Chereads / No More Promises / Chapter 141 - Chapter 30: Tropa

Chapter 141 - Chapter 30: Tropa

"Cheers!.." sabay sabay na nag-umpugan ang aming mga baso. Kung taon na ang lumipas, hindi ng pagkakaibigan ng barkada. Tumanda man kami. Iisa pa rin ang tropa. Walang titibag dito.

"Balita namin, nag-asawa ka na raw pare. " Ani Poro kay kuya. Kaming lahat ay di ito inasahan sapagkat masyado itong pribado o naiisip ko lang na pribado sapagkat sa tingin ko ay di pa handa si kuya na sabihin ito sa lahat. Either the two. Sana lang di sya mainis o lalo ang magalit sa simpleng tanong na iyon.

Nilagok muna ni kuya ang alak na nasa hawak na baso bago nagpasyang magsalita.

"Ahm.. yes.." tipid man ang naging sagot nya, atleast sumagot pa rin sya.

"Wow. Congrats bro.." sinserong bati pa ni Poro.

"Salamat bro.." isang tipid lang na ngiti ang binigay sa kanya ni kuya bago muling nagsalin ng alak at mabilis na tinungga ito. Wala nang nangahas pa na nagtanong muli tungkol sa usaping iyon. Masyado itong sensitibo sa ngayon. At ngayon ko masasabi na. Di pa nakamove on ng tuluyan si kuya. Paano nya kayang nagawang pumayag sa kasunduan kung may mahal pala syang iba?. Hindi ba iyon unfair sa side ni girl?. E wait! Diba may anak na rin si girl?. Iyon ba yung dahilan nya?.

Hay! Ewan! Masakit sa ulo mag-isip!.

"Ikaw bro, wala ka bang mga chicks dun?.." agaw eksenang tanong ni Dave sakin.

"Wala naman.."

"Di nga?. Sa gwapo mong yan?.." sabay na kantyaw sakin nina Bryle at Bryan.

"Walang mahanap e.." simple kong sagot.

"Walang mahanap o ayaw magpahanap?.." si Billy.

"Yun naman pala e.. Uy! sino yan ha?.." tanong ng iba na di nakakaalam sa munting sikreto ko. Tuloy sa kaba ko. Napalagok ako ng alak at agad humagod sa lalamunan ko ang pait ng nito. Napapikit pa ako dahil pagka-abot nito bandang ribcage ko ay parang nabigyan ito ng droga. Lumakas ang pagtalbog nito at para bang nabibingi ako. Di ko maeplain. Kakaiba ang pasok ng isang yun.

"Tsk! Iinom nalang natin yan! Para sa mga single! Cheers!!.." baliw na hiyaw ni Aron. Itinaas ang baso kaya ginaya rin sya ng iba. Laking pasalamat ko sa kanya dahil ginawa nya iyon dahil kung hinde, baka mapipi nalang ako bigla.

Tinanguan ako ni Aron habang tumutungga ng alak. He's saying na he got my back! Alam nya rin kasi kung bakit ayaw kong ipaalam sa lahat. Simple lang. Dahil ayaw ng taong mahal ko. Kung saan sya magiging kumportable, duon ako. Kaso, kahit yata ipagsigawan ko na sa buong mundo na mahal ko sya, wala na ring silbi dahil natapos na ang kami. Nakaraan nalang iyon at masakit pang balikan sa ngayon.

Dumaan tuloy ang lungkot na naman sa diwa ko. Nakikisalo ako sa tawanan nila ngunit hindi buong buo. Kalahati lamang iyon kaya siguro napansin ito nina Winly at Aron.

"Papa Lance, alam kong peke yang ngiti mo. Isang bonggang ngiti naman dyan.." siko nito sakin. Nasa mahaba kaming hapag. Kumukuha ng pagkain. Nasa kaliwa ko sya at nasa kanan ko naman si Aron.

"Kaya nga e. Wag pahalata pare. Maraming mata ang nanonood sa'yo ngayon.." paalala rin nito.

"Ano ba kayo. Usual na ngiti ko to.." giit ko.

"Wag ng madeny pogi.. di bagay sa'yo eh.."

"Ano ang bagay sa kanya kung ganun Win?.." si Aron.

"Ako.. ahahahaha.. char!. hahaha.."

"Bakit bagay ka ba?." wala sa isip kong tanong sa natatawang si Winly. Naglalakad na kami pabalik sa mga upuan.

"Tao, bakit?.."

"Edi, di tayo bagay.." seryosong sagot ko.

"BOOM!!.." hiyaw ni Aron sabay taas pa ng kamay.

"Bwahahahahaha!." halakhak ko na maging ang nasa ibang mesa ay napatingin samin.

"Di man lang sumakay eh.." nguso nito samin.

"Ahahahaha.." natatawa lang kami ni Aron sa kanya. Pupunta rin sana kami sa dating upuan kaso may naupo duon kaya nakiupo kami sa kanila ni Karen and Kian? Anong ginagawa ng mokong na to?. Bumabakod?.. Hmmm? Kay Winly?. Ahahahaha.. Kidding!

"Bat di pala sumama si Bamby bro?.." si Kian ang nagtanong nito matapos kawayan si Jaden dun sa may mesa. Tinatawag ito dito samin.

"Ayaw pang umuwi eh.." seryoso kunwaring biro ko. Eksaktong pagdating ni Jaden. Naupo ito sa tapat ko. Tabi pa rin ni Kian. Tinanguan nya ako kaya gumaya rin ako.

"Eh?. Bakit naman?. May iba na ba sya duon?.." malungkot na tanong ni Karen. Not minding kung may masasaktan o wala. She just wanted it to know. Iyon ang pagkakaalam ko.

"Hmm?.." mabagal pa muna akong nag-isip while glancing at someone na itinuon nalang sa pagkain ang atensyon. Ayaw marinig ang sasabihin ko o inaabangan rin ito. Either way! "Might be.." napasinghap silang dalawa. My sister's bestfriends.

"Seryoso?. May boyfriend na sya dun?.." napaayos pa ng upo si Karen habang tinatanong ito. Masyadong kyuryus sa kaibigan.

Ngumiti ako ng napakaganda. Yung tipong mapapaisip sila. "Suitor. I guess.."

Huminahon ang paligid sa naging tugon ko. Maging ang taong katapat ko ay napatigil sa pagsubo.

Hay!

"But the guy is so consistent. He's really willing to win my sister's heart.." dagdag ko pa. Sumubo si Jaden ngunit sobrang bagal nito.

"Pero, ilang buwan na ba syang nanliligaw sa kanya?." si Kian.

"Not just months bro. Years.."

"Hala! seryoso!?.." halos sabay na hiyaw nila Win at Karen. Tinanguan ko sila. Tinignan isa isa. Nahinto lamang ang mata ko sa taong di pa rin umaayos ng upo. Nakayuko pa rin sa pagkain na para bang andun ang mga taong kasama nya sa mesa

"Bakit di nya pa rin sinasagot kung ganun?." takang tanong pa ni Aron. Sa taong kaharap ko na rin nakatingin. He's watching also how he'll react.

"Dahil ang sabi nya sakin. Stick to one raw sya. Ayaw nya raw pumasok sa isang relationship na kalahati lang ng puso nya ang maibibigay nya."

"What do you mean?." si Karen pa rin.

"Naiwan yata kasi rito yung kalahati eh.."

Sandaling katahimikan bago ang isang malakas at nakakapukaw atensyon na hiyaw.

"Ayiiieee!.." tinulak tulak nila Kian si Jaden habang ginugulo ang buhok tapos dumagdag naman si Aron na inipit sa kili kili ang ulo nito saka ginaya ang panggugulo sa buhok nya. Napapangiti nalang ako habang pinapanood sila. Pulang pula na ang tainga nito sa mga kantyaw ng mga kasama namin.

"Iyon naman pala boy eh. Kaya pala pati ikaw single pa rin. Ayiiieee!!. Ang gwapo mo boy!.."

Pinagkaguluhan nila si Jaden hanggang sa malasing ito ng di nya namamalayan.

Gusto kong tawagan si Bamby para lalo itong asarin subalit baka pati ang kapatid ko ang mamula sa boses ng crush nya.

Hay! Kailan kaya babalik sa dati ang tibok ng puso ko? Pagtatagpuin pa ba tayo ng tadhana o hanggang duon nalang tayo?.

Hay! Ang hirap namang maghintay, umasa at manabik sa taong di ka na mahal. Tsk! Shot mo nalang yan Lance! Tama na ang umasa. Masasaktan ka lang nyan!