Chereads / No More Promises / Chapter 213 - Chapter 12: Flood of tears

Chapter 213 - Chapter 12: Flood of tears

Linggo pa ang dumating. Mahigit isang buwan pa yata bago sila nagsabing iyon ang schedule nila para pumunta rito. I got frustrated sapagkat yung akala kong mabilis sa isang linggo na nandito na sjla. Hindj nangyari. Malala pa. Tumagal pa ito ng tumagal. "Bamblebiee, akala ko ba mabilis lang?." ilang ulit ko nalng kinulit ang taong ito para pang pilit na asikasuhin ang kanilang ticket. Ewan ko ba sa kanilang mag-asawa. May mga kakilala naman sila sa loob ng paliparin. Mas pinipili pa rin nila ang tamang proseso. Pakiramdam ko tuloy. Sinasadya nila ito para asarin ako.

"Kuya, pwede ba relax ka lang?. Atat ka naman masyado eh." kulang nalang umusok ang ilong ko dito. Magagawa ko pa bang magrelax kung hindi ko magawang damayan ang nagdadalamhating asawa ko?. Tsk!. Sya kaya mawalan?. Tingnan natin kung makakapagsalita pa sya ng ganyan. Wag naman sana.Im not cursing or wishing her to get through this dahil baka pati kami mawalan ng gana sa mundo. Sya kasi ilaw namin e. Kung malungkot yan. Awtomatikong ganun din kami. Lahat ng emosyon na meron sya. Nahahawa agad kami. Ewan. Siguro dahil sa wagas na pagmamahal namin sa kanya.

"Kasi naman. Akala ko isang linggo lang ang process ng papers nyo. Bat tumagal naman ng ilang linggo?."naiirita ko ng saad. Di man sabihin sakin ni Joyce na hindi sya okay. Alam kong iyon ang nararamdaman nya. Hindi nya lang masabi sa buong pamilya ko o maging dito sa kausap ko.

"E kasi nga, hindi lang kami ang tao sa mundo.." pilosopo pa nitong sambit. Tamo. Sarap kurutin ng pisngi nito.

Sinamaan ko sya ng tingin. "Sa tingin mo, may magagawa yang pamimilosopo mo?." madiin ko talagang tanong. Sumama ang timpla ng kanyang mukha. "Di kasi marunong umayos ng sagot." nguso ko. Baka kasi bigla nitong patayin ang tawag at topakin nalang bigla. Malala pa ay, hindi na tumuloy pa dito.

May ugali syang ganun. Minsan pa nga. Kahit excited sya mamaya. Kapag may hindi sya nagustuhang salita sa mga sinabi mo. Aatras na yan pabalik ng kanyang silid. Hindi na yan lalabas kahit mawalan ka pa ng boses kakatawag sa pangalan nya. Nasabi ko nga kila Mommy na ipatingin sa doctor. Ang sabi naman ni Daddy. May attitude lang daw syang ganun. Pagtiisan nalang.

Disorder ba. Kaso. Nitong nagka-asaaa na sya. Hindi na rin napapansin ang ugali nyang iyon. Nabago siguro ni Jaden. O baka, dahil kay Jaden kung bakit sya ganun dati. Ewan. Basta atleast ngayon. Hindi na sya gaya ng dati. I'm glad she changed.

"Alam mo. Ang sama mo talagang magbiro."

"Hindi ka kasi maayos kausap.."

"Bat kasi ako kinakausap mo?. Badtrip.." umasim ang kanyang mukha. "Andyan naman asawa mo ah. Ako pa tinawagan mo.." dagdag nya.

Bakit kaya ang sungit nito?.

Hindi na naman ba umuwi si Jaden?.

"Bat ang sungit mo ha?. Hindi na naman umuwi asawa mo?." naging isa ang kanyang kilay. Hindi ko makita ang pagitan nito dati.

"Wala ka na dun?."

"Kita mo to?. Nagtatanong ng maayos yung tao."

Hindi sya umimik. Umismid lang sya't pagod na sumandal sa headrest ng kanilang higaan. "Lagi syang busy. Iniisip ko nga kung nakalagay ba sa isip nyang binata pa ba sya o may pamilya nang umaasa lagi sa presensya nya."

Sabi na eh. Sakin lang to nagsasabi ng mga ganitong drama. Kay Kuya. Bihira. Sa parents naman namin. Tanda ko'y, madalang pa sa bilang na isa. Meaning. Ako ang pinakamalapit sa kanya. Ganun din sya sakin.

"Tawagan mo kasi para umuwi.." utos ko dito. Motto nya kasi na. Alam daw naman nung tao ang kanilang gagawin. Voluntarism ba. Kaso, hindi naman lahat may ganun. Tsk.

"Kahit pa tumawag ako kung ganun pa rin ang rason nya."

Wag nyang sabihin na may babae ang asawa nya?.

Hay naku!. Dagdag isipin ang dalawang to.

Nagpaalam na sya dahil kanina pa umiiyak ang anak nya. Inaantok na raw. Kinuha ko na pagkakataon iyon para tawagan ang asawa ko.

"Hello mahal.." kaysarap pakinggan. Pero bat malungkot ito?.

"Bat ganyan mukha mo?." nagtanong pa ako e. Malamang, iniisip nya pa rin yung nangyari.

"Malaki na rin sana yung baby natin mahal.." nadurog ang puso ko sa katotohanang iyon. Totoo nga. Yung nauna pa sanang anak namin. Baka maingay nang kalaro ni Knoa iyon. Isang taon lang yata ang kanilang agwat. Tapos etong sumunod. Hays...

"Sana mahal ko. Kasinglaki na ni Knoa.." malungkot ko ring sambit. Bumuntong hininga sya.

"Kung di lang—.."

"Hayaan mo na mahal. Angel na sila na nagbabantay sa atin ngayon.. wag mo nang masyadong isipin ha?."

"Di ko lang mapigilang isipin sila Lance. Para bang, inisip ko na wala akong karapatan na alagaan sila.."

"Ano ka ba?. Wag kang mag-isip ng ganyan. May dahilan siguro kung bakit hindi sila binigay sa atin. Let's just hope na may malaking kapalit ang pagkawala nila."

Natigilan ako nang makita ko syang tahimik na humihikbi. Tang'na! Umiiyak sya!. Shet!.

Wala akong masabi. Gusto kong magsalita pero nawalan ako ng lakas ng makita ang bumabahang luha na rumaragasa sa kanyang magkabilang pisngi.

Naisip din ako. She's right. Wala nga ba kaming karapatan na magpalaki ng bata?. Ano ang dahilan kung bakit hindi sila para samin?. May nagawa ba akong kasalanan noon sa nakaraang buhay ko?. Kung kailan gustong gusto ko ng anak, ako hindi nabibigyan. Tas yung bunso namin na hindi pa sana dapat magkaroon. Biniyayaan. Why?. Anong malalim na dahilan?.

I let her cry a flood of tears. Halos sumabay ako sa kanya sa kabilang linya. Malayo man kami sa isa't isa. Hindi hadlang iyon para iwan ko sya sa ere. Pinanood ko syang umiyak at magpakawala ng sama ng loob kasabay ng tahimik na pag-inda sa sakit rin ng pagsubok na ito.

"Oh my!. Andyan ka pa?."

Why not baby?. I'm your husband. Hindi kita iiwan kahit ilang dagat pa ang pumagitan satin.

Magkadikit ang labi kong tumango sa kanya. Nahihiya nyang tinago ang pagpunas ng kanyang luha saka inayos ang sarili bago humarap sa camera. Pulang pula ang buo nyang mukha. I wanna hug you tightly. Comfort you endlessly. Hays...

"Magpahinga ka na.." pumiyok pa tong bwisit na boses ko.

"Ikaw ang magpahinga na. May pasok ka pa mamaya.." hating gabi na sa Pinas at madaling araw naman dito sa US. I just nodded at her.

"Mahal kita. Lagi mo sanang tatandaan yan.."

Duon ko nakita ang totoo nyang ngiti. "Mamahalin din kita hanggang sa aking pagtanda.."

"Hehe.." kinikilig ako. Puto!.

Nagpaalam sya't binaba na ang tawag. Ayoko po sanang matapos ang usapan naman kaso halatang pagod sya. Emotionally and Mentally.

I want her to rest her mind kahit sandaling oras lang.

Kailan ba kasi sila darating dito?. Kaasar naman.

I've decided to send a text to Jaden. "Bro, sama ka kila Bamby?."

"Yeah. But please don't say to her. My surprise."

Surprise daw?. Batukan ko kaya to?.

"Surprise ka dyan?. Umuwi ka muna sa inyo. Baka mabaliw na yung asawa mo kakaisip kung may babae ka ba o ano.." I almost laugh at my reply.

"I'm on my way. Kulang lang yun sa dilig. Hahaha.. Kidding.."

Bastos na bata!.

"Hoy!." sigaw ko sa kanya sa text. Parang di ko naman gawain Lance?!.

"Umayos ka Jaden!.."

"Haha.. yes sir. Pauwi na ako bro. Inayos ko lang yung papel ni Joyce para makaalis na kami bukas.."

Duon lumiwanag ang mundo ko. Buti pa tong Jaden. Mabilis kausap. E yung asawa nya?. Tsk.. Hayaan na nga.

Related Books

Popular novel hashtag