Chereads / No More Promises / Chapter 140 - Chapter 29: Inis

Chapter 140 - Chapter 29: Inis

"Kuya, gising na. Madami pa tayong gagawin.." ginising ko na sya sapagkat late na kami sa nauna nyang sabi kagabi. Ang madaling araw nitong plano. Naging tanghalian na! Alin kaya duon ang maaga sa kanya?!.

Bwahahahahaha!

"What time is it?." umungol pa sya bago nagtanong. Nasa likod nya ako. Hawak ang saradur. Nakasilip lang sa kanya.

I glance at his wall clock. Past eleven na. "It's past eleven bro.." mahinahon kong sabe.

"What!?.." gulat at kasabay ng pagbangon nyang tinignan ang orasan.

"What the fuck Lance! Bakit di mo ko ginising?." medyo natutuliro na nitong himig. Bumangon sya't mabilis na inayos ang hinigaan saka kumaripas ng takbo sa banyo.

Natawa ako. Tuluyan na akong pumasok sa loob ng silid nya at naupo sa dulo ng higaan nya.

"Ginising kaya kita bro. Kaya nga ako nandito diba?.." sarkastiko kong sambit. Medyo natatawa na.

Lumabas sya ng banyo at ibinato sakin ang tuwalya. "Bakit di ka kasi nag-alarm?.." he insisted pa. Bumalik sya ng loob ng banyo. Pabagsak pa nitong isinarado ang pinto.

"Why me?. Why not you bro?."

"Dahil alam mong matagal talaga akong magising. Hay! Ewan sa'yo Lance Eugenio!.."

"Hoy! Bat kasalanan ko pa ngayon?. "

"Kasalanan mo naman talaga.." nagtalo pa muna kami ng nagtalo patungkol sa alarm hanggang pumatak ang alas dose. Kung di pa dumating si mama para pagsabihan kami, baka walang makakain ang mga bisita na darating ngayon. Tsk!

"Inimbitahan mo na ba lahat?.." he asked nang nasa daan na kami papuntang grocery store. Si mama ang nasa palengke kasama ni Manang para mas mabilis.

"Done. " tipod kong sagot.

"Pati sina, Jaden, Winly and his friends?." nakita ko sa gilid ng aking mata kung paano tumaas ang isa nyang kilay patukoy sa 'friends' na sinasabi nya. I know he's pertaining to one friend of Winly. Alam ko kahit nya pa sabihin.

"Yeah.."

Salamat na lang at di na sya nagtanong pa ulit. Nagpokus kami sa pagbili ng mga kailangan mamaya. Napuno tuloy ang aming sasakyan na para bang nagpapanic buying kami. Lihim pa akong natatawa nang pagtinginan kami ng mga taong pumapasok ng store. What are they staring at?. Am I that gwapo!?.

Feeling Lance! Wala ka ngang jowa eh!.

Hay! Hmmmppp!!..

"Bro, tawagan mo na nga sina Aron. Patulong na tayo. Di natin kayo to. " utos ni master. Tinawagan ko rin agad sina Aron, Billy, Bryle at Poro para mas masaya. Baka magtampo ang mga yan pag si Aron lang napagod sa kanila. Mga baliw pa naman!

"Wazzup bro! Wala akong pera, saka ka nalang mangutang.." biro na ni Aron agad ang bumungad.

"Ulol! Mukha mo.. asan ka?.."

"O bakit ha?. Miss mo na ako?.."

"ASA! Pinapatawag ka ni kuya."

"Bakit raw?."

"Basta. Pumunta ka nalang rito.."

"Sigurado kang kuya mo may kailangan sakin ha hindi ikaw ha?"

"Oo nga!."

"Ay galet! ahahahaha.. iba na talaga pag single.. di masaya hahahaha.."

"Ulol!. Bye.."

"Hoy tek---.." sigaw pa nya pero pinatay ko na ang linya.

Pagkarating namin ng bahay. Diretso trabaho agad ang inatupag namin. Si mama at Manang sa barbecue at mga karneng lulutuin tapos kami naman ni kuya sa pag-aayos sa garden na bagong renovate.

"Kuya, si ate Catherine. Invite her also.." di ko alam bat bigla nalang itong pumasok sa isip ko. I don't have any intention to frightened him or what so ever. Eh. Kaibigan rin kasi namin sya kaya dapat na imbitado rin.

"She's busy.." matagal bago nya ito isinagot. Natigilan ako't napatitig sa likod nya. I feel like. Akala ko ba nakamove on na sya sa kanya?. Why is he like that?. Para bang naiilang pa rin sya pag si ate Cath na ang topic. May posibilidad bang, may nararamdaman pa rin sya rito?.

What do you think Lance?.

Sa nakikita ko, meron pa. First love nya e. Malamang, mahirap yang kalimutan.

Just like you ba?..

Excuse me braincells! Ako ba topic dito?.

Nagkibit balikat nalang ako't inalalayan sya sa pagkabit ng mga pailaw para mamaya.

Maya maya. Dumating na rin ang grupo na tinawagan ko kanina. Except Jaden. Ang sabi, naiwan raw itong nagbantay. Susunod nalang raw pag dumating na si tita. Mama nila.

"Gwapo natin ah.." kantyaw nila sakin.

"Single eh. hahaha.."

"Ay, nagparinig agad. Hanapan na yan!!!.." tuloy di na naubos ang mga kantyaw nila sakin kahit kumagat na ang dilim.

Dumating na rin ang iba habang nag-aayos na kami ng mga pagkain sa mesa. Tumulong na rin akong naglabas ng mga inumin galing kusina.

"Uy.." bati sakin nitong si Winly.

"Hi. Diretso ka na.."

"Hi kuya Lance.." sunod na bati rin ni Karen. Nasa likod nito ay si Kian na na di ko namataan kanina.

"Bro, long time no see.." nakipagkamay ito saka bago binulsa ang mga kamay tapos umatras upang pumantay sa mga kasama nya.

"Long time no see rin bro. hehehe.. pasok kayo.." pinaunlakan ko sila at sinamahan papuntang garden. Nakipagbatian sila sa iba bago ako nagpaalam upang kumuha ng mga alak.

Sa bungad palang ng kusina. Dinig ko na ang boses ni mama. Kausap nito si Bamby. Ilang sandali lang nadinig ko naman ang boses ni Jaden.

"Tita, pinabibigay po ni mama.." bati nito kay mama. Sinilip ko kung anong iniabot nya. Isang bilao nang kakanin. Kinausap nito saglit ni mama bago lumabas. Sinalubong ko sya sa may pagitan na ng kusina at sala.

"Bro." nagulat ko pa ata dahil bahagya itong napatalon. Huminga sya ng napakalalim bago ako kinausap. Kabado to! Masyadong halata eh!

"Bro, kamusta na?." humina ang boses nya. Di ko alam bakit.

"Nak, he's getting hotter.." umalingawngaw ang boses na yun ni mama.

"Ma!?.." matinis na himig ni Bamby ito. Sabay pa kaming napalingon ni Jaden sa gawi ni mama.

"What? hahaha."

"You're teasing me?.." di na namin narinig sagot ni Bamby dahil sa halakhak ni mama.

"Bro, pakidala naman dun to. Kausapin ko lang saglit.." turo ko sa kausap ni mama. Tumitig sya sakin bago kinuha yung alak. Dahan dahan pa syang naglakad na para bang gusto ring kausapin yung kausap ni mama.

"How's life there?.. We are enjoying here. With Jaden.." pag-iinggit ko rito matapos syang batiin. Wala na rin si Jaden sa loob ng bahay. Pinalitan ko si mama sa phone dahil kailangan nya raw pumunta ng banyo.

"I'm enjoying here... with Dilan.. you know..." biro rin nito na di ko talaga nagustuhan. What the hell! Ano!? Gusto kong isigaw ngunit natatakot akong baka may makarinig. Nakakahiya!

"I'm warning you Bamby..." gitil kong sabe.

"Hehehe.." tinawanan lang ako!? Bwiset talaga! Jaden, pumasok ka nga!

Pagsasabihan ko pa sana sya ng nagsabi si mama na hinahanap na ako sa labas. Inis ko nalang na binigay sa kanya yung phone nya tsaka umuusok ang ilong na nakihalubilo sa mga taong nag-iingay na sa labas. Sa inis ko ay kailangan ko pang uminom muna ng malamig na tubig upang mahimasmasan.

Kainis! Bakit kasi di pa pinasama ni papa eh?. Tsk! Bahala nga sila dyan!