Chereads / No More Promises / Chapter 148 - Chapter 37: Enough

Chapter 148 - Chapter 37: Enough

"Kuya, anong plano?. Weekend nalang ba o this coming days na?.." I asked kuya about the party that we're doing. It's a welcome party para kila papa at Bamby. I already told this to papa at pumayag naman sya. Malamang dahil may gusto syang makita. And that! Sobrang kinakabahan ako! Natatakot ako na baka di sya pumunta o tanggihan ang imbitasyon ko or worst, layuan na nya ako ng tuluyan. Di pa naman ako nababaliw diba?. Napapaisip lang ako sapagkat, ilang taon din kaming di nagkita tapos boom!. Kamustahan agad. Basta! Kinakabahan ako ng sobra ngayon!

"Weekend na siguro. Busy ang lahat sa schools nila e.." yun pa yung isang reason bat ako di mapakali. One time kasi. Pumunta ako ng mall to just have some window shopping. Bored ako sa bahay at naririndi ako kay Bamby na panay Jaden ang bukambibig. Kaya namasyal nalang ako mag-isa. But unfortunately! Sa hindi sinasadyang pagkakataon. I saw her. Standing in front of a pastry shop. May iniaabot sya sa mga taong dumaraan ngunit karamihan sa kanila ay di kinukuha ang binibigay nya. My heart aches everytime na ngingiti nalang sya na para bang di nasasaktan sa pangbabalewala ng mga tao sa kanya. I tried to swallow but damn! Hindi ko magawa sapagkat hindi ko pa rin malunok kung paano syang napunta sa harapan ng pastry shop na yun. Ang daming tumatakbo sa isip ko na katanungan ngunit kahit isa sa kanila, wala akong masagot dahil abala masyado ang atensyon ko sa walang kupas nyang ngiti. Kahit halata na sa mukha nya ang pagod ay pinili pa rin nitong ngitian ang mga taong tinatarayan sya. I heard kasi from Winly na nasa Antipolo raw sya sa tuwing bakasyon. Hindi nya sinabing andito sya para magpart time job. Napapikit ako sa sakit na muling dumaan sa lalamunan ko.

Kailan kaya magiging magaan ang buhay mo mahal?. Tanggapin mo pa kaya ako kung susulpot ako bigla sa harapan mo?.

I asked myself a hundred times. Kung gagawin ko ba ang nasa isip ko o panoorin nalang sya mula sa malayo?. At sa tinagal tagal ng oras ko sa tabing dulo. Di ko na nagawang magpakita pa sa kanya. Hinayaan ko lang ang sarili kong mabusog, kakatingin sa ngiti nya. That's enough for now. Tama na muna siguro iyon dahil alam kong pagod sya at mas kailangan nya ng pahinga at hindi ng sakit ng ulo.

"Bro! Where the hell are you?. You're out of the world again?.." binato ako ni kuya ng hawak nyang libro. Nasa may garden kami at hinihintay si Bamby na bumaba. Mamamasyal kami ng mall. As usual. Request nya.

"Huh?.."

"Tsk.." singhal nya lang sakin saka na tinawag ang aming bunso. Kanina pa ito bagot na bagot na para bang may iba pa syang pupuntahang lakad.

"Let's go.. Excited ka naman masyado eh. oh hi there kuya!.." kalaunan. Bumaba na rin si Bamby kasama ang nakabusangot na si kuya. I just greeted back Bamblebie and ignored kuya's face. Ayokong isipin ang problema nya. May iniisip rin ako at baka mabaliw ako ng tuluyan kung aakuin ko lahat ng problema nila. So, one is enough!

Pagkarating ng mall. Naglibot na agad kami. Kuya got bored at iniwan nalang ako basta sa Bamblebie na makulit.

"Bamby. " tawag pansin ko dito nang nasa isang clothing store kami. Titingin raw sya ng matitipuhan nya. Hay! Mga babae nga naman! Ayaw paawat sa mga gusto.

"Yes?.."

"Can I ask you a question?.."

"Your asking already dude.. hahaha.." sarkastiko nitong sagot. My brows furrowed. Ang ganda ng pagkakatanong ko tapos pasarkastiko lang sya kung sumagot! Hayyyy!!!

"I'm serious Bamby.." seryoso kong dagdag.

She just glanced at me then answers, "I am too dude.. you know.. hahaha.."

The way she answered right now?. She's on the asshole mode! At ako?. Hindi ko magawang sumakay sa trip nya dahil nasa paligid lang yung taong gusto kong makita ulit! At ang taong gusto ko ring ipakita sa kanya! Paano ko sasabihin sa kanya ang tungkol sa kaibigan nya kung ganyan sya?. Nakakainis!

"Kidding aside dude..ano ba!?. Ang seryoso mo masyado, hahahaha.." humalakhak pa sya habang inabot sakin yung damit na pula. It's a dress at sa tingin ko ay sobrang iksi pa. Tsk!!

I just stared at her while she's giggling at my annoyance.

"Joke lang kuya okay?.." then she realized na seryoso nga ako. Humalukipkip sya at nginiwian ako. "Ganyan mo na ba ako kamiss ngayon at pati noo mo ay di na maalis ang kunot ha?." nginuso nya ang noo ko. Saka ko lamang iyon inayos at kinalma ang sarili. "Sayang ang kagwapuhan mo pag busangot ka lagi.. smile ka naman dyan please.."

"I'm tired.." it's a bit lie and a truth. Pagod ang katawan ko kahihintay sa kanya tas pagod naman isip ko kakalayag sa kabilang pwesto!

"No you're not. You're just acting para di ko bilhin yang damit.."

Hayst! Sabi na nga ba e! Bat nahihilig ito ngayon sa maiiksing damit! Tsk!

Itinaas ko yung hawak na damit na may hanger pa saka umiling. "Too short Bamblebie. It's a no!."

"Pero kuya. Maganda sya. Look oh!.."

"No is a no Bamby.. that's final!.."

"Kainis naman e. Ito lang naman bibilhin ko e. Wala na.. promise.."

"I don't care kung may bibilhin ka pa o wala na.. Just. I don't want the fact na sobrang iksi nung damit na yan.."

"It suits me naman.. it's my body-.."

"Still a no!!.." giit ko dahil pinipilit nya talaga. We paused for a minute dahil pareho yata kaming naiinis sa isa't isa. Nakakahiya na sa sales lady.

In a span of seconds...

"Fine.. okay.. kunin mo na yan.." bawi ko na rin para matapos na. Ang hirap pa naman nyang pakisamahan pag sobrang tumahimik na sya. Tipong parang wala kang kasama.

Kalahating minuto pa muna ang lumipas bago sya nagsalita. "Di ko naman basta isusuot to. Promise, isusuot ko lang to pag si Jaden na kasama ko.."

"Bamblebie!?.."

"It's a joke.. hahahaha.." halakhak nya patungong cashier na. Di nakakatuwa yung biro nya. Masapak ko pa mukha ng Jaden nya pag kasama ko eh!!

Masaya syang lumabas ng store at ako?. Ginawang taga bitbit. Hinayaan ko nalang at ganun din ang pagkawit nya. ng braso nya sa akin.

"Bamby, gutom ka na ba?.." kabado kong tanong. Naghahanap na ako ng tyempo para sabihing nasa malapit lang si Joyce. Alam kong maeexcite ito.

"Gutom na gutom. You wanna treat me?.." masaya pa nyang himig.

"Sure..basta treat mo rin ako mamaya.."

"Call.. anong gusto mo?.."

"Kape lang.. ikaw, anong gusto mo?.."

"A piece of cake, ice cream, burger and fries.."

"What!?.."

"Hahahaha.. I'm really that starving kuya kaya libre mo nalang ako.." she pouted pa. While walking. I didn't notice na nasa gawi na pala kami ng pastry shop kung saan sya nakatayo as usual.

"What!?.." bigla ay taka nitong tanong. Di ko pala namalayan na napatigil pala ako sa paglalakad dahilan para magtanong sya. I didn't answered her. She just stared at me. Tsaka nya sinundan ang tinitignan ko.

"Oh my goodness!!. Is this real?.." oa pa nyang tinakpan ang labi nya. Joyce, still not noticing us dahil abala pa rin ito sa trabaho. Ilang dipa pa kasi ang layo namin mula sa kanya kaya siguro di nya pa rin ramdam.

"Anong ginagawa nya dyan?. At wait?. Alam mong andito sya?.." I don't know why I feel her eagerness to not to offend me while asking questions about her. Parang pili ang mga salitang binitawan nya ngayon lang. It's not her usual pag ganitong naeexcite sya.

"Alam mo?.." she asked again.

I nodded at first but shake my head at last.

"What?. Alam mo pero hinde?. Ang gulo mo bro?.." kinamot nito ang ulo while glancing again at her bestfriend. Forehead furrowed.

"I mean. I didn't know na dyan sya nagtatrabraho.. aksidente ko lang syang nakita dyan noong isang araw.."

"So you knew?.. Alam mo na dati pa?. Nung isang araw pa kamo diba?. Bakit di mo sinabi sakin?.."

"Paano ko naman sasabihin sa'yo, bukambibig mo yang Jaden mo.."

"That's not an excuse kuya.. sinabi mo nalang sana.."

"Tsk.." I got mute dahil sa sinabi nya. What the hell! Kung alam mo lang Bamby na mahirap sakin ang itago sya sa'yo. Kung alam mo lang talaga.

"I'll talk to her.." anya saka na dumiretso sa gawi ng kaibigan. Syempre. Nagulat yung isa noong una. Nagkatitigan pa sila bago nagbatian at nagyakapan. Pinanood ko lang rin sila mula sa likuran bago ako tinawag ni Bamby.

Isang matunog na lunok ang ginawa ko bago ako lumapit sa kanya. "Hi. Nice to see you again.." bati ko with a sweet smile. She just stare at me for a while bago nya ako nginitian ng pabalik. Pilit pa yata dahil sa di abot sa kanyang mata.

"Nice to see you too.." pormal na bati nya bago nito hinila si Bamby sa loob at doon na sila tumambay. Dahil sa hiya. Di na rin ako pumasok pa. Naupo nalang ako sa labas at parang tangang, umaasang tatawagin nya ako.

At tanga nga ako dahil umasa rin ako sa bagay na hindi nangyari!

But it's okay. Atleast. She and my sister catched up! That's enough for me!