Alas diyes na yata nakabalik si Bamby sa bahay. Di ko sya sinalubong dahil hanggang ngayon, naiinis pa rin ako sa kanya. Kahit busog na ako't medyo may tama na rin. Hindi pa rin nawawala sakin ang kung paano kadali nalang sa kanya ang manakit ng damdamin ng iba. Paano nalang kaya kung may ideya na sya sa aming dalawa ng kaibigan nya?. Mas lalo siguromg di kami magkakasundo sa lahat ng bagay. Nakakatakot tuloy umamin. I mean. Di naman ako duwag pero sa tuwing naiisip ko ang magiging trato nya sakin. Napapaatras ako.
"Cr lang ako.." paalam ko. Natanaw ko kasing tumayo sina Winly. Bahagya pang natumba ito ngunit agad ding naayos ang sarili. He's with the two girls at mukhang papasok rin sila sa bahay.
Gusto ko syang kausapin. Hihingi pa ng isang pagkakataon.
"Cr ba talaga punta mo o may sinusundan ka?.." bigla ay inakbayan ako ni Aron Mula sa likuran. Mabilis nya akong nahabol na para bang wala pa syang tama.
"Tsk.. ano bang ginagawa mo?.." siniko ko sya dahil napalakas yata ang pagkakasabi nya neto dahilan para mapahinto ang iilang nadaanan namin. Lihim kong kinuyom ang kamao saka nginitian nalang ang mga taong nagtataka sa amin.
"Ang daldal talaga.. umuwi ka na nga.." inalis ko ang akbay nya at nag-paunang pumasok sa loob.
"Kita mo to.. nakakita lang ng anghel, pinapalayas na ako.. di mo ba alam pare.. ako to.. yung superhero mo.." natatawa nitong wari. Nakamot ko nalang ang ulo sa kakulitan nya. Lasing na talaga ito kaya mangungulit na.
"Bwahahahahaha.. o bat di ka makapagsalita?.. totoo diba?. hahaha.. o baka naman gusto mo pang ako ang tumawag sa kanya para lang makausap ka.." agad nyang tinakpan ang bandang mukha nya dahil naghanap talaga ako ng pwedeng ibato.
"Uy! Ano ba!?.. hahahaha.." humagalpak sya ng batuhin ko ito ng mga stress ball ni Bamby na nakalagay sa ilalim ng upuan.
"Uwi o bukol, mamili ka na?.." tanong ko habang patuloy sa pagbato.
"Ayos lang ang bukol, atleast nakikita pa rin kita.. hahaha.."
"Ulol!.." nang naubos na ang bola ay tinalikuran ko na rin sya. Napagod din ako eh.
"Hintayin mo ako bro.. matutulog ka na ba?. tabi din tayo.." may halong tawa ang pagkakasabi nya nito.
May hawak pa akong isang stress ball. Sinadya ko talagang iwan iyon para mawala ang inis ko. Pero sa kulit ng taong lasing na to?. Wala! Mukhang mauubos nga ito sa mukha.
"Aww!." reklamo nito kahit di pa naman tumatama yung bola sa kanya. Nada ere na ang kamay kong handa nang magbato sa gawi nya subalit nabitin iyon nang tingalain ako ni Joyce. Bigla nalang akong naestatwa nang di ko nalalaman.
"Gurl, sabay tayo mamaya ah.." boses na ito ni Winly. Parang palabas na rin ng cr. Di ko mahanap si Karen sa kanila. Baka kasama siguro ni Bamby. Ewan. But my heart is pounding so hard right now. Kinakabahan ako na natatakot na ewan.
Tumingala rin sakin si Winly bago nya kausapin at hilahin si Joyce paakyat ng hagdan. "Go na girl.. this your time.." anya pa habang ang taong hinihila nya ay sakin pa rin ang mata. Napalunok ako ng wala sa oras. Matapos nilang huminto sa harapan ko. Natigilan talaga ako ng sobra. Kinawayan pa ako ni Winly kahit sobrang lapit na nya. "Gusto ka raw nyang kausapin pero nahihiya sya kaya hinila ko na papunta sa'yo pogi.." paliwanag naman nya. Di ako sumagot. Tinignan ko lang sya lalo na ang taong di makatingin sakin. "Mag-usap kayo ng kalmado please.. nasa kusina lang si Bamblebie.. baka marinig nya kayo.. lagot tayo.." paalala pa nya. Isang malaking ngiti ang ginawa nya bago tumalikod at nag-umpisa nang maglakad pababa. "Ah isa pa pala.. wag masyadong habaan ang usapan ha.. uuwi pa kami pagkatapos nyan pogi.." nagfying kiss pa bago tuluyang bumaba.
"Enjoy love birds!.." tukso pa ni Aron. Nasa baba pa pala sya.
"Wag ka ngang maingay. Isa ka pa.." hinila sya nito palabas.
"Talagang iisa lang naman ako.. sila ang dalawa dahil magjowa sila.." nilingon pa kami. Kumindat at nagpalipad ng isang malaking puso sa ere. Crazy!!
"Psh.. ang kulit! Alam ko hello!. Wag ka ngang maingay.. baka may makarinig eh.. tayo ang malalagot.."
Di ko na sila pinansin pa at tumutok na sa taong hanggang ngayon ay wala pa ring imik.
"It's been awhile.. kamusta na?.." I asked confidently. Di ko nga alam kung saan ko napulot ang lakas ng kumpyansa ko ngayon eh. Basta ko nalang naramdaman nang lapitan nya ako. Di ko kasi inaasahan pa to dahil una, sinupladahan nya ako kanina dun sa may mesa. Pangalawa. Ang akala ko, ayaw na nya talaga akong makita, tapos boy! Heto sya, gusto raw akong kausapin. Damn! Para saan?. And lastly, ang akala ko pa. Balewala pa rin ako sa kanya. HINDI PALA! Damn it! What a lucky man!
"Eto.. maayos na rin.." nautal pa sya. Nasaan napunta yung tapang nya kanina? Bat biglang naglaho?.
"Bakit di ka makatingin sakin?.." humakbang ako palapit sa kanya, napaatras tuloy sya. Agad kong hinila ang braso nya dahil baka mahulog sya.
"Masarap diba?. Nasaan na ba kasi yung dalawa?. Sabing dalian eh.." dinig na dinig ko ang usapan nina Karen at Bamby Mula sa kusina papuntang sala kaya mabilis ko syang hinigit sa gilid. Kung saan di kami makikita. Napasandal sya sa pader at natuon ang hawak ko kamay nya sa semento kung saan ilang agwat lang mula sa ulo nya. Nagkalapit din ang katawan namin kaya pati paghinga nya ay nararamdaman ko. Mainit at mabilis.
"Sa labas nalang natin sila hanapin. baka bumalik na sila dun.." sagot rin ni Karen. Thanks to her dahil rinig na rinig ko ang kalabos ng paa ni Bamby paakyat. At lalong ramdam na ramdam ko ang tibok ng puso nya. Sobrang bilis!
"Siguro nga. Tara na.. Nakakamiss si Joyce. Dito nalang kaya kayo matulog.." huli kong dinig na sambit ng kapatid ko. At duon na rin sila lumabas nang silipin ko sila.
"La-nce, baka hinahanap na nila ako.." nauutal pa nyang sambit. Lumayo ako ng bahagya sa kanya at hinawakan ang baba nya upang iangat ito at magpantay ang aming paningin.
"Andun naman si Winly.."
"E kasi--.."
"Akala ko ba gusto mo akong kausapin?. Tell me. Anong gusto mong sabihin?.." mahina kong himig. Pumikit pa sya. Tuloy di ko mapigilan ang ilapit ang ilong ko sa tungki ng ilong nya. "I miss you so much baby at kung iyon ang gusto mong sabihin sakin.. I miss you too.." pumikit rin ako saka hinalikan ang tungki ng ilong nya.
Ilang sandali pa ang lumipas pero di sya nagsalita o kahit ang itulak ako. Instead he grabbed my shirt at iniyakap na sa akin ang isa nyang braso na di ko hawak. "I am still lost Lance.. and I don't know how to find myself again.." she whispered. Binaba ko ang kamay naming dalawa. Hinawakan ko ang palad nya. Pinisil ko iyon. Then, I tilted my head para yakapin rin sya.
Di ko sya sinagot. Hinayaan ko lang syang yakapin ako o ang yakapin ko rin sya. We missed each other's arms. At iyon ang totoo sa lahat.
After a span of minutes. Hinanap ko ang kamay nya saka pinagslikop ko ang aming palad. "Papa, wants to meet you.." sabi ko. Natigilan sya at natulala.
"What!?. Lance, no! Nakakahiya!.."
"Bat ka mahihiya.. Kasama mo naman ako.." I reason out.
"Kahit na.. papa mo iyon at--.." her breathing became heavy. Parang ayaw sa idea ko.
"Sige kung ayaw mo. ayos lang.." Sabi ko. Pumikit sya at nagpakawala pa muna ng hininga bago dumilat at tumingin saking mata.
"Okay.. okay.. marami akong natutunan sa nakaraan Lance at isa doon ang pagbabalewala ko sa mga gusto mo. Naisip kong mali pala iyon.. Kaya kung yun ang gusto mo.. sige.."
Natigilan ako. "Paano ka?. Ang gusto mo?."
Umiling sya habang suot ang isang magandang ngiti. "Laging ang gusto ko noon ang nasusunod.. kaya ikaw naman ngayon.."
"Ibig sabihin ba nito?.. tayo na ulit?.."
"Kung sasabihin ko bang hinde, papayag ka?.."
"Hinde.." mabilis kong sagot. "I mean. Di ka na galit sakin?. Kasi kanina--.."
"Hindi ko kayang magalit sa'yo.. ginawa ko lang iyon dahil kinakabahan ako sa presensya mo.."
Napangiti ako ng wala sa oras. Di ko na naman napigilan ang sarili kong yakapin sya. "Grabe.. alam mo bang naisip ko lang kanina na wala akong kwenta dahil dun?.."
"Hmm.. sorry for that.. sorry for making you feel you're worthless.. sorry for making you cry and alone.. sorry---.."
"Ehem!.." isang tikhim bigla ang umalingawngaw sa paligid. Mabilis kaming naghiwalay. At nakita ko kung paano lumaki ang mata ni papa pero di nya iyon pinatagal pa.
"Pa?.." I called him. Nahihiya. Kinamot ko ang batok sa hiya!
He didn't even responded. He just stare at us na para bang isa kaming napakalaking balita sa tv.
"Lance Eugenio?.." tawag nya sakin. Meaning, kailangan ipaliwanag ito.
"Papa, papunta po talaga kami sa inyo.."
"Bakit di na kayo tumuloy.. labas masok ang ibang tao dito Lance.." kinagat ko nalang ang labi sa narinig.
"Tara na duon.. let's talk about that inside.." pinal na pahayag nya. Nauna na syang naglakad. Hinawakan ko ang kamay ni Joyce. Sobrang lamig.
"Relax okay.." niyakap kong muli sya bago kami sumunod kay papa.
Naghalo halo lahat ng pakiramdam ko. Pero mas nanaig sakin ngayon ang pagiging masaya dahil sa wakas, at sa isang iglap! Nasa bisig ko na rin sya. Di pa rin ako makapaniwala at parang ayoko pang maniwala na we're back together again. Alam mo yun?. Parang kisap mata lang. Kami na ulit! What the hell Lance! Masyado ka namang gwapo nyan! Pabangas ka kaya! Heck!