Chereads / No More Promises / Chapter 207 - Chapter 6: Not ready

Chapter 207 - Chapter 6: Not ready

"Ready guys?." ani Aron nang tuluyang nang makasakay ang lahat sa kanyang van. Ito ang dinala namin para tipid sa gasolina. Hindi sa wala kaming pambili. Sadyang iyon lang ang nais ng iba para raw mas masaya.

"Wait. Paano sina Bamblebie pogi?." ani Winly sakin. Nauna na kaming lumabas ni Joyce dahil hayun pa sila sa loob at pinapatahan ang kanilang anak. Iiwan kasi muna ito kay Papa.

Gusto ko sanang magkibit balikat nalang kaso siniko ako nitong asawa ko saka bumulong pa ng, "Tawagan mo na sila." agad sumunod ang junior sa commander in chief. Tinawagan ko nga si Bamby. Matagal pa muna bago nya ito sinagot.

"Yes, hello?." anya. Hula ko'y di nito tinignan ang cellphone nang sagutin ito.

"Kayo nalang hinihintay dito. Faster please." minadali ko na sila dahil baka mabagot bigla ang iba. Kahit alam ko namang mahaba ang kanilang pasensya pagdating sa kanila. Nakakahiya pa rin.

"Si Knoa nga kasi. Ayaw bumaba kay Jaden." paliwanag na nya ngayon.

Tsk. Yan na nga ba sabi ko eh. Mahirap na pag ganyan. "What?." Joyce ask me nang mapansin nyang lumalim ang paghinga ko. Problemado. Hindi malaman kung anong pwedeng sabihin sa kapatid.

"Ayaw magpaiwan ni Knoa." bulong ko sa kanya na narinig naman ni Karen, Winly at Aron sa may bandang harapan.

"Naku naman!. Wala ngang takas ang dalawang iyon. Isama nalang kaya natin si Knoa." ani Karen.

"Hindi pwede. Baka kung mapano eh." agap namang kontra ni Kian dito.

"We have no other choice guys kundi isama nalang sya. Tutal, para na rin namang isa na sa atin ang batang iyon." singit ni Winly. Nagsalubong ang tingin naming dalawa sa salamin na nasa harapan. "Diba pogi?. Para may mapaglibangan na rin habang nasa byahe tayo." he continued.

"Sabagay. Tama ka hijo. Tapos pag naligo kami't lahat. Ikaw na rin ang magbabantay sa kanya." si Aron naman ito na tunog nang-aasar. Agad umarko pataas ang kilay ng bakla sa sinambit nitong salita. Hijo?. Crazy!.

"Anong hijo?. Ikaw!." nagtalo silang dalawa. Nagbangayan at nagbatuhan ng kung anu-ano.

Duon ko nakalimutan na nasa linya pa pala sya. "Hey there. Isama nyo nalang. Kailangan na nating umalis."

"Pero ayaw ni Jaden Kuya."

"E di maiwan sya kung ayaw nyang isama." pati ako ay malapit nang maubos ang pasensya ibinaon ko para mamaya. Jaden!. I almost greeted my teeth for his name.

"Puntahan mo nalang hon. Baka sakaling makinig sa'yo si Knoa." my lovely wife suggested this. Bumaba nga ako ng di nagpapaalam sa iba. Masyado silang okupado sa mga bagay bagay para mapansin pa ang pagpuslit ko.

Sa loob ng bahay. Nadatnan ko lang naman na yakap ni Knoa ang leeg ni Jaden. Sumisinok na ito kaiiyak. Bamby is in their back. Nakapamaywang. Halatang di rin alam ang gagawin. Nung makita nya ako. Parang duon lang sya nakahinga ng maluwag.

"Knoa. We have to go now. Let go of your Daddy, okay?."

"No. I don't want them to go." umiling ang bata sakin.

"But, we have to, big boy. Do you want Mommy get mad at you?."

"Nope."

"Then, you should let us go then. We'll be back tomorrow afternoon and we'll bring you more pasalubongs." duon sya napaangat ng tingin sa mukha ng Ama.

"Is that a promise Daddy?." tanong nito. Mabilis tumango si Jaden. Papa is just watching us. Ayaw makialam sa maliit na problema, katulad nito.

"I swear big boy. Bibili kami ng mga pasalubong for you." pinal na ani Jaden. Binaba na nito ang bata. Si Papa naman ang tumabi sa kanya. Bamby kissed him on his cheeks, ganun din si Jaden before we left the house.

It's a second before getting six in the morning nang makaalis na kami. Wala namang nagreklamo. Mas lalo pa ngang umingay dahil inasar nila itong mag-asawa na kaya daw siguro ayaw ng bata na umalis, na silang dalawa lang, is to prevent them from doing his siblings. Natawa ako ng malakas sa birong ito ni Aron. "Natawa ka rin. Ikaw nga, wala pang naipapakita na tagapagmana. Hahahaha.."

Sumabog ng katatawanan ang loob ng sasakyan. Mga utak ng mga to. Puro kalokohan.

"Makapagsalita ka naman. May nabuo ka na rin ba?." si Dave ito kay Aron. Ito ang nasa dulong likod kasama ni Bryle. Ang akala ko, tulog ang mga to. Di pala.

"Boom! Panis ka!." kantyaw ko naman sa kay Aron.

"Atleast, Panis. E ikaw?."

"Sige nga. Ano ako ha?." ngumuso sya. Nawala ang ngiti nya subalit nasisilip ko pa rin ang multo ng nakatago nyang ngiti sa kanyang labi.

"Sira. hahahahaha.." sya lang ang tumawa. Ang iba ay, biglang nanahimik. Nagmataan kami kanina at ito ang aking ganti. Bigla syang huminto at nilingon ang bawat isa sa likod. "Anyare?. Napipi ba kayo?."

Wala pa ring nagsalita. Sa kanya lang lahat ang aming paningin. "Hey!. Stop that!. Nakakairita.." pigil nya sa paninitig naming lahat. "Mga bwiset!. Ibangga ko kaya ito. Gusto nyo?."

"Baliw!.." sinapak sya ni Kian kaya medyo gumewang ang sasakyan. Napasinghap ang lahat. Niyakap ako ng mahigpit ni Joyce dahil sa takot.

"Damn A!. Drive safely please.."

"Asshole.. stop staring then." duon na kami humagalpak ng tawa. Ayaw nya palang naaasar e tas kung mang-asar sya ay wagas. Loko. Tinalo nya pa si Winly.

Malapit na kami sa resort na pupuntahan ng may tumawag. Sinagot ko iyon and guess what?. It's from the Harvard University. Kailangan ko na raw maghanda dahil sa susunod na linggo na ang alis ko. My jaw literally dropped. Paano ako maghahanda nito?. I'm not ready yet. Physically. Mentally and emotionally. Sa susunod na linggo?. Damn! Bat ang bilis naman?. I wanted to this but damn. I have no guts to utter words right. I'm damn speechless!

"Hon. Are you okay?." she caressed my cheeks nang natulala ako ng ilang segundo.

"I'm not hon." bulong ko. Kinapa nya ang magkabila kong pisngi saka iniharap ang mukha ko sa gawi nya.

"Why?. Sino bang tumawag?."

"University hon. I'm leaving, this coming week." nagulat sya maging ang lahat na akala ko'y hindi nakikinig samin. "Congrats Kuya!." Bamby cheered for me pero heto ako't hindi maramdam ang excitement.

They all congratulated me and such, but I'm a bit scared knowing that I'm gonna have a strange life after this road trip. "Congratulations Honey.. You deserve this." hinalikan nya ako sa noo pagkatapos nyang batiin ako. I just smiled at her remarks. Di pa kasi pumapasok sa utak ko ang mangyayari pagkatapos ng kasiyahang ito. Sadly. Di pa talaga ako ready.

Related Books

Popular novel hashtag