Chereads / No More Promises / Chapter 149 - Chapter 38: Bamby

Chapter 149 - Chapter 38: Bamby

Hanggang sa bahay. Tahimik pa rin ako. Ang daming tanong ni Bamby pero ni isa sa mga iyon ay wala akong nasagot. Anong isasagot ko?. Na hindi ko sinasadya na makita sya?. Psh! E yun naman talaga totoo diba?. Why bother Lance?. Anong magandang sabihin kung ganun!. Hey sis! Your bff is right there? Fuck! Kung di lang siguro nangyari ang mga nangyari na, baka pwede pa. But it's never gonna be the same anymore. Mayroon at meron na talagang pagitan sa aming dalawa. Alam ko iyon at ramdam na ramdam ko pa.

"Hey! Ano ba?. May kausap ba ako o wala?.." Bamblebie just walked out nang titigan ko lang sya matapos nya akong batuhin ng unan. Andito sya sa may silid ko at as usual nagtatanong tungkol sa mga bagay bagay. I have this guts na gusto nang umamin sa kanya about her bff but damn man! Nanatili pa rin sakin ang pagiging torpe. Di ko alam kung kanino ko ito namana. Kay mama ba o kay papa. I don't know.

Wag ka nang mandamay ng iba Lance! It's just you and you! Wala ng iba. Pangongontra ng isip ko.

But the way she looks right now. Man! Man! I think my love for her will go deeper and deeper. Hindi ko na naman maiwasang isipin sya gayong hating gabi na. Kahit anong anggulo na nang paghiga ang ginawa ko ay di pa rin ako nakuntento. Talagang di na sya mawala pa sa isip ko.

"Bro, wake up! It's already six in the morning!.." kumalabog ang pintuan ng kwarto ko. Sinipa nya yata o sinuntok. Ewan. Pero sigurado ako duon sa ideyang suntok. Ugali nun minsan e. Lalo na pag di ako nagigising ng isang katok lang! Boom! Boogshh!!

Bumangon na ako at nag-unat. Di ko na hinintay pa ang mabato tong mukha ko o ang masipa sa paa. Baka mabawasan angas eh. Feeling lang!

"Lance, dali na! Marami pa tayong gagawin!!." dinaig nya pa si mama. Mamaya nyan lalabas na si bunso, magrereklamo sa ingay nya.

Tumalon ako. Nagpush up ng trainta siguro tapos diretso na ng banyo para maligo. Ilang minuto lang naman ang pagligo ko kaya bumaba na rin ako pagkatapos.

"Hindi ba pwedeng wag maingay pag umaga kuya?. Gosh!! nakakainis kayo!.." dinig kong reklamo ni Bamby sa may kusina. Tama ako. Gising na sya.

"E kasi kuya mo, ang tagal. Dinaig mo pa.."

"Why didn't you kick his ass instead of screaming?.."

"Hahahaha.. why?. do you want me to kick his ass right now?.."

"Have a try kuya. What do you think?..."

"Sure. Why not?. Just don't run after me later huh?.."

"Why?. susubukan mo lang naman eh.."

"Subukan nya lang.. Matatamaan yang si Jaden sakin. " bigla kong singit sa usapan nila. But kuya did know na kanina pa ako sa likod ni Bamby. Nakisakay lang sya na kausapin ang iaa habang di sinasabi na nasa tabi tabi lang ako. Nakikinig lang sa usapan nila. Nilagpasan ko sya saka nilapitan si kuya sa may sink.

"Aww.. morning bro.." reklamo nito sa siko ko. Nginiwian ko lang sya.

"What?. O my ghad!?. paano napasok yung tao sa usapan dude?.. kuya Mark, it's your time to shine! Kick some ass bro!.." pang-aasar nya pa samin.

Nagkatitigan kami ni kuya at alam ko na rin kung anong nasa isip nya. We paused a second and then both walked part ways towards her. At duon namin sya binuhat. Si kuya sa ulo nya at ako sa paanan nya.

"What the hell!!. Papa! Mama!. Help!?." tili pa nya.

Yan! Dyan kami parating narereklamo dahil sa tili nya.

"Guys, ano ba?. Ang aga aga!.." bumaba si mama at syempre tinuro na kami ni kuya.

"Put her down now. Nakakahiya sa mga kapitbahay yang ingay nyo!.." dinuro pa kami ni mama dahil di pa namin sya binaba. Imbes nagpaikot ikot muna kami ni kuya para sya ay mahilo. At kami rin naman.

"Kayo ang tatanda nyo na!. Magtanda nga kayo.." nabatukan kami ni kuya dahil umiiyak si Bamby dahil sa hilo. Bumaba rin si papa para pagalitan kami. isang mahabang sermon pa muna ang inabot namin bago kami tumuloy sa aming lakad.

"Dude, sinabihan mo na ba silang lahat?.." kuya asked nang nasa kalsada na kami pauwi. Nakakapagod bumili pero wala rin naman kaming ibang utusan kundi kami kami lang rin ni kuya.

"Nagchat na ako sa gc. Punta daw sila.."

"Sina Winly, you sent them some messages too?.."

"Tapos na po.."

"How about--?.."

"Binilin ko na kay Winly. Baka di pumunta pag ako nagsabi sa kanya mismo eh.." wika ko about inviting Joyce over the party.

"Hahahaha.. astig ng plano ah. Plan B agad.. Idol!.."

"Tsk.. crazy monk!.." nagbangayan pa kami hanggang bahay. Napagsabihan pa ulit kami dahil nauubos raw oras namin sa bangayan.

"Hella bro.." sagot ni Aron sa tawag ko.

"Patulong naman rito.."

"Bakit?. hahaha.."

"Eh.. masyadong maraming kailangang gawin eh. Alam mo na.."

"Anong alam ko na?. hahaha.."

"Tsk.. ulol! Basta. Pumunta ka na dito. Call Kian and Jaden.. at kung sino pang available.."

"Oo nalang.. Ang boss nga naman oo.."

"Hoy bilis na! Maraming beer na dito.."

"Ayan! Yan gusto ko. Dapat malamig na pagkarating namin dyan.." matapos nyang dumaldal pa ng napakahaba. Nagpaalam na rin ito.

"Kuya, yung cake ko ha."

"Anong cake?.." tanong ko kunwari. Alam ko na kasing dati na nya tong inorder. Ilang ulit na nya kayang binulong sakin kanina. Tatlo?. Apat?. Hayst!!

"My goodness! Nakalimutan mo na agad!. you're annoying!.." humalakhak ako sa haba ng nguso nito.

"Oo nalang.." sagot ko para ngumiti na sya. Maya maya. Dumating na rin sina Aron kasama nung dalawa. Lumabas ako para kausapin sila.

"Bro, busy yung iba eh. Kami lang available.." natatawang ani Aron. Nagtapikan kami ng balikat. Ganun din kina Jaden at Kian na nagdalawang isip pang lumapit sakin.

"Bro, sorry about last time.." konyo nitong saad. Nginitian ko sya bago inakbayan.

"Wala na yun bro. Tara sa loob.." yaya ko sa kanila.

"Ah bro. Kakatext ni Dave, magpapaaundo raw sya.." Ani Jaden. Sina Kian ay pinapasok na sa may garahe yung sasakyan nya. Pinalabas ko naman kay Aron yung puting sasakyan na gagamitin para bumili pa nung kulang sa party. Maya maya. Lumabas si Bamby nang di inaayos man lang ang buhok. I saw how her eyes become wider. Nanlaki ang mata nya kahit likod palang nung taong bukambibig nya ang nakikita nya.

"What?.." I just mouthed this para di marinig ninuman but her eyes is already fixed on him. Laglag ang panga nyang nakatingin dito.

May pinaayos ako kay Jaden na sealbelt kaya nakatalikod sya ngayon but when the moment when he turned to us, lalo na sa kapatid ko?. Boom! It's a priceless moment! Nakakatuwang tignan ang mukha ni Bamblebie. Yung excitement na may halong pagkagulat at surpresa?. Nice! It's really a deal!

"Oh hohoho.." binasag ko ang napaka-awkward na pagitan nila just to remind them na di lang sila ang tao.

"Kuya!?.." tili nya matapos iabot sakin yung receipt nung cake at magreklamo. Alam ko na kung anong reklamo nya. It's the presence of her long time crush. Nagdabog syang tumakbo papasok.

"Anong nangyari dun?." nagtatakang tanong ni Aron samin. Jaden, still not moving. Nakatitig lang sa kinatatayuan ni Bamby na para bang andun pa yung taong kaharap nya kanina lang.

"Hoy! Tulala ah!. Tinamaan ka na naman.. hahaha.." ginulo agad ni Aron buhok ni Jaden saka na dinala sa loob ng sasakyan. Sa buong byahe nila ito inasar at kinantyawan. Hanggang sa pagaundo kay Dave pati sa pagkuha ng cake na request ni Bamby ay di pa rin paawat ang mga ito. Hinayaan ko lang rin naman sila dahil maging ako rin naman ay natutuwa sa ginagawa nila. Not saying na, gusto ko na sya for her pero bilang kaibigan. Gusto kong matuwa naman sya kahit papaano.

Kuya introduce him to papa at nagkatuwaan pa ang mga ito. I thought lalabas si Bamby just to sit beside papa but I am wrong. Di sya nagpakita at lumabas. Nung dumating na ang mga bisita duon lang sya lumabas. At sa pagkakataong ding iyon. Duon ko na rin ulit sya nakita. As usual. With her friends. Winly and Karen. Clapping and smiling for my sister's presence.

How I wish na ganun rin ulit sya ngumiti sakin. How I wish!