Chereads / No More Promises / Chapter 212 - Chapter 11: With me

Chapter 212 - Chapter 11: With me

"Ano?!." tumaas ang boses nya ng sabihin kong idala nya nalang dito ang asawa ko.

Ang sabi nya naman kasi. Whatever I may decide. She'll support me. Tas nang sinabi ko ang request ko. Pinadilatan pa ako ng mata. Oa ba!?. Walang paninindigan!. Walang isang salita! Kainis!.

"Kuya naman. Kahit ano na hilingin mo. Wag na yan.."

Pinagsalubong ko ang kilay ko. "Binabawi mo na ba yung sinabi mo kanina ha?."

Hindi sya umimik. Kita nyo to. Magsasabi ng pamatay na linya tapos hindi din pala gagawin. PAASA!!..

"Ano kasi.." humina ang tono ng boses nya. Inilapit ng konti ang labi nito sa camera. "Wala pa akong budget.."

"Sinong niloko mo!?." kunwaring galit ako. Tignan lang natin kung anong gagawin mong bata ka.

"A-rraaay naman!.." hinawakan nito ang tainga. Oa talaga!. Ayaw lang yatang pag-usapan yung pangako nya kanina eh. Dito pa naman sya magaling. Ang umakting. Pero hindi yan papalag sakin! Hindi pwedeng hindi nya pagbigyan ang request ko. Malilintikan asawa nya kapag umiwas ito.

"Sige. Kay Jaden nalang ako makikiusap. Tutal, malabo ka namang kausap.."

"Hoy! Ano!?." iritable nyang saad. Tumaas ang isang kilay nya. "Sinong malabong kausap ha?."

"Minsan lang naman ako magrequest sa'yo eh. Winawala mo pa.. Gamay kita Bamblebiee.."

"Ang tanong. Kahit naman pagbigyan kita ng request kung ayaw nung tao sumama.."

"E di, samahan mo na nang di makatanggi.."

Galing kong mag-isip agad ng dahilan. Kapag kasi di kaagad nakakuha nang isasagot sa kanya. Malabo nang mangyari ang gusto mo. "May anak ako dito Kuya.."

"E di isama mo na rin. Para di kayo maboring."

"Dami mo talagang alam noh?." napangisi ako sa sinabi nyang ito.

"Malamang. Ano pang saysay na nag-aaral ako diba?. Ano, deal?."

"Anong deal?. Kakausapin ko pa asawa ko.."

"Papayag yun. Ikaw lang naman ang mahilig tumanggi e."

"Huh?. Ako pa talaga ha?." histeryang umikot ang mata nya.

"Oo. Basta. I'll for your answer. Ibaba ko na to. Marami pa akong gagawin.."

"Teka. So hindi ka na uuwi?."

Tsk.. Low gets din sya minsan. Sinabi nang yung tao nalang ang papuntahin dito. Nagtanong pa?. Hay..

"Yung request ko na nga lang ang atupagin mo. Dami pang tanong eh."

"Aba! Para sumagot lang eh.. Sige na nga. Hindi sana pumayag si boy Jaden.." bulong bulong pa nya.

"Hoy! Subukan nyo lang!. Ikaw!.. kukutusan talaga kita kapag nakita kita.."

"Hayst... umaasa ka nalang kaya na magagawa mo yan ngayon.. hahaha.."

"Sige na.."

"Hahahahahaha. Pikon.."

"Ewan sa'yo.." imbes problemahin ang buhay pamilya ko. Itong babaeng to. Kung anu-ano sinasabi. Nawala tuloy bahagya sa isip ko ang lahat.

Pwede rin syang pumasok bilang psychiatrist ha?. Magaling magpagaan ng loob eh. Kahit magbigay ng advice. Tagos hanggang buto. Maswerte tuloy ako na napalaki namin sya ng ganun. Laking tulong saming lahat.

Miyerkules na ulit ng gabi kami nakapag-usap. Sya ang tumawag ngayon. "Ano na?." bungad ko dito.

"Di man lang nag-hi.. Grabe.." nag-uumpisa na naman ito.

"Are you with my wife?."

Binelatan nya lang ako. Weirdo!.

"Umayos ka nga Bamby. Wala na sa edad mo ang mag-astang bata.."

"Bakit ha?. Gaano na ba ako katanda para pagbawalan mo akong maging bata ha?."

Sakit sa ulo ang minsang ganitong ugali nya. Wala pa naman ako sa mood para makipag-asaran.

So immature!.

"Hindi ganun ang punto ko.."

"Then tell me what?."

"Hay lil sis.. Wala akong oras makipagbangayan sa'yo ngayon.. marami akong kailangang tapusin.. pwede balitaan mo nalang ako ng maganda?."

"Tsk!. Ayaw mo lang mapikon eh.." Oo. Aamin ko na din. Mabilis akong mapikon. Lalo na pag sya na ang nang-asar. Sa madaling salita. Alam nya kung saan ako banda mabilis maasar.

Di ko sya pinansin. Ipinatong ko ang phone ko sa table na puno ng nakabuklat na mga libro habang akong nagsusulat at nagbabasa. Sunog kilay ba?.

"You're busy?." tanong na nya nang makita ang ginagawa ko.

"Yeah.."

Dinig ko ang malalim nyang paghinga sa kabilang linya. "Nagkausap na kami ni Jaden.." ayun! Ito yung hinihintay ko eh. Kung alam nya rin kung paano ako pikunin. Alam ko rin kung paano sya patatahimikin. At makakausap ng matino.

"And?." by answering her with one word.

Dinig kong bumulong sya ng kaasar!. Sige lang. No choice ka naman kundi sundin ang payo ng asawa mo eh. Tsaka. Pustahan kami. Gusto nya rin naman magwalwal. Sya pa!.

"And, he's willing to pay for our round trip tickets.."

Duon ko lang sya tinignan sa screen. Sabi na nga ba e. Si Jaden. Open na tao yan. Binibigay nya kahit anong request mo. Basta syempre, yung kaya nya lang rin. Kontrabida lang talaga tong bunso namin.

"Hindi sya sasama?." she shrugged her shoulders. At biglang lumanlam ang mata nya.

"I don't know. Ang sabi nya. Marami syang kailangan na asikasuhin.."

Hay.. Sa sobrang busy naman nya. Hindi na nya naeenjoy na makasama ang kanyang pamilya. Sana. Magbago din isip nya at sumama para may kasama silang tatlo.

"Bat di mo ayain kasi?."

"Wag na. Busy nga sya diba?."

"Kung ikaw ba naman ang mag-aaya, pwedeng sasama sya?." sinabi ko to para gumaan naman loob nya kahit konti.

"I'll try.." may lungkot nyang saad.

Sabado ng gabi. Tinawagan ko si Joyce. "Hello mahal.." bati ko. Bumangon sya sa pagkakahiga at inayos ang sarili para makausap ako.

"Hi.. kumain ka na?."

"Not yet.."

"Ano?. anong oras na ba dyan?. Don't skip your meal Lance.." nag-aalala nyang bilin.

"Later baby.. Wala pang 9pm dito. ikaw?. Kumain ka ng marami ha?. I'll see you soon.."

"Wag mong sabihin na uuwi ka?."

"Ayaw mo bang umuwi ako ha?." pang-iintriga ko din. Teka. Di pa sinabi ni Bamby sa kanya?. Loko talaga!

"Gusto syempre..pero.."

"I mean.. Ikaw ang uuwi dito to be with me.."

"What?."

"Di pa ba sinabi sa'yo ni Bamby?. Pupunta kayo rito.. soon."

"Wala. Wala syang nababanggit na kahit ano.."

"Hayaan mo na. Basta pag nakita mo sya. Ask her. Tapos balitaan mo rin ako kung kayo lang ba pupunta o may kasama pa kayong iba.."

"No worries.. Babalitaan kita agad.. busy ka ba?. istorbo ba ako sa'yo.."

"What?. no.." nagpatuloy ang pag-uusap namin hanggang sa hapunan ko. Madaling araw palang sa Pinas at sinabihan ko na syang matulog pero ayaw nya. Gusto nya raw akong makita at makausap. Lalo na ang makita ang mga ginagawa ko bago matulog. Hinayaan ko lang din sya dahil gusto ko din naman ang gusto nya. We're even.

I'm excited now to be with her.. kahit wala pang exact date. Hindi na ako makapaghintay. Sana lang din. Sumama si Jaden para may oras din sya kasama ng kanyang pamilya. Para may kainuman din ako dito.