Nagkamustahan ang lahat. Nagbatian dahil sa ilang taon na lumipas. Maraming nangyari sa buhay ng iilan. Balita ko. Yung iba, abala pa rin sa internship sa school. May trabaho na rin ang iba. Yung iilan naman single pa rin. Tinukso pa nga ako pero nagkibit balikat na lamang ako. Yung ilan naman. Broken hearted pa rin kagaya ko. Napapakamot nalang ako ng ulo sa tuwing tinatanong nila ako tungkol sa buhay single ko.
"Masaya bang maging single par?.." Ani Billy not minding kung may makarinig o wala. I mean. Wala naman syang alam pero pakiramdam ko meron dahil sa naging tanong nya.
I just chuckled at his question and made my bottoms up. Sa totoo lang. Masaya naman talagang maging single. Malaya. Tahimik. Komportable. Walang problema. Walang stress subalit sa tuwing naiisip kong mas masarap magmahal. Nadudurog lagi puso ko.
Yes, I am single! But deep inside I am very much taken.
May parte sakin na hanggang ngayon umaasa pa rin sa kapatawaran nya. I know. It's hard to forgive and forget but it's even harder to pretend also that you don't care anymore to someone who's been with you all along. Di madaling makalimot at limutin ang nakaraan lalo na kapag mapait ito kasama nang mga alalang masarap balikan. Na aakalain mong dumaan pala ang moment na yun at naranasan mo pa.
"O bat natatawa ka lang?. Wala man lang bang fling dyan?. hahaha.." natatawang ani Aron. Di ko tuloy malaman kung nagbibiro lang ba ito o may pinaparinggan sa kabilang dulo ng mesa. She's with my sister's company at maingay ang grupo nila kanina pa pero pansin kong nakangiti lang sya at hindi tulad ng iba ang todo ng ngiti nya.
"How about yung Klare na sinasabi mo sakin?. Di mo ba yun nilagawan?.."
"Tumahimik ka nga!.." itinago ko ang inis nang pagsabihan ko ang madaldal na kaibigan. Ramdam kong di nalang basta pagpapansin ginagawa nya. He's making some attention for someone or should I say, for her.
"Ang korni neto. Para malaman lang eh.." nguso pa nya. "Sige na. Para matahimik na rin kami dito. Ikaw lang kasi single eh. hahaha.."
"Really?. Sinong babae naman ang pumatol sa'yo kung ganun?.." I asked back.
"Hahahaha.. bakit?. Anong akala mo sakin ha?. Gwapo rin to bro! wag kang umasa na ikaw lang.."
"Ahahahaha.." natawa tuloy mga kasama namin sa mesa. Sina Billy, Dave, Bryle at Bryan ang andito. Yung grupo ni kuya nasa kabilang mesa. Ganun din ang kila Bamby.
"Par, puntahan mo na sina Bamby oh. Parang di na maganda mukha ni boy Jaden.. parang paiyak na.. hahaha.." kinalabit ako ni Dave para tignan ang tinutukoy nya. Nakatalikod kasi ako sa gawi nila at duon ko lang napansin na medyo di nga maganda ang itsura ng mukha ni Jaden. Seryoso ito. Maging si Bamby ay nagsalubong na rin ang kilay ngunit may ngiti pa rin sa labi. Meaning! She's on the asshole mood!
Pinuntahan ko sila at kinausap. Wala sinuman sa kanila ang sumagot. Basta nalang kaming tinalikuran ni Bamby at nagmartsa na sya sa loob ng bahay. Tuloy ang lamig ng alak na ininom ko kanina ay napalitan ng init at agad itong umakyat sa ulo ko. Ako na ang humingi ng pasensya kay Jaden. Hinatid ko pa nga sa upuan nya dahil nakayuko nang umiiyak. Kuya talked to me and asked what had happened pero di ko sya nagawang sagutin dahil sabog na ang inis ko. Kuya marched towards the house at mabilis ko rin syang sinundan. I talked to everyone at sinabing maayos lang ang lahat.
I mean. Sana maayos lang talaga lalo na si Jaden. I don't get what Bamblebie did to him! She's been longing for him all along tapos gaganunin nya lang! Tskk! Nakakafrustrate!
Pumasok ako ng bahay at halos tumalon na paakyat ng silid nya. Kuya is comforting her again. Lagi nalang sa tuwing may mali itong ginagawa. Di ba nya alam na nagiging matigas ulo nito pag kinukunsinti nya lagi?. Tsk! He's also frustrating me!
"Tama na nga!.." kuya shouted at me. Pinipigilan ako sa galit ko.
Agad kong hinila si Bamby palabas ng silid nya at dinala sa high window kung saan tanaw mula rito ang garden. "Masaya ka ba sa nakikita mo ha?. Akala ko ba gusto mo sya?. Why did you do that?.."
"Stop it bro! Lalo mo lang pinapaiyak e.." kuya interrupted. I just ignored him at sinamaan ng tingin ang bunso namin na nakangangang nakatanaw sa labas. Jaden's head is looking down. He's sobbing I guess dahil yumuyugyog pa balikat nya.
"Gusto ko lang naman malaman kung may gusto pa sya sakin eh. " she reasoned out. Isang malutong na mura ang pinakawalan ko.
"What the hell Bamblebie! are you even sane?.." dagdag ko sa mga mura na di papipigil.
She then explained na ginawa nya lang daw iyon just to see how Jaden would react. It's her way raw to find out if he still wants her.
And her answer is yes. I don't know how she knew his answer after she hurt him that way but I felt relief. It's really weird at hanggang ngayon di ko pa rin makuha punto nya. Kaya sinabi kong ihatid nya ito sa kanila kahit pa delikado na.
"Lance, tayo malalagot kay papa.."
"Malalagot tayo kung sasabihin mo sa kanila. It's her fault now kuya. Stop tolerating her mistakes.." dagdag ko pa sa mga di maubos ubos na sagutin namin.
Nang bumaba kami. Pinanood ko lang sya na isikasuhin si Jaden papasok ng sasakyan. Di sa gusto ko syang mahirapan. Gusto ko lang marealize nya ang mali nya. It's not even good na manakit ng tao para lang malaman mo ang nararamdaman mo. Maling mali at ayokong ulitin nya pa iyon.
Noong nakaalis na sila. Kuya kicked my ass. Like damn! Ang daming nakakita dude!!
"What!?.." tanong ko habang hawak ang pwetan. Embarrassed!!
"Pag may nangyari dun, babangasan ko mukha mo.." he said seriously. Nangunot lang ang noo ko saka na sya iniwan. Gusto kong idefend ang sarili ko pero di ko magawa dahil sa mga matang nakamasid. It's addicting in a way na kung pwede lang ay ayaw na nito akong pagalawin as normal as I do.
After a while.
"Anong nangyari kanina?.." si Winly ito nang nasa mesa na ako. Kalmado na. Kumukuha ako ng pagkain. Bigla akong nakaramdam ng gutom matapos ang mahabang diskusyon na iyon.
"Wala.." I lied. He just shrugged his shoulder then walked away.
Kumukuha pa ako ng gulay ng maamoy ang pamilyar na pabango na iyon.
"Is she okay?.." isang malamig na may halong lambing ang boses nya nang itanong nya ito. I'm like! What the fucking shit!! She's asking me now!!
Huh!!
"I heard it earlier. Jaden also is crying. Is everything okay?.."
"Maybe.. I don't know.. but I?.. aren't you gonna ask how--.." I almost stuttered.
"I came here just for Bamblebie. Nothing more. Nothing less.." she cut me off! At laglag ang panga ko sa ginawa nyang iyon.
Hindi ako makahanap ng irarason dahil napahiya ako sa harap nya mismo. Big blow dude!! Is it game over?! No! Damn Lance! Ano bang ginagawa mo? Ano bang tumatakbo dyan sa isip mo? Can you please think straight man! Atleast for tonight!!
I feel like I'm nothing tonight. Na kahit andito ako sa paligid. Pakiramdam ko, wala pa ring nakakaintindi sakin. Walang nagmamalasakit sakin at lalong walang nagmamahal sakin.
Am I that worthless?