Chereads / No More Promises / Chapter 217 - Chapter 16: A boy

Chapter 217 - Chapter 16: A boy

I hope that my sister will hear what I'm advising dahil hindi biro ang makahanap ng taong tanggap ka mula ulo hanggang paa. Jaden is beyond my expectations. Kaya nga noon. Binakuran ko ang kapatid ko for her safety and assurance to not having any pain when she's inlove but i guess. Pain is inescapable. Kahit anong gawin kong iwas sya rito. Isa lang ang sigurado. Masasaktan ang kapatid ko. Wala pa man akong gawin o meron. Ganun at ganun pa rin ang kahihinatnan. But seeing it now. Gusto kong magpasalamat sa asawa nya dahil kahit anong lupit ko noon sa kanya, kanila, tiniis nya pa rin ito at inibig ng buong puso ang Bamby namin.

Tanghalian ng matanaw ko kung gaano katulis ang nguso pa nya. But I saw it also how she's affected to Jaden's presence. Sana all nalang diba. Naging maayos ang mukha nya't nakipagbiruan sa walang pagod nyang anak na maglaro. "Honey, what if we adopt?." naisip ko nalang ito bigla ng matanaw ang buong pamilya ng kapatid ko. May Ama, Ina at Anak. Naiinggit ako. At alam kong, ganun din sya.

"Ikaw bahala, mahal ko." tumulis din ang dulo ng nguso ko sa lambing ng boses nya. Napangalumbaba pa nga ako para titigan sya dahil ang cute nya talaga. Ang suot nyang headband ay bumagay sa maliit nyang mukha. Pinong kilay. Makurbang labi. Maliit ngunit matangos na ilong. Ang hati pa ng buhok nya'y sakto sa dulo ng unang bahagi ng kaliwa nyang kilay na bumagay pa lalo sa kanya dahil sa itim at iksi ng buhok nyang hanggang balikat lamang. Sino bang may ideya para gupitan sya ng ganito?. Lalo ata syang gumanda?.

"Kuya, baka matunaw naman sya. Ano ka ba?." kung di ko pa siguro narinig ang boses ni Bamby. Baka pati laway ko. Tumulo na rin. Iba kasi ang ganda nya ngayon. Parang dumoble pa.

Umayos ako ng upo. "Inggit ka lang kasi.." siring ko nalang sa kapatid para di mapahiya. Tumaqa si Jaden pero itinago nya ito sa isang ngisi. Ito namang asawa ko. Siniko lang din ako habang tinatakpan ang mukha.

"Like, duh?.". umikot ang mata nya't binelatan pa ako. Hay... may mga bagay pa rin palang di pa rin nagbabago.

Papatulan ko pa sana sya kaso mas lamang sakin ngayon ang opinyon ng asawa ko patungkol sa sinabi ko kanina. "So, kung sakali. What gender do you prefer?." naisip ko lang din. Gusto ko ng babae para may kalaro si Knoa tsaka may kabonding din sya. Kaso. Depende na sa kanya. Bahala na ang gusto ko. Basta, sya priority ko. Her mental health.

"Anything will do.." she answered.

"Anong maganda Jaden?. A boy or a girl?." si Jaden ang tinanong ko. Tutal napagsabihan ko na sya tungkol dito sa plano ko. Unlike my sister na lumipad ang isang kilay sa pagtatanong about my question.

"Sakin. A girl.." Jaden stated.

"Para saan yan ha?." singit ng isa. Di talaga makapaghintay na ako mismo magsabi. Excited?. "Don't tell, you're pregnant now Joyce?." pinanlakihan pa nya kami ng mata. Kahit kailan talaga oo!. Ang oa!.

Insensitive. Nag-iisip pa ba sya o nagsasalita na kahit di pinag-iisipan?. Saklap!. Anyare sa mataas na tingin kong Bamblebiee kaya? Saan kaya iyon napunta?. Naiwan ba iyon sa East Coast noon?. Tsk!. Tagal na nun eh.

"We're planning to adopt lil sis."

'Wiw!.. Then push it Kuya. Don't just plan it. Do it.." heto na naman sya. Di papigil ang labi. Wala bang preno yan?. Tinanguan ko sya bago kinakot ang likod ng ulo. "You know bes. It's good to have a baby boy. You'll love him more than anybody else.."

"Hoy!.." pigil ko sa ibig nyang sabihin. "Ano bang klaseng payo naman yan Bamby?. Wala ka bang magandang sasabihn ha?."

"Ano?. Hindi mo ba narinig yung sinabi ko?. O baka naman. Ayaw mo lang pakinggan kasi ayaw mong may ibang magmamahal sa kanya?. Awit!.. Possessive masyado to.. Paano ngayon kung magkaroon na kayo ng anak?. Pati sila na pagseselosan mo?. Psh.. Funny.."

"It's not that.. Bat kasi kailangan mo pang sabihin ang 'you'll love him more than anybody else ' huh?. Ang sakit kayang pakinggan."

Humagalpak sya ngayon ng tawa. Itinuro pa ako. Kahit umiyak ang anak nya dahil nahulog ang kinakain nitong ice cream. Wala pa rin syang pakialam. "Mga lalaki nga naman. Mga walang tiwala saming mga babae."

Kita nyo?. Anong walang tiwala?. Kami?. Sila nga dyan eh. Sya nga na may trust issues sa asawa kahit matino ang isa. Susmaryosep Bamby!.

"Ikaw Joyce, is it a boy or a girl?." mabuti nalang naisipan din ni Jaden na sumingit sa kanyang asawa. Ayaw kasi paawat.

Natahimik kaming magkapatid. Parehong hinintay ang isasagot din nya. Binasa nito ang labi bago tumingin sa kaharap namin. Tas huli sakin. "I want a baby boy.." tapos ay kinagat na nya ng mariin ang ibabang labi. "I lost my two boys.." gumaralgal ang boses nya. Di ko iyon alam. Damn it!!! "That's why I want to have one, kahit di na sa akin nanggaling.."

Holy sh*t!!!..

Bakit naninikip ang dibdib ko?. Bakit kaya masakit tanggapin ang katotohanan na wala nang ibang paraan?. Nadudurog ang puso ko para sa kanya.

"Wag mo sanang isipin ang bagay na makasakit sa'yo bes. Lahat ng tao ay may kanya kanyang daan. May iilan na nabibigyan ng anak subalit hindi nagiging isang huwaran na magulang. May gustong magkaanak na di nabibigyan at sila pa itong gustong maging isang magulang. Just think it's positive side. Atleast, you have the options. Kahit di pa galing sa'yo. Kahit di nyo pa kadugo. Kung ituturing nyong inyo. He'll definitely calls you his parents. His own. Your own. Your little family. And that's, the best feeling ever. Trust me."

Kung wala siguro tong comforting words ng kapatid ko. Baka ako na ang unang humagulgol dito. Aminin ko man o hinde sa kanila. Hindi ko pa rin matanggap bat samin pa to nangyari?. Hindi pa rin malunok ng pride ko kung bakit hindi kami napagbibigyan?. Hinihiling ko. Humihiling ako na sana pumayag syang ganun nalang ang gawin namin. Atleast. Para mabawasan ang mababang pagtingin nya sa kanyang sarili.

Related Books

Popular novel hashtag