Chereads / No More Promises / Chapter 208 - Chapter 7: Not a good bye

Chapter 208 - Chapter 7: Not a good bye

"Bro, ano ba?. Mag-enjoy ka naman." kinalabit ako ni Dave bago umupo sa upuang bakante na nasa gilid ko.

"Later bro." mahinahon kong sambit. He look away. Nakita ko sa gilid ng aking mata kung paano sya sumeryso kaya naman tinanong ko sya. "Ikaw ba?. Bakit ka andito, imbes mag-enjoy kasama nila?." lumingon sya ngayon sa gawi ko't kinindatan ako.

"Mamaya na siguro. Gusto ko lang tumambay muna rito." paliwanag nya saka binalik muli sa malayo ang tingin.

We stayed quiet for a minute. It's not even awkward because we're like on the same page. It's like we're on the same world but in different direction. Ako, hindi matapos tapos ang pag-iisip ko after this trip. What if pagkaalis ko, maulit muli ang nakaraan?. Mabilis ko din namang kinontra ang tanong ko. Baliw lang. Second is, I'm still thinking. What if di na ako tumuloy?. No!. You did already said yes to your family and her tapos yan ka na naman?. That's not healthy Lance. Think straight. Wag atras abante ang gawin mo para diretso ang takbo ng buhay mo. Tsk.

Napayuko ako sa sariling isipin.

"Anong iniisip mo?." then Dave suddenly asked this.

Naimulat ko ang mga mata matapos ang ilang sandaling pagpikit ko rito. "Ikaw?. Bakit laging nasa malayo ang tingin mo?. May nakikita ka bang hindi namin alam?." balik tanong ko without even answering his question. Dinagdag ko lang ang birong iyon para ibsan ang kabang hindi ko mapangalanan sa loob ko.

"Wala. Hindi ko lang maiwasan ang mag-isip."

"Ano bang gumugulo sa isip mo't hindi mahinto ito?." tanong ko dahil sa pagkakatanda ko. Ngayon ko lang nakausap ito ng ganito. Oo, kaibigan ko nga sya pero pakiramdam ko, marami akong hindi alam tungkol sa kanya. Masyado kasi itong mailap tungkol sa usaping pamilya nito. Ang tanging alam lang namin sa kanya ay ang may kaya sila. Iyon lamang. Sa tagal na nga namin syang kaibigan, ni hindi pa kami nakakapasok sa bahay nila o ang makita man lang ang mga magulang nya. He's so unknown. Mapapaisip ka talaga kung anong meron sa kanya.

"Hindi naman na siguro bago sa'yo ang tungkol kila Aron at Veberly hindi ba?."

Duon ako nagtaka. Yep. Hindi na bago sakin iyon dahil pinsan ko ang isa sa kanila at malapit ko ring kaibigan si Aron. So, what's the matter with them?.

"Hmm.. what about them?." umayos ako ng upo at pinagpahinga ang mga kamay sa nakatuping mga tuhod.

"I don't know how will I say this bro." anya. Mukhang mahirap sa kanya ang sabihin ito. Ano kaya iyon?.

"No matter what that is, siguro ikaw lang rin ang nakakaalam kung anong tamang gawin bro."

"Iyon nga ang problema ko bro. Ako, alam ko ang bawat galaw ko. But, her?." mabigat ang pinakawalan nyang buntong hininga.

I knew it. My goodness Veb. Kailan ka ba magtitino?.

Wala akong masabi. I have many words in my mind but I don't want to utter them. Baka kasi mali ang masabi ko dito mamaya. O malala pa ay masaktan ko sya. "And she said that, she's inlove with me now." he continues. My jaw dropped. Is she really serious?. Pinsan ba namin sya?. Bakit ganun sya kumilos?. She's in a relationship with Aron and yet she's now cheating him?. Hay... Mas lalo tuloy sumakit ulo ko.

"How about you?." I ask back. Tumigil sya ng ilang sandali bago sumagot.

"Damn bro. I am too."

"What the hell!." mura ang pinakamadaling bigkasin sa ngayon. "Ano ngayon ang plano mo?. Bro, you know him." paalala ko dito. Aron is an ass joker pero pagdating sa mga lihim at ganitong panloloko. Hindi nya ito pinapayagan o hinahayaan nalang. He will die for it. He will do anything just to save his lover. But unlucky, for now. Di ko alam kung gagawin nya pa ba ang lahat pagdating sa babaeng mahal nya after knowing that she cheated on him.

"I know. Kaya nga hindi ko magawang mag-enjoy because of that. Hindi ko kayang makipagtawanan sa harapan nya kung alam ko sa likod nya na niloloko na sya."

"What about her?. Anong sabi nya about him?."

"Hindi na raw nya ito gusto and that's an insane excuse bro." buti pa sya nasa tamang katinuan. E ang pinsan ko?. Hay... ako ang nahihiya sa ginagawa nya.

"I guess. Wala ka ngang ibang gagawin sa ngayon Dave kundi ang layuan sya. I know my cousin. She's too persistent when she really likes you. You know the thing about them with my little sister and her husband since then?. Gulo iyon hindi ba?. Sakit pa sa ulo ang dala. Kaya, as long as di pa alam nung isa. Ikaw na ang gumawa ng paraan para matigil na ang kahibangan nya."

"Saan ako pupunta kung ganun?."

"I don't know. Basta. Malayo. Yung malayong malayo ka nyang mahanap at makita." dahil kapag nagkataong hinabol ka nya. Patay tayo bro. Di ko na dinagdag pa ang dahilan ko dahil mukhang alam na nya iyon.

"Hoy!. Mga bakla ba kayo?. Kayo nalang kulang dito." sa di kalayuan ay kumaway bigla ang taong topic namin.

"Tama ka nga bro. Pag nakikita kong nakangiti sya ng ganyan. Parang natatakot akong makita kung paano sya masaktan. Kaya wag kang mag-alala. Ngayon palang. Lalayo na ako."

"That's for your own good bro, pati na rin ng pagkakaibigan nating lahat. And don't worry about her. Kakausapin ko ang Kuya nya. Ipapabapik ko sya ng Canada for everyone's sake."

"Thanks bro. Tara na duon baka pagkamalan pa tayong magjowa dito."

"Nababaliw ka na rin." biro ko. Natawa sya.

"Hindi pa naman. Matino pa ako ng kaunti hahaha.." lumapit na kami sa kumpulan ng grupo at nakihalubilo sa biruan nila.

Ang hindi ko alam. Ako pala ang hot topic nilang lahat. "Speech ka naman dyan pogi." nagtaka ako't tinanong sila kung bakit at para saan. Ang sabi nila. Despedida na raw ito sa pag-alis ko.

So I gave them one heartfelt speech.

"Guys, this is not a good bye but it's just the beginning of our journey. Nasa iba't ibang parte man tayo ng mundo pagdating ng panahon. Alam ko sa bawat isa sa inyo na andun pa rin ang daring samahan ng ating grupo."

Nagpalakpakan silang lahat. Nagtanguhan naman ang iba at sumang-ayon sakin. Malapit nang mag-iyakan ang mga babae ng tumayo si Winly at biglang nagtaas ng bote ng alak. "Guys, let's not cry here. Andito tayo para magbawas ng stress. So help me out. Let's enjoy this night." deklara na nya. Walang nagawa ang lahat kundi magsaya na parang wala nang darating pang umaga.