"I was once did that Lance." he called me by my name. Nang tingnan ko sya. He closed his MacBook. Di pala laptop yung gamit nya. Saka tumayo at nilapitan ang anak na pilit inaayos ang belt na suot.

"At di na naulit?." tanong ko. Mabilis syang tumango. Nakagat ko nalang ang ibabang labi sa narinig.

"Nag-away kasi kami nung una. Di nya ako pinapansin ng halos isang buwan.."

"Seryoso ka?." nagtataka kong tanong. Inikot nya si Knoa saka binuhat pababa pagkatapos mula sa kama.

"Hmm.. at ang mas malala, he even accused me of having an affair.." lumingon ito sa gawi ng kusina at sala kung saan andun ang aming mga asawa. Bamby is busy talking about something while my wife is just answering her with an play safe tone.

Lumapit ako ng bahagya kay Jaden. Gustong malaman pa ang tungkol sa sinabi nya. "With my secretary raw.." pinakawalan nya ang mabigat nyang buntong hininga. Ganun din ako pagkatapos nya. Namaywang din ako ng ilang sandali.

"Nababaliw na yata sya Jaden?." bulong ko ito. Dahil baka bigla nya kaming marinig e magkatotoo yung natanaw ng asawa ko sa malayo na maaaring sumabog ang bahay sa galit ng kapatid ko. Abnormal!. Aakusahan ba naman nya ang asawa nyang may kalaguyo?. Sa bait nitong tao?. Hay... Bamby!. Akala ko ba mas mature ang isip mo kaysa sa akin?. Why now huh?. Ano itong nalaman ko?.

"Anong sinabi mo sa kanya kung ganun?."

"Syempre sinabi kong wala syang dapat ikatakot dahil sya lang, sapat na.."

Muntik na akong makaihi sa pantalon. Ang bakla! Putik!.

"Oh, e ano namang sabi nya?."

"Sininghalan nya lang ako. Sinabihan pang bolero. Pare-pareho raw tayong mga lalaki.. Sinungaling.."

"Alam mo Jaden. Sa totoo lang. Di na ako natutuwa dyan sa asawa mo. Kausapin mo nga ng masinsinan.."

"Ikaw nalang bro ang kumausap. Alam kong kahit matigas ang ulo nya minsan. Sa'yo pa rin sya nakikinig ng mga payo. Kuya ka nya. Hindi ka nun papatulan."

How I wish na sana pakinggan nga nya ako. After naming kumain ng almusal at nag-ayos para lumarga na ng pasyal. Binulungan na ako ni Jaden na kausapin ang asawa nya.

And yes. Kahit di na nya hilingin pa sakin ang ganito. I'll definitely talk to her. I want to discipline her on how she handles her relationship to him. Na hindi lang basta tao si Jaden. It's her husband. Baka nakakalimot na sya bigla.

Lumayo ng bahagya sina Jaden. Bumili ng pagkain ni Knoa. Nasa central park kami. Si Joyce naman ay nagpaalam na hahanap ng cr. It's their alibi para makausap ko itong isa. "Bamblebiee.." I started of. She just replied me with an 'hmm?'. She's busy with her own phone. Taking selfies. "Tuwing umaga ba lagi ka nalang galit?." direkta ko ng tanong. Wala ng likuan pa. Sayang oras. At first. Di sya sumagot. When she finishes her pose. Binaba nya ang phone nya at tumingin sakin. With her creased brows. "Because you know what?. Hindi maganda sa babae ang laging naiinis pag bagong gising. Pampapangit raw.." sinadya ko talagang babaan pa ang natural na boses para wag syang maoffend o mainis lalo. I know her. She recognizes every little things. Ganun sya magbasa ng tao. Nakakatakot sya minsan. Lalo nang nagsalubong ang mga kilay nya. "I don't like how you acted earlier to us, to your husband, especially to your son. Baka isipin ng bata na normal lang gawin ang ganun at gayahin ka na rin. It's not a good thing for him to carry on while he's growing."

She remain silent. "It's not that we don't appreciate what's your point of view pero sana don't underestimate the value of our silence too dahil baka isang araw. Malaman mo nalang na wala na lahat ng gusto mong protektahan sa harapan mo nang dahil lang sa maling akala mo." lumapit ako sa kanya at inakbayan sya. "Hindi lang ikaw ang may mabigat na dinadala Bamblebiee. Know your best friend. Nalaman lang nya na baog sya at sa totoo lang. Hindi ko alam kung paano sya pakakalmahin."

She looks at me. Gulat. Then I saw how she swallowed her anger.

"Si Jaden naman kasi.. he's having an affair at tinatago nya pa sakin.." she explained, calmly. Kahit mukhang di sya kalmado.

I hush her. "Did you already ask him about this?."

"Of course not. He'll definitely deny it naman. Anong saysay Kuya?." umiiling pa sya.

"Yan ang sakit mo Bamby. Pinapangunahan mo ang bagay na hindi mo alam. Hindi naman masama ang magtanong. Why don't you just ask?. Para hindi naman manghula lagi ang asawa mo sa kung anong dahilan ng pagpuputok ng butchi mo.."

"I don't trust him."

"Then why did you still choose to stay beside him?." natigilan sya. "Mahal mo sya diba?. Bakit pilit mong ginagawan ng butas ang walang lamat nyong relasyon?. Lil sis.. If you want peace. Start it to yourself. Yang utak mo. Dapat positive lang lagi ang laman. You don't trust him right now right?. Pero you still love him?. Dun ka nalang kumapit sa mahal mo sya para hindi ka na laging galit.. give him peace too.."

Kumontra pa sya na hindi naman sya ganun subalit I insisted it too na kailangan nyang baguhin ang kaugalian nyang iyon habang di pa huli ang lahat. Napabuntong hininga nalang ako. Imbes natuwa ako sa pagdating nya. Dahil gusto kong humingi ng abiso sa kanya tungkol sa amin dalawa ng asawa ko. Ngunit, iba ang nangyari. Nabaliktad ba. Hay... Nga naman ang buhay oo.

Related Books

Popular novel hashtag